Kabanata 10
Tsaka Lang
Halos magwala ako nang umakyat sila sa entablado para tumugtog. Nakita kong sumilay sa labi ni Noah ang ngiting pilit itinatago nang narinig ang mga tili ko para sa kanya.
"Go Noah! You are so hot! I love you!" Sigaw ko, may galak parin sa aking puso.
Alam niyo 'yong pakiramdam na sa sobrang saya mo ay umaapaw na 'yong kasiyahan at kahit anong kilos mo ay nakikitang masaya ka nga? Tumatalon talon ako, halos madapa na. Si Everlyse na nakasimangot at nililingon ako habang nagwawala ay nagtataka na rin sa nangyayari sa akin.
"Look, Megan, I know sira ulo ka na para kay Noah pero-"
"Go Noah!" Halos maiyak na ako nang kinaskas niya ang gitara at nag concentrate sa pagtugtog. "Oh my God, Noah!"
"Hoy!" Sinapak na ako ni Everlyse kaya natigilan ako at napahawak sa ulo.
"Ano ka ba? Anong nangyari sa'yo? Daig mo pa 'yong mga freshmen sa pag fa-fan girl."
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko talaga alam kung pano ko sasabihin sa pinsan ko. Baka kasi maisigaw ko 'yong nangyari ngayon sa sobrang galak.
Nakalimutan ko ngang itext si Ysmael para humingi ng tawad kaya habang talak nang talak si Everlyse tungkol sa pagkakasira na ng ulo ko ay iyon ang ginawa ko. Pagkatapos kong mag type ay nagsisigaw na ulit ako.
"Noah!" Naiiyak kong sigaw.
Tawang tawa sina Wella sa reaksyon kong kahit na halos mag wala na ay natatabunan parin ng mga fangirl na nasa ibang grade level.
"Ang alam ko, Megan, may offer sila sa isang outdoor party. Malaking offer 'yon," ani Wella nang nagkalapit kami.
"Talaga, kailan?" tanong ko.
"Sa sunod na buwan yata. Punta tayo?" anyaya niya.
Agad akong tumango. "Alam mo namang basta para kay Noah..." hindi ko na kailangan iyong ipagpatuloy. Tumango na rin si Wella at sumigaw na para kay Stan na mas lalo yatang ginaganahan at nagpapasikat sa pag kanta.
"Ika'y mag tiwala sapagkat ngayong gabi ako ang mahiwagang... elesi..." Pumikit si Stan at itinaas ang kamay na walang mikropono.
Tumili ang lahat sa ginawang salida ni Stan. Nakakabanas din ang sigaw ng mga freshmen na kung makapag fangirl sa banda ay halos ikakamatay na nila. Ganon din ang ginagawa ko, e. Natatabunan nga lang dahil sa dami nila.
Buong event ay nakatoon ang atensyon ko kay Noah. 'Yong pag galaw niya ay kitang kita ko. Kahit ang pagkagat niya sa kanyang labi tuwing nag pa-plucking, ang blankong pagtingin niya sa mga audience habang kinakaskas ang gitara at ang pag aayos niya sa kanyang buhok pag nagugulo.
Pagkatapos nilang tumugtog ay bumaba na sila sa entablado at nakita ko kaagad na tumingin siya sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga at nilingon sina Wella na mabilis ang lakad patungong backstage.
"Magtatanong tayo kung ano pang kailangan nila sa outdoor gig na iyon at kung saan ba talaga 'yong address at kung may mabibilhan ba ng tickets." Panay ang salita niya para sa mga bagong miyembro ng fansclub na naroon.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...