22. Kasunduan

1.4K 134 24
                                    

PARANG nag-sudden stop ang mundo ko pagkatapos ng tanong. May kakaibang kabog sa dibdib ko—kaba, anticipation at excitement. Hindi ko alam kung anong aasahan ko kay Scar. Nakatitig lang siya, walang visible reaction sa mukha at mga mata. Ilang segundo iyon na nagtama lang ang mga mata namin—na gusto ko nang magsisi kung bakit ang tapang ko pang magtanong.

"Depende kung ano'ng kaya mong gawin," balik ni Scar. "Turuan mo ako. Gawin mo lahat. Hindi naman ako bato. Pero hanggang sampung buwan lang, Kiss. Masyado nang matagal ang sampung taon, hindi ko na kayang ibigay pa 'yan."

Napakurap muna ako. Hindi agad nag-sink in sa akin ang message niya. Nasa akin pala ang burden. Ako ang dapat mag-effort para ma-fall siya? At within one year lang. Kaya ba isang taon lang ang hiningi niyang kondisyon? Pasok nga naman ang ten months. Pero mas mahaba sa isang taon, hindi na puwede. Pang-isang taon lang ang samahan namin. Okay lang naman. At least, malinaw. Walang expectation. Hindi na rin mabibigla ang puso ko pagkatapos ng isang taon. Ang gagawin ko na lang, laging i-remind ang sarili na hindi kami pang long term. Na i-enjoy ko na lang ang mayroon kami habang nandiyan pa. Limited lang kasi ang oras para sa amin.

Naniguro na rin ako. Malinaw ang time frame ng 'pagsasama' namin, dapat malinaw din ang ibang bagay. Para naman walang sisihan at regrets sa huli. "Safe sex?"

"Wala akong sakit, Kiss."

"Virgin ako."

"Tang ina!"

Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Ang linaw kasi ng reaksiyon ni Scar na nasa pagitan ng pagkagulat at pagpipigil na itulak ako palayo.

"Lutong no'n, ah? First kiss ko nga 'yong pesteng engkanto! Sa mga hamak na mortal, ikaw! Suwerte ng mukha mo, ha?" at nginisihan ko siya. Way ko iyon para maging magaan ang usapan. Ayoko ng tensiyon. At may kung ano rin kay Scar na nagpapadali sa akin ang magpakatotoo. "Naniniwala kasi ako sa pagiging sacred ng kasal. Pero hindi ko na-foresee 'to—'yong pakakasal ako na wala ang mga dapat at tamang rason?"

Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Tinaasan ko na lang ng isang kilay. "Ano na? Dapat may ma-achieve namang something 'tong usapan natin—"

"Tapusin na natin ngayon," agaw ni Scar. Tumayo siya at lumapit sa pinto. Narinig ko ang tunog ng lock bago siya bumalik sa harap ko. Hindi na siya umupo uli, lumuhod sa isang tuhod, kinuha ang kamay ko para ipatong sa balikat niya. "Malinaw na ako?"

Tumango ako.

Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa, dahan-dahang nagtanggal ng mask. Hindi siya nagsalita nang kahit ano, tumingin lang sa mga mata ko habang lantad na ang pinagtatakpan sa mukha. Peklat—sa noo hanggang sa pisngi. Maikli at mahabang mga peklat. Halatang iniwan ng sunog. Hindi nalalayo sa peklat ng phantom of the opera na napanood ko sa play noong college. Para sa akin, hindi ganoon kasama para takpan ng itim na mask. Ang mas naisip ko, ang naging sakit ng mga sugat. "Hindi naman pala sira ang buong right side ng face mo, eh." Maingat kong dinama ang ilan sa mahabang peklat. "Okay lang 'to na walang cover. Pero kung uncomfortable ka, try mo magpa-design ng tattoo, 'yong colorful? Nakita ko sa event 'yon dati. Cute. Effort pa ang mask, eh. Mukha kang trying hard na sindikato," at magaan akong tumawa. "'Pag colorful tattoo 'to, art lover pa ang peg mo. Pero sa henna lang ang vote ko. No ako sa may tusok." Mula sa peklat, ang buhok naman ni Scar ang pinakialaman ko ang mga strand, inipon ko lahat sa right side ng mukha niya. "Or takpan mo na lang ng ganito, astig effect. Para kang supladong anime. Or, 'wag mo na lang takpan. Unless—sabi mo nga, ikaw ang may ayaw na makita 'yan."

Ang tagal na tumingin lang siya sa mga mata ko.

"Kung bukas ang ilaw, ayos lang sa 'yong ka-sex 'to," itinuro niya ang sariling mukha. "Kaya mong tumingin nang deretso sa akin?"

"Hindi 'yang mukha mo ang problema ko sa bukas na ilaw!" at tumawa ako para itaboy ang tensiyon. Kinakabahan ako sa usapang sex. Ang hirap para lumampas sa kalendaryo na inexperienced sa sex! "Virgin nga 'di ba? Virgin! Nakakahiya. Kung super sexy ako, ayos lang na ang liwanag. Dapat dim naman ang lights! Grabe ka!"

Ngumisi siya. Unang beses. Unang beses kong nakita. At bumilis ang tibok ng puso ko—ang guwapo ng loko, hindi, ang sexy ng ngisi. Mas naging hot pa ang dating niya.

Napalunok ako. Bigla, gusto ko na siyang i-kiss hanggang mabura ang ngiti. Inilayo ko agad ang tingin. Napatikhim pa ako. Wish ko lang, wala siyang nabasa sa mga mata ko.

"Pero bago ang kasal at sex, ano muna ang real name mo?"

"Makikita mo naman sa mga papel," hinila niya ang braso ko sabay hapit sa baywang ko—kandong na niya ako bago ko pa na-realize na iyon ang gagawin niya. "'Wag na muna ngayon. Mabantot."

Natawa ako. Mukhang pareho pa kaming may sama ng loob sa pangalan.

"Hubad na," sabi ni Scar at inilapit ang mukha.

Napamaang ako. "H-Hindi pa tayo kasal..."

"Damit mo," balik niya at umangat ang sulok ng bibig. "Damit mo, kailangan ko para sa albularyo."

Muntik ko nang batukan ang sarili ko. Napakamot na lang ako. "Ah, oo nga. Sige. Sige, sandali lang." dumistansiya na ako agad. Hindi ko na hinila si Scar para makita ang mga damit ko. Medyo nasanay na akong base na lang sa kulay ang pagpili ng damit. Alam ko naman kung anong mga pantulog ang dala ko.

Dumeretso na agad ako sa banyo. Ternong pajamas ang ipinalit ko sa hinubad kong oversized T-shirt at cotton pants. Nakatupi na ang mga damit paglabas ko ng banyo. Pagbalik ko sa tabi ng bag, nahirapan akong hanapin ang paper bag na hindi ko alam kung saan ko naisiksik. Isa sa disadvantages ng malabong paligid. "Scar? Pahawak ako, please? 'Di ko mahanap 'yong paper bag."

Naramdaman ko ang paglapit niya.

"Saan ang gusto mong hawak?"

"Kahit saan—"

Naramdaman ko ang braso niya sa baywang ko, umangat ang palad at humagod sa dibdib ko, deretso sa side ng leeg at tumigil sa pisngi ko, kinabig ang mukha ko paharap sa kanya—at inangkin ang mga labi ko.

Na blangko na ang utak ko.

Kung kanina malalim ang halik, ngayon, banayad at maingat. Hindi ko kayang hindi pumikit. Hindi ko na hinanap ang paper bag, inangat ko na lang ang mukha ko at tinanggap ang halik.

Para akong lutang nang tapusin niya ang halik. "Tawagan kita," bulong sa akin bago kinuha ang mga damit ko, binitbit palabas ng walang balot.

Napalunok na lang ako. Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong humabol. Gusto kong yumakap. Gusto kong ulitin ang halik—hindi ko puwedeng gawin lahat. Self control, Kiss! Kasama kong matutulog sa kuwarto si Farah. Hindi puwedeng mag-stay si Scar. Ang tapat ng puso ko na lang ang hinagod ko.

"Ingat...Ingat ka!"

Ang lumapat na pinto ang tunog na sumagot sa akin.

Napapikit ako. Nakita ko sa isip ang kissing scene namin. Nanuyo ang lalamunan ko. Sa naramdaman kong epekto ng halik sa akin kanina, ramdam ko nang walang kahirap hirap akong maaakit ni Scar sa kama. Hindi ko naisip na may lalaking may kakayahang buhayin sa akin ang maraming mga bagong pakiramdam.

Ramdam ko na ngayon pa lang, pagdating kay Scar, paulit ulit akong magiging mahina. Takot at excitement na ang nasa puso ko para sa isang taon naming pagsasama.

Wish ko lang, hindi sakit lang ang maiwan sa akin pagkatapos ng sampung buwan—kung buhay pa ako.


Ano na nga kaya ang future ni Kiss?

For more VA stories, dont forget to...

Follow. Vote. Comment. Share. :)

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon