Kabanata 21

1.4M 34.5K 17K
                                    

Kabanata 21

Nagmamahal

"Oh my God? What happened to those really chinky eyes now?" Klarong klaro ang boses at panlalaki ng mata ni Everlyse sa akin habang nasa cellphone ko siya at nag S-Skype kami.

Halos maputol ang braso ko sa pagdala ng aking maleta. Inangat ko ito at ipinatong sa X-ray machines ng NAIA.

"Shut up, Lyse." Sabi ko habang inaayos ang black rimmed kong eye glasses na sinuot ko para matabunan ang namumugto kong mga mata.

Dinig na dinig ko ang pagbulung bulong niya tungkol sa katangahan ko.

"'Yang pag ibig mong 'yan para kay Noah, parang imburnal. Pag nahulog ka ng walang nagtutulak sayo, isa lang ang ibig sabihin niyan! Tanga ka! Wala naman kasing nagsabi sa iyo na magpakita ka sa kanya. Ayan tuloy..." She sighed.

"Are you kidding me? Wala ako don para sa kanya-"

"Admit it... You also want to see if he still loves you. At ngayong nalaman mong hindi na, what now? Move on." Naririnig ko ang frustration sa boses ni Everlyse.

Nanahimik na lang ako. Kinuha ko ang bag ko sa X-ray at pati ang cellphone ko kung saan online parin si Lyse at nag aabang sa akin.

"It's almost boarding, I have to go..."

"Don't you give me that damn excuse! It's been two weeks and you haven't called!" Sigaw niya pero hindi niya napigilan ang pagputol ko sa linya.

Hinigit ko ang stroller at sa bawat salaming nadadaanan ko ay pinagmamasdan ko ang aking mga matang mas lalong lumiit. My eyes have always been slightly big and chinky. But now, they're small and chinky dahil sa walang humpay na pag iyak ko. Masakit pala talaga.

Sa araw ding iyon, nang nagkita kami ni Noah ay nakahalubilo ko si Coreen. From the way I see it, she likes Noah. Kaya lang ay ginugulo siya ni Rozen Elizalde. That manwhore! Kung pwede lang ay pigilan ko siya sa ginagawa niyang panggugulo.

Kahapon ay nakipagkita ako sa banda. Wala si Noah. Syempre, bakit siya pupunta? Si Warren at Joey lang ang bumisita sa bahay namin nang naghahanda na ako pabalik ulit ng New York.

"Mas lalo kang pumuti," ngiti ni Warren sa akin habang kinukurot ang pisngi ko.

Ngumiti rin ako pabalik, "Tumangkad kayo!"

Umupo kami sa mga puting patio chairs namin na nakaharap sa isa pang puting round table na unti unting pinupuno ng katulong ng pagkaing para sa kanya. Nakipag highfive sa akin si Joey na ngiting ngiti habang tinitingnan ako. Malaki ang ipinagbago nila. Bukod sa lumaki ang kanilang pangangatawan at tumangkad ay naging mas attractive din ang dalawa. Naisip ko tuloy ang pinsan ko. If he was here, they would have been the best band in the city.

"Kumusta?" ngiti ko sa kanila.

"We're doing great. We heard..." nagtaas ng kilay si Joey sa akin.

Tumango agad ako. "Nagpunta ako sa school niyo nong isang araw." Hindi ko na kailangang dugtungan iyon. Sa mga tingin nila sa akin ay alam kong alam na nila kung ano ang nangyari.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon