Kabanata 29
Same Noah
Lumipas ang mga araw at alam kong bantay sarado ako kay Everlyse at Carlos sa bahay. Minsan pa akong binalaan ni Everlyse na isusumbong niya ako kay mommy at daddy pag ginawa ko ulit iyon.
"I understand how you feel. I'm encouraging you, Meg. But know your limits. That's not healthy. I mean, alam kong ganyan ka na kay Noah noon. You support him with pero kung sinasaktan ka lang rin naman niya, hindi siya ka support support."
And I know that she's right. Pakiramdam ko lang talaga ay responsibilidad ko lahat ng nararamdaman ni Noah sa akin. Kahit iyong galit niya. Because I left him years ago. Hindi ko lang siya bastang iniwan, sinaktan ko siya ng husto.
Sa mga sumunod na linggo ay naging abala ulit ako doon sa mga dokumento. Dumating na iyong pinadala ni Stan at nakita kong kulang kulang iyon kaya pinunan ko ang mga kulang. Tumulong din ako sa Moon Records. Madalas kasing wala si mommy at daddy dahil may malaking project ang Going South at may nalalapit din silang concert.
Tumunog ang cellphone ko habang nasa kwarto ako at nag lilinis ng kalat galing sa ginawa kong panibagong portfolio kanina. Nakita kong tumatawag si Wella. Pinulot ko ang cellphone ko para sagutin ang kanyang tawag.
"Hello?" Sabi ko habang nag liligpit ng iilang mga papel.
"Are you busy?" Nahihimigan ko ang pagdadalawang isip sa kanyang boses.
"Uhm, not really. Why?"
"Kasi... yayayain ko sana kayo this Friday. Birthday ko," aniya.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. I didn't know. I should buy her a gift.
"Saan?"
"Let's just go out. Dinner and party out? With the girls, of course."
Tumango ako at napa-oo. "Syempre."
"You sure you're not busy? Ang sabi kasi ni Thea na madalas ka daw umayaw sa gig this past few days. Wala din kasi ako dahil medyo na busy sa trabaho."
"Oh... Na busy din ako sa pinag aapplyan ko. Don't worry, I'll be there." Sabi ko bago kami nagpaalam at bumaba na.
Sinuklay ko ang buhok ko at nagpasyang hanapin sa bahay ni Everlyse at magyayang lumabas para bumili ng kahit anong para kay Wella. Kinatok ko ang kwarto nila ni Carlos at ang kanyang boyfriend lang ang sumagot sa akin.
Namumungay ang mata ni Carlos. Nagising ko pa yata sa pagkakatulog. "Nasa baba," usal niya.
"Oh. I'm sorry, Carlos." Sabi ko at umalis na roon para hanapin ang pinsan ko.
Bumaba ako sa sala at ang flatscreen namin na naka on lang at walang nanonood ang naroon. Asan ba si Everlyse?
Hinalughog ko ang bahay. Pumunta ako sa kitchen at baka sakaling nagluluto, pero wala siya doon. Wala rin siya sa dining room o kahit sa maid's quarter. Nang namataan ko ang labas at nakita kong nakaupo siya doon sa may patio at kaharap niya ang kanyang iPad ay tumikhim ako at nagsimulang lumapit.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...