Kabanata 35

1.3M 32.6K 9.5K
                                    

Kabanata 35

The Boss

Problemado sina mommy at daddy sa mga sumunod na linggo. Isa isa kasing nagdatingan ang mga problema sa Going South. Matagal na silang maraming intriga pero itong mga nakaraan ang pinaka malalaki.

"Ang problema kasi sa mga fans ay masyado silang naki carried away. Agad silang nag co-conclude kahit na ang totoo ay bulag sila sa katotohanan." Sabi ni Everlyse habang kinakagat ang green apple.

Bumisita ako sa kanilang bahay. Nakatanggap kasi ako ng mensahe galing sa sekretarya ni Ysmael o ni Mr. Aboitiz na tanggap na ako sa kanilang kompanya at magsisimula na ako sa Lunes. Ilang linggo na rin simula nong bumalik si Everlyse sa kanilang bahay. Syempre kasama niya si Carlos dito. Kakatapos lang ng renovation ng kanilang bahay at naninibago pa ako sa itsura nito.

"Everlyse, you really can't blame them. Wala silang alam. Good for us, alam natin ang mga nangyayari, sila ay hindi-"

"Kaya nga dapat ay wag na lang silang mag conclude." Umirap si Everlyse na ang tinutukoy ay ang mga fans ni Wade o ng Going South na umaalma sa pag ibig nito kay Reina Elizalde.

"Halos kalahati ng fans ay teenagers. Hindi mo kakayaning intindihin ang raging hormones nila. Imbes na patulan ay hayaan na lang. Let them learn from their mistakes." Sabi ko at umupo sa kanilang kulay beige na sofa.

"Some of them won't learn. Kailangan mo pang sampalin bago matuto." Irap uli niya habang pinapatay ang TV kung saan nagpahayag si Wade Rivas ng kanyang speech tungkol sa nangyari at nagbabantang hindi mag rerenew sa kontrata.

"Problema na nila kung ayaw nilang matuto. Hindi naman masisira ang buhay mo kung hahayaan mo sila. But I understand Wade... syempre nasaktan si Reina. 'Yan ang napala ng mga fans." Kibit balikat ko.

"Anyway, Meg, pinaulit mo na ba ang iyong tattoo?" Tanong ni Everlyse.

Umiling ako. "Hindi pa. Nagpaschedule pa lang ako ng appointment with Willy. 'Yong artist na kilala ko galing boracay. Magaling siya kaya kinuha ko. Ipinakita ko na rin ang gusto kong disenyo, siguro next month na."

Tumango si Everlyse at kita ko ang pagdududa sa kanyang mukha. "Nag Facetime nga pala kami ni Stan kanina. Uuwi na pala siya next week."

"Whoa! Really?" Gulat kong sinabi.

Nalaman ko kay Everlyse na nagkasundo si Carlos at Stan na mag sosyo sa negosyong gusto ni Carlos. Dapat ay babalik na ang dalawa sa New York pero dahil gustong mag negosyo ni Carlos ay nag extend na muna sa bakasyon.

Araw-araw hanggang nag linggo ay doon ako nagpapalipas ng oras kina Everlyse. With their new pool and amazing patio, pakiramdam ko ay nasa isang international hotel ako.

Umahon ako galing sa swimming pool. Sa lounge ay nakahiga si Everlyse samantalang tulog naman si Carlos sa kabila. Kitang kita ko ang mga mata niyang pinapanood ang tattoo ko.

"Kailan mo huling nakita si Noah o 'yong Zeus?" Tanong ni Everlyse.

Ngumuso ako. "Nong recording? Bakit?"

Tumango siya at nagkibit balikat. Hindi na nag abalang sagutin ang tanong ko. Siguro ay nagtanong lang siya para makumpirma na hindi na nga ako sumasama sa grupo tuwing may gig ang Zeus.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon