Kabanata 9

1.5M 43.1K 27.9K
                                    

Kabanata 9

I Missed You

I refuse to plant hatred in my heart. Sinaktan ako ni Noah, oo, pero mas nangibabaw sa akin ang pasasalamat na hindi niya ako pinaglaruan. Alam niyang gustong gusto ko siya ngunit hindi niya pinatulan 'yon dahil hindi niya naman ako gusto.

I realized that there is an invisible gap between who my heart desires and who is meant for me. May mga bagay na hanggang diyan na lang talaga. May mga taong hahangaan ko at ilalagay sa pedestal at hanggang doon lang talaga. May mga tao ring magugustuhan ko, hindi man kasing bigat tulad nang naramdaman ko don sa hinahangaan ko, but still the feelings should be treasured and nurtured.

"Ang nakakaexcite lang talaga sa Grade 11 ay 'yong prom. Pero 'yong mga subjects? God, Megan! Ayoko na!" Iiling iling si Everlyse nang banggitin ang lahat ng panibagog mahihirap na subjects para sa taong ito.

Kararating ko lang galing Los Angeles. Sa dalawang buwan na walang pasok ay doon ako nagbakasyon sa tita kong nandoon. Isang buwan pagkatapos ng prom ay naging mabilis ang panahon dahil sa final exams namin. Naging mas malamig ang trato ni Noah sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay lumalayo siya dahil ayaw niyang umasa ako. Kahit na ang totoo ay huli na, napaasa niya na ako.

"Megan!" Nilingon ko ang tumawag sa akin.

Alam ko na kaagad na may tatawag sa akin pagkadaan ko sa hagdanan kung saan madalas ang club. Naroon nga sina Wella at ang iba pang miyembro ng fans club ni Noah. Umirap si Everlyse at alam niya na kaagad kung ano na naman ang gagawin namin.

"Wala ka pala nong summer pero ayos lang. Nagpaprint kami ng bagong t-shirt para satin. Mamaya 'yong Club shopping ng mga freshmen at tutugtog ulit sina Stan. Ano? Game ka ba?" tanong ni Wella sa akin.

"Sure!" Ngiti ko sabay usisa sa mga damit na naroon.

Pang limang taon ko na ito at limang beses na rin akong sumali sa gig nila tuwing club shopping. Tiningnan ko lahat ng plano nila at nagandahan na rin sa embossed design ng bagong t shirt nila na may nakalagay sa payat na mga letrang 'Zeus'.

"Madalas ang punta ni Noah sa bahay nong summer. Nag papractice sila ni Stan," usal ni Everlyse sa akin habang hinihintay ako.

Abala ako sa paggugupit ng iilang mga letrang ididikit daw nila sa likod ng illustration board para ma ispelling ang pangalang ZEUS. May tarpaulin na ngunit hindi sila nakuntento doon kaya heto at naging abala ako. Mabuti na lang at naisipan nilang sa mga benches kami sa gilid ng court kami uupo nang sa ganon ay hindi mahaharangan ang daanan ng mga tao don sa hagdanan.

Nakasandal si Everlyse sa likod ko, talak nang talak habang ganon din ang ginagawa ng iilang club members na naroon sa may iba-ibang topic.

"In fairness kay Stan mas gumaan at lumalim ang boses niya kaya mas bumagay talaga sa mga kantang tinutugtog nila," ani Everlyse.

"Uh-huh... Magaling si Stan, e." Wala sa sarili kong sinabi habang naggugupit.

"Speaking of the devils." Humagikhik si Everlyse at may narinig akong tumikhim at tumili sa tapat ko.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon