Kabanata 14

1.4M 34.9K 25K
                                    

Kabanata 14

One Way

Namumungay pa ang mga mata ko dahil sa halik namin ni Noah. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nag dadrive. I remember a quote from the bible at iyon ang pinanghahawakan ko tuwing naiisip ko ang pag-ibig. That it shouldn't be selfish. Then if this isn't love, because it is selfish and because I think I am, then what is it?

Nililingon ko ang seryosong mukha ni Noah habang nag da-drive. Umigting ng bigla ang kanyang panga. Perpekto ang angle ng kanyang panga at ang medyo magulo niyang buhok ay mas lalong nagpakisig sa kanya. Sa bawat pag galaw niya sa manibela ay mas lalong humuhulma sa kanyang damit ang kanyang braso.

"Stop staring, Meg," aniya.

Ngumiti ako. Ang sungit. Gusto kong mag tanong kung ano na kami gayong ilang beses na kaming naghalikan at nag ho-holding hands pa kami ngayon ngunit natatakot akong masira ang lahat ng ito sa simpleng tanong kong iyon.

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng print na 'yan?" he suddenly asked.

"Of course, alam ko." Nag init agad ang pisngi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Siya naman ngayon ang nakatingin sa akin.

"Ba't 'yan ang naka print, then?" nahihimigan ko ang amusement sa kanyang tinig.

"What should I put there anyway?" Hindi parin ako makatingin sa kanya.

Narinig ko ang kanyang tikhim at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. Hindi parin ako makabaling pero sobra sobra na ang paghuhuramentado ko. Lalo na dahil tahimik na siya at wala na rin akong masabi bukod sa pagpapasensya.

"I'm sorry. I don't really mean it," pagbawi ko.

"You don't want me to..." he trailed off at halos lahat ng init sa katawan ko ay naglakbay patungo sa aking mukha.

My hands are sweating big time. Kabadong kabado ako. He might think that I am that crazy about it.

"Uhm, no... I mean..." Hindi ko alam saan ako kakalap ng mga salita.

Bigla siyang humalakhak. Ngumiwi ako at hindi parin makatingin sa kanya. "You want it..." Nangingiting sinabi niya.

"No!" Halos maisigaw ko iyon sa kahihiyan.

Mas lalong lumaki ang tawa niya. Binitiwan niya ang kamay ko at nakita kong paliko na kami sa street nina Stan. Tahimik lang ako at sinimangutan ko siya dahil mukhang pinagkakatuwaan niya na ako. Tinigil niya ang sasakyan at agad tinanggal ang kanyang seatbelt, pagkatapos ay 'yong sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang pagsimangot ko samantalang di naman magkamayaw ang kanyang ngiti.

"Ang lakas ng loob mo, naduduwag ka naman pala." Ngiti niya at agad lumabas ng sasakyan.

Huminga ako ng malalim at napansin niya pa yata iyon kaya hindi na naman natanggal ang ngisi niya.

"Bilis na. Labas na tayo. Baka magawa ko pa hinihingi mo."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na kinapa ang handle para makalabas ako doon. Tawang tawa siya sa bawat reaksyon ko samantalang natatameme ako dahil wala akong maidugtong na biro.

Nagtaas agad ng kilay si Everlyse, Joey, at Stan nang nakita kaming papasok sa bahay. Nakita ko kaagad ang mahabang table kung nasaan may mga pagkain na masyadong marami kesa sa naimbitahan.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon