TAMA ako. Senior citizen na nga si Tiyo Digoy. Matandang matangkad, puti na ang buhok at perfect kayumanggi ang wringkled skin, na patunay ng panahong lumipas sa buhay niya. Pleasant ang mukha kahit hindi nakangiti. Hula ko, guwapo siya noong kabataan. Maganda ang tangos ng ilong. Kung itatabi sa pila ng mga senior citizen, si Tiyo Digoy ang hindi nakakailang lapitan. Parang friendly old neighbor nextdoor na paboritong kakuwentuhan ng lahat, ganoon ang dating nito.
Ako ang naunang bumati ng ngiti, tumayo agad ako pagkapasok nila sa sala. May kasunod siyang dalawa pang lalaki. Parehong tall and dark. Luma na ang mga suot, naka-t-shirts na may patong na long sleeves, katerno ang punit punit rin na kupas na maong jeans. May pare-pareho silang straw hat. Kung tama ako, mga tao sa farm ang dalawa. "Magandang gabi, Tiyo Digoy."
Bahagyang umangat ang kilay niya bago ngumiti. "Magandang gabi rin. Kilala mo na ako, hija?"
"Nabanggit ho ni Aling Belina," dinamay ko na rin sa ngiti ang dalawang kasama niya na nagtanggal naman agad ng mga sombrero. "Ako po si Kiss."
"Krisanta Mariquit?"
"Oho."
"Kilala na rin kita," at mas ngumiti pa. "Sina Pong at Gong," pakilala niya sa dalawang lalaki. "Dalawa sa mga tapat kong trabahante sa farm. Dalawa lang sila sa paboritong tao ng Don."
Nag-bow nang slight ang dalawa. Bigla tuloy akong nag-feeling royal blood. Sinaway ko agad ang feeler kong inner self.
"Maghapunan na kayo bago umuwi," sabi ni Tiyo Digoy sa dalawa. Tingin at slight bow lang uli ang paalam ng dalawa sa akin. Sa kilos ng mga ito, halatang sanay sa loob ng bahay. Sa kusina agad ang way na pinuntahan. "Tara sa opisina ko, hija," sabi sa akin ni Tiyo Digoy, naglakad na papunta sa isa sa mga silid sa lumang bahay.
Kinuha ko naman agad ang bag ko at binitbit. Pero paglingon ni Tiyo Digoy at nakita ang bitbit ko, tinawag agad niya sa Aling Belina. "Dalhin mo ang gamit niya sa silid ng Don." Gusto kong mag-protesta pero hindi natuloy. Nakuha na kasi ni Aling Belina ang bag ko. Ayoko sana mag-stay sa dating kuwarto ng namatay na Don. Baka kasi naroon pa ang kaluluwa ni Don Augusto, matuwa sa pagdating ko, biglang magparamdam!
'Wag naman sana...
Sumunod na lang ako ng tahimik kay Tiyo Digoy. Sa isa sa tatlong pinto, doon siya pumasok—na room-office pala niya sa bahay. Office table, isang silya at ang dibisyon sa gitna ang agad kong nakita pagkapasok. May wine cabinet na nagsisilbing dibisyon. Sa likod ng wine cabinet, ang tulugan niya.
"Maupo ka, hija," sabi ni Tiyo Digoy, ang isa sa magkaharap na silya sa harap ng office table ang in-offer sa akin. "Magbibihis lang ako. Nakakahiya namang amoy araw ang kausap mo." Ngumiti siya at lumigid sa tabi ng wine cabinet. Naupo na lang ako at naghintay. Pagbalik ni Tiyo Digoy, puti na lahat ang suot—polo shirt at pants.
Sa marahang mga hakbang, umupo siya sa upuang nasa likod ng mesa. "Hindi ka nagpasabi na dadalaw ka," ang unang sinabi niya. "Hindi man lang kami nakapaghanda."
Na-touched ako. Kung may prior notice pala, baka may celebration sa farm?
"Hindi ho kailangan," sabi ko agad. "Gusto ko lang talaga makita ang lugar. Magiging honest ho ako, Tiyo Digoy. Naisip kong 'di totoo lahat ng mga nalaman ko. Alam n'yo na ho, sa panahon ngayon, ang daming scammers at manloloko." Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Sinamantala ko na nag chance na magtanong. "Bakit ho pala kilala n'yo na ako? Si Aling Belina rin, parang alam na kung sino ako. Si Attorney ang nag-inform sa inyo?"
Marahang umiling si Tiyo Digoy. "Hindi ko pa nakakausap uli ang abogado ng Don," ang sinabi niya. "Si Don Augusto mismo ang nagbanggit sa akin at sa ilan pa niyang paboritong trabahante. Na may papalit sa kanyang isang babae; ang kanyang apong tagapagmana—huling meeting namin sa kanya iyon, bago ang tuloy tuloy na niyang paghina." Kuwento pa ng matanda. "Wala ka pa man, pamilyar na kami sa pangalan mo. Nakita ka na rin namin sa isang larawan na hawak ng Don."
"Gano'n ho pala," ang nasabi ko na lang. "Ano ho ang opinyon ng mga tao n'yo sa akin?"
"Hindi naman nila nasabi sa akin. Ang alam ko lang, umaasa silang walang magbabago nawala man ang Don. Ano ba ang plano mo, hija? Sana naman ay hindi mo naiisip ibenta ang farm. Mahal na mahal ni Don Augusto ang lugar na ito. At ang mga trabahante, karamihan sa amin ay dito na tumanda. Kung mapupunta sa ibang kamay na hindi kagaya ng Don ang pamamalakad, ang daming pamilya ang mahihirapan. 'Wag mo sanang ibenta, lalo na sa pamilyang karatig lupain natin."
Napatitig lang ako kay Tiyo Digong. Biglang na-delete ko sa plano ang pagbebenta ng farm. Naintindihan ko ang kalagayan ng mga trabahador. Alam ko ang pakiramdam nang masanay sa isang kapaligiran 'tapos ay biglang mababago nang hindi man lang napaghandaan. Naka-relate din ako sitwasyon ng isang tapat na empleyadong ibinigay halos ang buhay sa kompanya, 'tapos sa huli, itatapon lang pala—gaya ng nangyari kay Miss Gullava.
"Hindi pa ho legal na akin ang farm," ang sinabi ko. "Pero kung malipat na nga sa akin ang kontrol sa farm, wala ho kayong dapat ipag-alala, Tiyo Digoy. Wala ho tayong babaguhin. Sa inyo ko pa rin ipagkakatiwala ang farm. Kayo ho ang nakakakilala sa mga tao, gawin n'yo ang makakabuti para sa kanilang lahat."
Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Salamat, hija. Ang laking bagay nito para sa amin."
"Pero may isang problema ho kasi," hindi na ako nag-dalawang isip na sabihin sa kanya ang ideya ko. Kung totoong mahalaga sa kanilang lahat ang farm, kailangan naming magtulungan. "May kondisyon ho kasi. Maililipat lang sa akin ang farm kung married na ako. Single ho kasi ako ngayon. Kailangan ko ng groom—ASAP."
Napatitig siya sa akin—at natawa, na parang naaliw.
"Hindi mo naman ako pipiliting pakasalan ka, Kiss?"
Ako naman ang napatitig sa kanya bago natawa rin. "Actually, kaninang kausap ko si Wina, saka lang ako nakaisip ng mabilis na solusyon. Asawa lang naman ang kailangan ko. Nabanggit ni Wina na ang bilis sa balita ng mga tao rito pagdating sa paghahanap ng Mr. Right or Miss Right. Ipadala n'yo sa buong kaharian—farm pala, na kailangan ko ng asawa. Pili tayo ng pinakamura ang singil, Tiyo Digoy. 'Tapos ho ang problema nating lahat. Mababawasan nga lang ng parte ang farm. Wala kasi akong ipambabayad sa magiging asawa ko. Pero kung may papayag na pakasalan ako ng libre—na hindi hihingin ang karapatan niya sa akin bilang asawa, game ho ako!"
Tumawa ang matanda. "Alam ko na kung saan galing ang ideya," umiling-iling ang katiwala. "Seryoso ang tungkol sa kondisyon, hija?"
"Wish ko nga ho joke lang, eh. Pero totoo..."
"At seryoso kang dito maghanap ng asawa?"
"Sino ho ba ang mas makikinabang sa farm? Tagarito rin naman kaya mas maganda nang isa sa kanila ang tumulong sa akin."
"Ipaaabot ko sa mga tao ang desisyon mo."
"Sa papel lang ho ang kasal," paglilinaw ko. "Gagamitin ko rin ho ang parte ng farm kung kakailanganin ko ng pera para sa 'pag-aasawa'—sana okay lang sa inyong lahat. Hindi naman kasi ako mayaman."
Tumango uli si Tiyo Digoy. "Titingnan natin kung mga karapat dapat na lalaki ang mga kakagat sa plano mo."
"Kayo naman ho ang nakakakilala sa mga kalalakihan dito, mag-recommend na lang kayo ng safe groom. 'Yong wala tayong magiging problema, Tiyo Digoy."
"'Wag kang mag-alala, hija, tutulungan kita."
"Salamat ho."
"Aasahan kong hindi mo rin kami pababayaan kapag nakuha mo na ang kontrol sa farm."
"Promise ko po sa inyo 'yan."