11. Pag-uusap

1.3K 77 5
                                    

"TIYO Digoy," nagbukas ako ng pinto, mga nine thirty na ng gabi. Sa mahinang katok pa lang kanina, alam ko nang ang katiwala ang nasa labas ng kuwarto ko. Hindi na niya suot ang paboritong outfit sa farm—magkapatong na lumang long sleeves at t-shirt, katerno ang lumang luma na rin na pants or maong jeans at straw hat. Nakangiti si Tiyo Digoy pero parang pagod ang mga mata.

"Nag-dinner na ho kayo?" Naisip ko agad na nalipasan na siya ng gutom. Hindi yata birthday party ang pinuntahan. "Hindi naman emergency ang masamang plano natin kay Scar, dinner ho muna kayo." Magaang biro ko. Naalala ko ang mga 'magulang' na nagpalaki sa akin. Na-witness ko kung gaano binago ng edad ang mga katawan nila. Nakikita ko kay Tiyo Digoy ang kinilala kong ama—na ang sipag sipag, na gustong gusto pang magtrabaho kahit suko na ang katawan. "Puwede naman ipagpabukas ang pag-uusap kung pagod kayo, Tiyo..."

"Ayos lang ba sa 'yo, hija?"

"Ayos lang ho. Hindi naman ako nagmamadaling bumalik ng Manila. Tinapos ko na lahat ng trabaho bago ako umalis. Puwede akong mag-stay dito nang mas matagal. Hindi kailangang magmadali, Tiyo Digoy. Kain ho muna kayo 'tapos pahinga."

"Medyo masama nga ang pakiramdam ko, Kiss," sabi ni Tiyo Digoy. Sabi na nga ba. Kaya malamlam ang mga mata nito, parang sobra ang pagod. "Bukas na lang tayo mag-usap, hija. Hindi ko rin naman naabutan si Scar. Wala siya sa bahay kanina."

Tumango ako. "Bukas na lang ho."

Sumunod ang tingin ko sa mabagal niyang mga hakbang pabalik sa sariling kuwarto. Gusto ko nang sumunod at alalayan siya. Halata sa mga hakbang na masama talaga ang pakiramdam.

Hindi rin natuloy ang pag-uusap namin kinabukasan. Buong araw na nasa kuwarto lang si Tiyo Digoy. Nagpapahinga. May lagnat na daw hatinggabi pa. Madaling-araw pa lang bumaba ang lagnat. Si Wina ang nagbalita sa akin. Dumaan sa kuwarto ko ang teenager kaninang umaga bago pumasok sa eskuwelahan. Nasa bayan pala ang Academy na pinapasukan ni Wina.

"Plakda ang sundo ko," sabi pa ni Wina. "Sana matiyempuhan ko si Scar 'pag-uwi ko. Ang hirap abutan ang last trip ng jeep 'pag ang dami kong assignment at research, eh."

"Ako na lang ang sundo mo, girl. Drive ko 'yang laruan ni Tiyo Digoy."

"Gusto ko pero 'wag na lang, Ate Kiss," sabi ni Wina. "Thank you na lang. 'Di mo kasi kabisado dito. 'Yang sasakyan ni Tiyo, panay sira 'yan 'pag hindi siya ang nagda-drive. Parang tao na lakas makaramdam. Ang sensitive! Baka masiraan ka pa somewhere 'tapos 'di tayo magkita. Maghahanapan pa tayo no'n. Okay lang ako. Sanay na ako. Keriboom!"

"Sure ka?"

"Sure na sure."

"Lagi namang pakalat kalat lang si Scar sa kalye every twilight, eh. Aswang ang peg. Pagbaba ng araw, saka nasa labas," at tumawa. "Angkas na lang ako 'pag nakasabay ko sa kalye."

"Paano 'pag hindi?"

"Sure na may isang dadaang papasok din ng Malulupig. Nakiki-hitch na lang ako. Sanay naman na sila."

"Kumusta na ho si Tiyo Digoy?" tanong ko pagdaan ni Aling Belina na dala ang food tray. Galing siya sa kuwarto ng katiwala.

"Mabuti na kaysa kagabi, Kiss," sagot niya, napangiti akong nawala na rin ang Ma'am na hindi niya maalis-alis. "Nakakain na rin ng marami. Balik trabaho na naman 'yon bukas mismo."

"Naku, baka naman ho mabinat. May mga trusted na tao naman siya sa farm, sila na ho muna siguro."

"Hindi natin mapipigilan 'yan si Tiyo Digoy. Kapag gusto niya, gusto niya."

"Pahigupin n'yo na lang ng maraming sabaw para lumakas."

Natawa si Aling Belina. "'Yan nga mismo ang plano ko. O siya, ikaw naman ang mag-almusal na. Maraming almusal sa kusina."

Nakangiting nagpasalamat ako.

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon