21. Ang Nagbabalik

1.6K 131 48
                                    

MATANGKAD na itim ang malabong imahe sa labas ng pinto. Familiar scent ang umabot sa akin. Parang nag-react ang heartbeat ko.

"S-Scar?" Para akong bulag na deretso lang ang tingin. Umabot man kasi sa mukha niya, malabo pa rin naman.

"'Daming ginagawa sa kusina si 'Nang Bel," ang buo at mababang boses ni Scar. "Pinaakyat na ako. Kumusta?"

Hindi ko napigilan ang ngiti. Inabot ko siya. "Pahawak?" Ang ini-expect ko, braso ang ilalapit niya para kapitan ko. Hindi, kamay niya ang naramdaman kong nagkulong sa kamay ko. Sa kamay namin tumutok ang mata ko—mga kamay namin na unti-unting luminaw. Mas lumapad ang ngiti ko. Malinaw na talaga! Na-realize ko bigla kung gaano kahalaga ang malinaw na paningin.

"Thank God," bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung narinig ni Scar. Kung ano man ang dahilan niya ng pagpunta, agad agad ko nang ipinagpapasalamat. Okay na sa akin ang ilang oras na malinaw ang mundo sa mga mata ko.

Nag-angat ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, basta nang nagtama ang mga mata namin ni Scar, bigla ko na lang siyang niyakap. Wala namang emosyon ang mga mata niya kaya hindi iyon dahil na-tempt ako. Na-overwhelmed lang siguro ako sa thought na kusa siyang bumalik, sa mismong moment pa na gusto ko talagang may kasama. Iwanan ba naman ako ng best friend na dapat ay karamay ko. Hayun, at nag-videoke pa!

"Biglang OFW ang dating ko," narinig kong sabi ni Scar. "Ang ngiti mo, parang asawang iniwan at binalikan."

Tumawa lang ako. "Whatever." Mas niyakap ko pa siya. Ang saya ko lang. Wala na akong pakialam sa iisipin niya. Basta ang mahalaga, malinaw na uli ang mundo ko. "Salamat sa pagdaan."

"Ang saya mo, ah."

"Na-miss ko lang ang malinaw na mundo."

"Madilim ang mundo 'pag wala ako?"

"Oo, eh."

"Ano'ng puwede nating solusyon diyan?"

"Pakasalan mo ako?"

"Masyadong atat, ah."

Tumawa lang ako. Sinamantala ko nang hinayaan niya akong yumakap lang. Hindi man gumanti ng yakap, okay lang. Basta kasama ko lang siya at nahahawakan ko. "Nag-iisip ka pa rin ba? Pipirma lang naman at haharap sa abogado—" hindi ko na natapos, bigla kasi akong binuhat ni Scar. Naglakad siya palapit sa kama at maingat akong inilapag.

"Mag lagnat ka pa rin?"

Hindi ko alam. Nawala sa isip kong i-check kung mainit na naman ako. "Hindi ko napansin. Pero gano'n talaga since no'ng nagkasakit ako, bumabalik ang lagnat ko sa gabi." Nagkatabi na kaming nakaupo sa kama. Hindi na ako nakahawak sa kanya pero magkadikit ang mga side namin habang nakaupo. Malinaw pa rin ang paningin ko.

"May kaibigan ka raw na nandito?"

"Best friend ko. Nagpasundo ako. Bukas, 'balik na kaming Manila. Baka dito lang malakas ang effect ng engkanto. Sana sa bahay ko, hindi na."

"Aalis ka na bukas?"

Bakit, ayaw mo pa akong umalis?

Marahang tango ang sagot ko. "Kung undecided ka pa ngayon, hindi ko na mahihintay ang sagot mo." Nag-angat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin. Naging aware ako sa lapit namin. Sobrang lapit na pala na kaunting kaunting galaw lang, magki-kiss na kami!

Hindi ko alam na nakaka-distract si Scar. Hindi ko rin alam na kapag nakatitig sa mata niya nang malapitan, malabo na lahat. Hindi ko na pansin ang itim niyang mask. Ang perfect ng pagkakagaya ng phantom mask. At ang tangos ng pala ng ilong niya...

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon