MINUMURA ni Scar ang sarili habang nagliligpit sa lababo. Ang napapala ng kalandian. Halatang halata ang pag-iwas ni Kiss sa kanya. Nagtiis na maging blurred ang paligid. Halos makain na ang mga ulo ng hipon, hindi pa rin siya hinawakan. At ramdam niyang magkabangga-bangga man ang babae, mas pipiliin na nitong hindi siya hawakan.
Humigpit ang hawak ni Scar sa hinuhugasang plato. Nagpipigil lang siyang huwag hampasin ng plato ang ulo niya. Gago siya. Ang laking gago. Banat siya nang banat. Sige nang sige sa lantarang pang-aakit, hayun ang resulta, iniwasan na siya ni Kiss.
May natuklasan siya sa sarili. Ang sama ng epekto sa kanya. Ang lakas ng suntok ng guilt sa dibdib niya. Guilt at walang pangalang bigat sa puso. Hindi niya gusto ang pag-iwas ni Kiss. Apektado siya. Gusto niya ang dati, na ang bilis niyang nakakalapit, nakakahawak, nakakayakap, nakaka-score ng halik kay Kiss. Ibang pagka-high ang dala sa kanya. Sobrang gaan. Ibang saya. Ang tagal na niyang hindi nakaramdam ng ganoon.
Ilang oras pa lang na nagkaroon sila ng distansiya, miss na miss na agad niya ang Kiss na walang invisible na harang sa sarili. Ang Kiss na humarap sa kanya nang umagang iyon, may nakapalibot nang harang.
Gago talaga siya. Magtiis siya ngayon.
Minura uli ni Scar ang sarili. Mabilis niyang tinapos ang pagliligpit sa lababo. Kakausapin niya si Kiss. Deretso ang mga hakbang niya papunta sa kuwarto nito, pagpihit niya ng door knob, hindi gumalaw.
Napamura na naman siya.
Ni-lock ni Kiss ang pinto. Hindi na siya gustong makasama ng babae. Magtitiis na lang sa malabong mundo basta hindi na siya makalapit.
Nakuyom ni Scar ang kamay. Nakailang beses siyang untog ng ulo sa katabing dingding. Sunod-sunod ang paghinga niya nang malalim. Ano nang gagawin niya ngayon? Mag-transform sa ala hayop na alam niyang tingin sa kanya ni Kiss dati? Ipilit ang gusto niya? Ituloy ang paglandi hanggang makuha niya ang gusto? Hanggang maka-score?
Mura na naman.
Hindi. Gusto lang niya ng pag-uusap—na walang mga kuwentang bagay ang topic. Gusto lang niya ang ngiti ni Kiss at ang mga tawanan nila. Gusto lang niya ng tahimik na tulog sa tabi nito. Gusto lang niya ng...
Katamikan.
'Tang ina! Ang gago ko!
Nagbuga siya ng hangin sa ere. Hindi puwedeng ganito na lang. Hindi niya pakakawalan ang magaang pakiramdam sa dibdib.
Kumatok si Scar. "Kiss? 'Usap tayo."
ILANG segundong nakatingin lang ako sa pinto. Usap lang ba ang gusto ni Scar? Hindi ako dapat nag-lock ng pinto pero iyon ang unang naisip ko. Distansiya, iyon ang dapat para sa aming dalawa. Mas okay nga siguro kung umalis na muna si Scar. Pababalikin ko na lang si Kitty.
"Kiss? 'Usap tayo!" ulit ni Scar, mas malakas. "Bibilang ako. Tatlo lang. Sisirain ko 'to."
Lumapit na agad ako sa pinto para buksan. Hindi dahil sa banta. Naisip kong hindi ko rin naman maiiwasan iyon. Mas okay nang pag-usapan. Binuksan ko ang pinto, bukas na bukas para makapasok siya. Tatalikod pa lang sana ako para bumalik sa kama, napigilan na niya ang braso ko, hinila ako palapit—at niyakap.
Maingat na yakap na papahigpit. Hindi ko napigilang pumikit.
Walang kahit anong sinabi si Scar pero mariin ang halik sa noo ko, kasunod ang paghinga nang malalim. "Wala nang landi," mababang sabi niya. "Hawakan mo na ako." Naramdaman ko ang mariing hagod niya sa likod at buhok ko. "Isang araw pa lang, ayaw mo na agad sa akin?"
Tahimik lang ako. Wala naman kasi akong maisip sabihin. Ano ba dapat? Na ang hirap ipaliwanag ang mga nararamdaman ko. Na gusto kong umiwas pero gusto ko rin magpayakap? Na nagugulahan na ako sa maraming bagong pakiramdam pero isang titig lang niya, isang ngiti lang o isang yakap, nare-realize kong isa lang pala ang gusto ko—siya.
Hindi ko na rin pinigilan ang sarili, gumanti ako ng yakap. Gusto ko talaga ang init ng katawan niya. "'Wag ka kasing atat sa porn," magaan nang sabi ko. "Ramdam mo naman 'di ba? Tukso ka, ako, hamak na mortal, marupok," dagdag ko pa para may effect na drama at comedy. "Tao lang, eh. Gawin natin nang tama. 'Pag may papel na tayong mag-unli sex. Kasal muna. Isusuko ko naman agad agad ang Bataan—" Narinig ko ang magaan niyang tawa.
"Hindi na," putol niya. "Hindi na ako magiging demonyo."
Natawa ako. Hinagod ko ang likod niya. "Kumain ka na ba? Ako lang ang kumain kanina, a."
"Hindi pa."
"Hindi pa?"
"Wala akong gana. 'Lakas mong magparamdam na ang demonyo ko, eh. Tagos na tagos."
"Gano'n? Sorry naman. Gusto ko lang ng distansiya kasi naman..." paano ba dapat sabihin ng tama lahat ng nasa utak ko?
Dumistansiya si Scar at niyuko ako. Pag-angat ko ng tingin, hinalikan na naman niya ako sa noo. "Gago ako, pasensiya na, Kiss."
"Hindi naman masyado. Kumain ka na," at magaan kong hinampas sa abs. "Ang sarap ng bihon mo—" nauwi sa tawa ang ngiti ko nang binuhat na lang niya ako nang walang warning.
"Samahan mo akong kumain."
Tumitig na lang ako sa looks niyang messy pero ang sarap titigan. Ang lips ang pinaka-tempting.
Sh*t.
Gusto ko na naman ng torrid kiss!
Juice ko!
---- :) ----
To read more of VA books: follow, vote, comment, share. :)