Kabanata 12

1.3M 34.3K 25.7K
                                    

Kabanata 12

Eat Me Noah

Maraming tao sa party. Kanina pa nag sasalita si mommy sa harap tungkol sa success ng kompanya at sa pagpapalago nito. Napansin kong marami mga negosyanteng dumating. Iilan sa kanila ay tanyag sa iba't-ibang larangan. Hindi ko maiwasang mamangha habang nakikita kong nag sisidatingan ang iilang malaking tao sa showbusiness.

"Megan..." Wika ni daddy nang papalapit sa kanya ang iilang mga malalaking tao ng industriya.

"Yes, dad." ilang beses na rin akong naipakilala sa iba't-ibang mga tao. I know exactly how to deal with them.

"Rodolfo..." Nag beso ang matandang babaeng kilala bilang CEO ng isa sa pinakamalaking TV station sa bansa.

"Hi!" Bati ni daddy.

"Congratulations sa inyo ni Alejandra. I knew you two can do this." Ngiti ng matanda.

"This is my daughter, Megan." Sabay ngiti ni daddy habang ipinapakita niya ako.

Nginitian ko lahat ng nakakausap at ipinapakilala sa akin ni daddy. Hindi ko na maalala kung sinu suno sila pero may iilan akong importanteng mga taong nakilala na noon at nanatili sa aking mga alaala. Pumalakpak kami pagkatapos mag salita ni mommy nang bigla kong napansin ang nakangiting lalaki sa gilid ng taong kararating lang.

"Good evening, Mr. Marfori," malalim ang boses ng bumati.

Natoon ang paningin ko sa nakangiting lalaki. Luminga kaagad ako para hanapin ang kanyang kapatid na wala doon. Of course, I've seen Everlyse with her parents but Stan isn't here. Mas inuna nila ang pag papractice sa banda. I understand that. It means a lot to them but still, I hoped for Noah's presence tonight.

"Good evening, Megan." Malupit na ngiti ni Rozen.

Tatlong lalaki ang humarap sa aking daddy. Kilala ko si Mr. Elizalde. Ngayon ko nga lang yata nakita ang isa pa niyang anak, 'yong eldest nilang nasa kanan ni Mr. Elizalde.

"Magkakilala nga pala ang mga anak natin, Rodolfo." Ngumisi si Mr. Elizalde.

Sa ngisi niya ay nakita ko ang anino ng mukha ni Rozen at Noah. Parehong pareho. They were all cut from the same cloth, I knew it.

"Kilala ko po si Rozen dahil schoolmates kami." Singit ko ng nakangiti.

Nagtaas ng kilay si Rozen sa akin at nanatili ang kanyang ngiti. Nginitian ko siya pabalik. What is it this time, Rozen?

"I'm glad you came. Mamaya ay pupunta na dito si Alejandra to talk about our new business." Ngiti ni daddy habang iminuwestra kay Mr. Elizalde ang mga upuan sa tapat namin.

"Rozen..." Tawag ni Mr. Elizalde at bumaling sa akin.

"Po." Sagot ni Rozen.

"Can you take Ms. Marfori outside. Mamasyal kayo sa hall o di kaya ay lumabas kayo. I know this is gonna be boring for you two." Ngumiti si Mr. Elizalde sa akin.

"Okay, dad." At mabilis namang umaksyon si Rozen.

Nilingon ko lang si dad at agad siyang tumango sa pagsama ko kay Rozen. Whatever was the reason why we need to go somewhere else, I don't really mind. Hindi ko man sabihin at ipakita ay inaamin kong boring nga ang mga tagpo doon at nagsisikap lang akong hindi antukin para sa mga magulang ko.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon