16. Pagdating

1.4K 113 20
                                    

ANG blurred kong mundo, malinaw na nang mag-angat ako ng tingin. Si Scar nga ang nagbuhat sa akin. Si Scar na tuloy tuloy lang ang mga hakbang papunta sa banyo. Pagdating sa may pinto, inilapag niya ako. Napakapit ako sa braso niya nang bumaba na naman ang sakit sa paa ko. Dumugo na naman ang gilid ng kuko. Hindi ko na namalayang ang higpit na ng kapit ko sa braso ni Scar sa pagpipigil na umungol.

Bumitaw din ako nang kaya ko nang maglakad. Pagkapasok ko sa banyo, blurred na naman ang paligid. Ang tagal na nakaupo lang ako sa toilet bowl, paulit ulit na pikit-dilat-pilig ng ulo ang ginawa ko, pero hindi na luminaw uli ang tingin ko. Naghilamos din ako, wala ring epekto.

Pagbukas ko ng pinto, nakaabang si Scar. Pinigilan ko na nang bubuhatin niya ako uli. "Kaya...kaya ko na, salamat. P-Pahawak na lang..." kumapit ako sa braso niya. Paglapat na paglapat ng kamay ko, unti-unting naging malinaw ang paligid. Hindi ko napigilan ang pagtutok ng tingin sa mukha niya. Bumaba din sa mga mata ko ang titig niya.

"Ano'ng problema?" tanong ni Scar nang hindi ako magbaba ng tingin. Umangat pa ang malayang kamay niya, hinawakan ang side ng pisngi na may mask.

"Ano'ng...ano'ng mayro'n ka?"

Blangkong tingin lang ang ibinalik ni Scar.

"Napansin ko na 'to sa bahay mo pa lang," binawi ko ang kamay na nakahawak sa kanya, tumingin sa paligid—na naging blurred na naman, saka ko ibinalik uli ang hawak sa braso niya. "Akala ko...akala ko nagkakasabay lang pero hindi. May iba sa 'yo, Scar."

"Iba? Ano'ng iba?"

Hinanap ko sa paligid si Tiyo Digoy. Mga tatlong hakbang lang ang distansiya nila sa amin. Magkatabi sila ni Aling Belina. Si Wina, nakaupo naman sa gilid ng kama ko.

"Tiyo Digoy..."

Lumapit agad sa amin ang katiwala. "Halos buong araw ho na blurred na ang paligid ko. Sobrang sama na rin ng pakiramdam ko. Palala pa nang palala habang palapit sa oras na sinasabi ni Tatang Urling. Pero ngayon..."

"Ano 'yon, hija?"

"Nagbabalik ho sa dati ang linaw ng tingin ko 'pag nakahawak ako kay Scar." Inalis ko uli ang kamay ko sa braso niya. "Nagiging blurred na naman 'pag ganito..."

Napatitig sa akin ang matanda. "Sigurado ka ba, Kiss?"

Tumango ako. "Napansin ko na ho 'to no'ng nasa bahay niya tayo."

"Ang pakiramdam mo, kumusta?" si Aling Belina naman. Hindi agad ako sumagot, pinakiramdaman ko ang sarili. Liban sa dumudugo ang magang daliri ko, okay naman na ang pakiramdam ko. Nawala na rin ang lutang na feeling? Paanong naging posible iyon?

Bumalik ang tingin ko kay Scar. Anong mayroon sa kanya? Bakit may ganoon siyang epekto sa sinasabi ng albularyo na 'lason' ng engkanto?

Hindi ko napigilan ang pagngiti. Okay na talaga ang pakiramdam ko. Hindi pa ako mamamatay bukas!

"Okay...okay na ho ako, Aling Belina."

"Si Scar ang gamot mo, Ate Kiss?" si Wina.

Pagbaling ko, ngiting-ngiti sa akin ang teenager.

"Maka-Scar ka ang lutong," sabi ni Scar kay Wina. "Wala kang galang. 'Dami mong atraso sa akin, batang makulit—"

"Hindi na ako bata!" agaw ni Wina. "Sorry na nga. I lab yu!" at nag-heart finger kay Scar. Sa kabila ng sitwasyon, natawa ako.

"Alwina!" si Aling Belina. "Ano'ng I lab yu I lab yu? Ano'ng ganyan ganyan?" Ginaya pa nito ang pag-heart finger. "Ikaw, umayos ka! Hindi ka na nahiya, may mga ibang tao rito."

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon