Kabanata 58

1.5M 34.7K 24.3K
                                    

Warning: SPG

----

Kabanata 58

Speed Boat

Nakatulog ako sa kalagitnaan ng pag iisip. Hapon na at papalubog na ang araw nang gumising ako. Umupo ako ng maayos at nagsisi na natulog ako gayong nasa isang paraiso ako.

Napatingin ako sa mesa na may pagkain. Sino kaya ang naglagay non doon? Tumayo ako at naglakad patungo sa mesang may pagkain. May note doon na nakalagay. Binuklat ko ito at libu-libong alaala ang bumuhos sa aking utak. Naaalala ko lahat ng mga pasahan namin ng papel ni Noah noon sa highschool.

Binasa ko ang note na nasa gilid ng plato.

Take care. Happy birthday. I love you.

-N. Elizalde

Napatingin ako sa pagkaing naroon. Ginugutom ako ngunit mas gusto kong lumabas para tingnan ang paligid.

Tinali ko ang buhok ko at binuksan ang pintuan ng casita para makalabas. Papalubog na ang araw. Hindi na gaanong mainit at malayo na ang dagat sa sea shore.

Luminga ako at tiningnan ang parehong casita sa di kalayuan. Ang una kong nadatnan ay sarado at mukhang walang nangungupa. Pinasadahan ko ng tingin ang lawak ng buhangin at dalawang magkasintahan lang ang nakita kong nasa isang lounger. Wala masyadong tao sa resort na ito.

"Do you need anything, ma'am?" Tanong ng isang empleyado rito na iba sa naghatid sa amin kanina.

Pare pareho silang may kulay patay na dahon na suot kaya alam kong empleyado siya ng resort. Umiling ako sa tanong niya at ngumiti.

"Kung gusto niyo pong kumain mamayang gabi, may apat po kaming restaurant sa iba ibang cuisine. You may refer to your brochure for more questions." Aniya ng nakangiti.

Luminga ulit ako at tiningnan ang mga casita sa malayo. "May... kasama ako kanina. Umuwi ba siya?" Tanong ko.

Gulat ang mukha ng lalaki sa tanong ko. "Baka po naglalakbay sa buong resort? I'm sure babalik rin iyon sa casita ninyo. Lahat ng guests ay may mapa kaya imposibleng mawala sa resort."

Umiling ako. "Hindi kasi kami pareho ng casita. Hindi ako sigurado kung may casita 'yon." Sabi ko.

"Oh, I am so sorry madame pero hindi ko po alam. May umalis na plane kanina patungong Manila carrying seven people. Kung tingin ninyo po ay hindi siya nagtagal ay baka nga po umalis." Anang lalaki at ngumisi ulit.

Tumango ako at tumikhim. That's what I want right. Mabuti rin naman ito. Makakapag isip ako.

Pagkatapos kong saksihan ang paglubog ng araw ay nagpasya akong bumalik sa aking casita. Kinain ko iyong pagkaing naroon at pagkatapos ay tiningnan ang mga damit na binili ni Noah para sa akin. Ang laman ng bag na iniwan niya ay puro mga damit ko lamang. Bago ito lahat at tamang sukat lang sa akin. Isa lang ang swim wear na naroon at hindi ko mapigilang magpasalamat sa kanya sa aking utak. He's always true to his words. Pag sinabi niyang mag iisa ako ay ganon nga ang gagawin niya.

Namasyal ako sa gabing iyon sa kanilang mga restaurant. Hindi ako umorder ng kahit ano sa restaurant dahil paubos na ang cash ko. Kung hindi ako nilapitan ng waiter para bigyan ng fruit shake ay siguro umupo lang ako doon at tiningnan ang mga nag ha-honey moon.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon