Kabanata 36
Let's Do This
Sa kalagitnaan ng pag gawa ko sa pangatlong project ay nakatulog ako. Unti unti na lang bumukas ang mga mata ko para maaninag ang oras na alas nuwebe at halos kalahati pa lang ang natatapos ko sa project na iyon.
Kinusot ko ang mata ko at pinag isipang mabuti ang pag uwi na sa ganitong oras. Pinukpok ko ang ulo ko nang may naalala.
"Holy shit! Hindi ko nga pala dala ang sasakyan ko! I need to freaking go." Sambit ko pagkatapos ay tinitigan ang screen ng computer.
Wala na doon ang ingay kanina ng mga ka officemate ko. Pag andar na lang ng aircon ang natitira at ginugulo ako ng utak kong kakapanood lang ng horror movie.
Sa aking screen ay sumisigaw ang project na tapusin muna bago umalis. Nagmura ulit ako at nagdabog. Pinagsisisihan ko ang pagtulog kanina. Narinig kong kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako nakakakain!
Bumaling ako sa teleponong nasa kabilang cubicle. Ni dial ko ang numero ng security sa baba nitong building. Dalawang palapag lang ang pag aari ng kompanya at nasa pang siyam na floor ako. Magtatanong lang ako kung may taxi pa bang pumaparada sa baba ng building. Siguro naman ay mayroon. Ang alam ko ay may call center sa ilang palapag nitong building at madalas umuwi ng disoras ang mga nagtatrabaho doon.
"Hello?" Pumikit ako, medyo inaantok parin.
"Yes, ma'am." Sagot nong security.
"Megan Marfori po ito ng Aboitiz. May taxi pa po kaya ngayon diyan?" tanong ko.
"Meron po, syempre. Magpapatawag ho ba ako?" Tanong niya.
"Wag na muna. Hindi ba iyan nauubos, manong?"
"Hindi po," sagot niya.
"Sige po, salamat." Sabi ko at binaba na ang telepono.
Kinuha ko ang kulay dark blue kong mug at nag bukas ng isang instant coffee. Kaya ko pa naman siguro. Naglakad ako patungo sa water dispenser na hindi naman kalayuan sa mesa ko. Namataan ko pa doon ang isa kong officemate na nakangangang tulog sa kanyang swivel chair.
At least, I'm not the only one.
Pinuno ko iyong mug at hinalo ko iyong instant coffee. Binalot agad ng amoy nong kape ang buong room. Sumimsim ako ng kaonti, natatakot na mapaso. Sa pag simsim ay naalala ko na naman ang nangyari kanina bago ako dinalaw ng antok.
"Stupid, Meg." Iling ko habang naiisip ang malamig na tingin ni Ysmael sa akin.
Inubos ko ang kalahating oras sa pag iisip kung ano nga ba talaga ang nangyari noon. Nang naalala ko na ang huli naming alaalang mag kasama ay iyong kinaladkad ako ni Noah palabas sa classroom at hinalikan kung saan ay naisip ko kung gaano ako ka walang pakealam sa pakiramdam ni Ysmael. Hindi nga pala ako nakapagpaalam ng maayos o hindi ko man lang siya na itext at humingi ng dispensa sa nangyari! But he can't be that affected right? Na hanggang ngayon ay iyon parin ang ikinagagalit niya sa akin? Come on, that was ages ago!
Pinilig ko ang ulo ko at napagtanto kong nag aaksaya ako ng panahon para sa wala. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at hanggang sa natapos ko iyon. Quarter to twelve nang natapos ko ang pangatlong project. Nag ligpit agad ako ng gamit para makaalis na doon. Inisip kong kumain muna sa cafeteria sa baba ngunit mas gusto kong umuwi kesa kumain kaya napagdesisyunan ko rin sa huli na sa bahay na lang ako kakain.
BINABASA MO ANG
Worthless (Published Under MPress)
RomanceMaria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan...