Kabanata 42

1.3M 34K 15.5K
                                    

Kabanata 42

Not Yours

Pinagkaabalahan ni Stan ang kanyang cellphone. Nagawa niya pang umalis habang matalim siyang tinitigan ni Noah. Bumagsak ang katawan ni Carlos sa pool at tawanan ang narinig ko sa kay Lyse nong nag dive rin siya doon.

"Oh, Jesus, Everlyse!" Frustrated at natatawang sinabi ni Carlos.

Humilig ako sa madilim na parte ng pool, nagpalutang at tumingala sa mga bituin. Ang munting malanding hagikhikan ni Everlyse at Carlos ay naging mas lalong tahimik.

"Now, I'm soaking. God, Everlyse!" Ani Carlos.

Nakakabingi ang tili ni Everlyse nang may ginawa si Stan sa kanya. Naramdaman ko naman ang lamig sa aking balikat nang umihip ng hangin kaya tumigil ako sa paglutang. Baka magkasakit ako nito.

Carlos groaned. Mukhang tinanggal niya ang kanyang t shirt at narinig ko ng bahagya ang bulung bulung ni Everlyse sa kanya tungkol sa pagkuha ng maiinom sa kitchen.

"What mix do you want?" Tanong ni Carlos sa pinsan ko.

"Meg, iinom kami ng cocktail. What mix do you want?" Sigaw ni Everlyse sa akin.

"Jack Coke lang." Sagot ko at bahagya silang tiningnan.

"Alright!" Ani Everlyse at umahon agad galing sa pool. Hinila niya si Carlos at pinasahan ng tuwalya.

Nang inayos ko ang aking sarili para matingnan ang kabuuan ng pool ay nakita kong wala na si Noah sa inuupuan kanina. Mag isa ako ngayon dito sa pool at wala ring tao sa poolside. I was about to swim to the other side when I heard footsteps beside me. Lumingon ako at nakita kong nakapamulsa si Noah na lumalapit sa kung saan ako nakasandal.

Lalangoy na sana ako palayo ng mariing hinawakan ni Noah ang braso ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakayuko na siya at seryoso ang kanyang mga mata.

"What?" Iritado kong tanong kahit na kumakalabog na ang buong sistema ko.

Binitiwan niya ako. Nag squat siya sa doon habang ang isang kamay ay naglalaro sa labi bago nagsalita muli.

"Your cousin lied to me..." He said. "And your dad, too."

"Why does it matter?" Nag iwas ako ng tingin.

It's done. Nakapag desisyon na ako at ang desisyon ko ay ang huwag nang balikan ang mga panahong desperadang desperada ako. Oo, desperada ako. Desperada ako non dahil alam kong may kasalanan ako kay Noah bago ako umalis. Alam kong nasaktan ko siya ng husto kaya tinanggap ko ang sakit na idinulot niya sa akin pagkabalik ko. But that's that. I've had enough.

"Umahon ka." Utos niya.

Napalingon ako sa kanya. Nanginig ang buong sistema ko nang nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. I am not sure if it was for me. But I am sure that he's pissed. Inaamin ko na kahit na sanay na ako sa pagiging malupit at suplado niya ay nangangatog parin ako tuwing ganon siya.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon