Kiss ang nickname ko. NBSB at thirty two. Ang proof na ang hirap hanapin ang true love sa age ko? Nasa lilim ako ang ipil ipil tree sa Malulupig at nagpo-propose ng arrange marriage sa lalaking twice ko pa lang nakita. Kabaliwan? Yes! Wala na akong choice, eh. Pero minsan, masarap mag-declare ng war sa mundo, paglalaruan ka kasi sa mismong moment na kailangan mo ng taong seseryoso.
Pagkatapos ng proposal, para akong na-high. Nag-blurred ang paligid, nakarinig ako ng kakaibang tunog at nag-collapsed. Sa unconscious state na iyon, nagkaroon ng extension ang weird kong panaginip tungkol sa mga silver leaves na may kakaibang tunog.
And someone kissed me!
Nagkamalay ako na nasa bibigay nang papag ng albularyo sa Malulupig. Ang linya ni Lolo, may selyo na daw ako ng engkanto! "Kung mas malakas ang damdaming katapat ng damdamin ng prinsipe, tatalunin ang puwersa nila. Maililigtas ang dalaga."
Windang na ang katawang lupa ko. Engkantado ang ipil ipil tree!
"Pag-ibig," sabi naman ni Tiyo Digoy, ang senior citizen na katiwalang kakampi ko.
"P-Pag-ibig ho?" ulit ko, sumakit na talaga ang ulo ko. Heto nga't pumipila para maging asawa ko ang mga lalaking sa property ko lang interesado, heto nga at na-engkanto na ako dahil sa proposal ko kay Scar, tapos sasabihin nilang true love ang solusyon sa sakit ko? True love ang katapat at makakatalo sa pagnanasa sa akin ng engkanto?
Pesteng engkanto!
At unfair na mundo!
"Kailangan bantayan ang dalaga sa loob ng sampung oras, sampung araw, sampung linggo, sampung buwan hanggang sampung taon—sa oras, araw, linggo at buwang iyan, magtatangka ang prinsipe na sunduin siya."
At nagkataning pa ang buhay ko?
Ah, pesteng true love!
Pero biglang nag-change mind si Scar, tinanggap ang proposal ko. Akin na daw siya—pangalan at katawan. May free taste—este free kiss pa bago ang kasal, para naman daw may idea ako kung ano ang kasama sa 'offer' niya. Biglang bawi ako mga besh! Baka hindi naman talaga peste ang true love?