Kabanata 59
You're Mine
Tahimik akong pinapanood ang dagat habang pabalik kami sa isla. Nasa harap ako ng speedboat ngayon at ayaw kong lumingon para makita siya sa loob ng cabin.
Papalapit na sa tabing dagat ay humawak na ako sa railing para dumiretso sa hagdanan nito kung sakaling tumigil ito sa pagtakbo. Nang nakalapit na ay itinigil na ni Noah ang makina. Ramdam ko ang bawat hampas ng alon sa speedboat. Nakita kong sinalubong ng dalawang taga roon ang lubid ng angkla ng speedboat.
Bumaba ako nang nakitang hanggang tuhod na lang ang tubig. Napamura pa ako nang muntik nang natalisod sa dulas ng hagdanan.
Naramdaman ko ang paglabas ni Noah sa cabin. Imbes na lingunin siya ay dumiretso ako sa paglalakad. Hindi pa nakakalayo ay isang bagsak lang ang narinig ko sa tubig at alam kong nakababa na siya.
Tutok ang araw sa tanghaling langit at dire diretso lang ako patungo sa aking casita. Iniisip kong tanghali na ngunit hindi ako dinalaw ng gutom. Siguro ay dahil iyon sa nangyari sa amin ni Noah.
Pagkabukas ko ng pintuan sa aking casita ay mabilis na hinawakan ni Noah ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya.
"Let's talk." Malamig niyang sinabi samantalang sinasarado ang pintuan ng casita ko sa likod niya.
Nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan sa mga tanong sa utak ko. Binitiwan niya ang braso ko. Tumikhim ako at humakbang patungo sa sofang malapit sa malaking bintana na tanaw ang dagat.
Nanatili siyang nakatayo malapit sa pintuan. Naka tshirt at black board shorts. Basa pa ang bikini ko sa ilalim ng aking puting dress ngunit hindi ko magawang tumayo para magbihis muna.
Nag angat ako ng tingin nang humakbang siya palapit sa akin. Tatabi siya sa akin? Abot-abot ang lakas at bilis ng pintig ng puso ko. God, his effect on me. Bahagya akong umatras para mabigyan siya ng espasyo.
"Do you want to ask or do you want me to say something?" Mahinahon niyang sinabi nang bumagsak ang tingin ko sa aking mga paang inakyat ko sa sofa.
I can't believe he asked me that question. Nagkibit balikat ako. "I want you to talk." Sumilip ako sa kanya habang niyayakap ang aking tuhod.
"Okay, miss." Huminga siya ng malalim. "I'm sorry about that picture. Alam kong hindi mo inasahan iyon. Matagal na iyon. College pa lang ako."
Kumunot ang noo ko. "College ka? Hindi ba ay si Coreen ang mahal mo non?" Hindi ko maiwasan ang tabang sa aking tono.
Tumitig siya sa akin. "It's not hard to like Coreen, Meg. At ganon rin si Divine nong mga panahong iyon."
Inangat ko ang ulo ko. "You liked them both?"
Umangat ang labi niya. "I find Divine interesting. She's a good singer. I must admit, sa panahong iyon ay mas sikat ang kanyang banda kesa sa amin nong naroon pa si Wade. Kahit na umalis na si Wade at nag disband kami pansamantala ay hindi siya tumigil sa pagsuporta sa amin. She became our vocals... sa ilang fun gig namin."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na naging bokalista ng Zeus si Diva.
"Ang sabi niya ay kahit noong highschool pa siya at si Stan pa ang vocalist namin ay sinusubaybayan niya na kami. May mga stickers siya namin. 'Yong mga ginawa niyo noon ni Wella nong high school pa tayo. She even made a scrapbook for Zeus."
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...