26. Scar's Code

1.6K 139 20
                                    

MAY natuklasan ako kay Scar. Hindi ko naisip na ganoon siya. Sa unang araw pa lang naming magkasama, may na-reveal na agad.

Antukin siya!

Sa pagka-messy at rugged ng looks, sa tangkad at machong katawan, walang mag-iisip na masandal lang siya, tulog na agad. Pagkaluto niya ng early dinner namin, balik sala kami. Binuhat na naman niya ako at inilapag sa sofa. Si Kitty, pinag-early dinner niya muna bago hinayaang umalis. Pinipigilan kong matawa na natakot sa kanya ang teenager. Napilitang kumain bago umalis.

"Kakain ka o kikidnapin kita 'pag alis ko rito?"

"Kakain na po, kuya..."

"Damihan mo. Galit ako sa mga nagda-diet. Nagda-diet ka ba?"

"Hindi. Hindi po, Kuya."

"O, kinilaw na ampalaya. Ubusin mo. Masustansiya 'yan."

"Okay. Okay po, Kuya."

"Gusto mong dagdag allowance?"

Katahimikan.

"Sagot agad!"

"Gusto. Gusto po..."

Katahimikan.

"'Uy, wow! Hindi nga, Kuya? Totoo? Akin na 'to?" kasunod ang masayang tawa ni Kitty. Sayang, blurred ang tingin ko. Hindi ko nakita ang inabot na pera ni Scar at ang masayang mukha ni Kitty.

Ang bilis lang naglipit ni Scar sa kusina. Sa sala na kami nag-stay pagkaalis ni Kitty. Magkatabi kami sa sofa. Siya, nakasandal sa backrest. Ako naman, nakasandal sa side niya at ka-chat si Farah. Tahimik lang siya sa tabi ko. Ako naman, na-engrossed sa pagtingin ng mga pictures ng damit na sine-send ni Farah. Mga thirty minutes na busy ako sa phone. Naisip ko pang nakikibasa ng chat si Scar pero pagbaling ko...

Tulog na siya!

Hinayaan ko na lang. Tuloy lang kami sa palitan ng message ni Farah. Nag-check na rin ako ng email at messages sa mga social media accounts ko. Sinamantala ko na habang malinaw ang mundo ko. Pag-alis ni Scar, balik na naman ako sa malabong paligid.

Pagkatapos gawin ang mga dapat kong gawin online, magaang tinapik ko si Scar. Mabili siyang makatulog pero mabilis din namang magising. "'Lipat ka sa kuwarto. Mas comfortable."

"Wala ka nang gagawin dito?"

"Wala na."

Tumayo siya, pumunta sa front door at ni-lock ang pinto. Pagbalik sa sofa, walang paalam akong binuhat. Napangiti na lang ako, agad kumapit sa balikat niya. Deretso sa kuwarto ang mga hakbang niya. Pagkalapag sa akin sa kama, ni-lock din ang pinto. Nagtanggal ng mask, inipon sa head board ang mga unan at sumandal.

In-on niya ang TV gamit ang remote control.

"May movies ako, kung gusto mong manood," sinadya kong sumandal sa side niya, para hindi ko na siya kailangang hawakan. "Hanap ka na lang ng gusto mo."

"Porn."

Natawa ako. "Wala akong porn diyan."

"Gawa tayong atin. Porn movie."

"Baliw."

Biglang hinagod ng loko ang tagiliran ko.

"Sige na, sexy."

Siniko ko ang pasaway. "Umayos ka, Scar. 'Tatapon kita sa labas ng kuwarto!" banta kong natatawa. Hindi ko ini-expect ang makulit na side niya. Hindi na umimik si Scar. Busy nang magpipindot sa remote control. Mayamaya, may movie nang nag-play sa TV. Ako naman, umayos ng posisyon. Hindi ako manonood. Balak kong mag-nap.

Thirty minutes later, ang katabi ko ang nakatulog na naman. Maingat kong inabot ang remote at in-off ang TV. Nang tahimik na ang kuwarto ko, tinitigan ko na lang si Scar. Tutal tulog naman, chance ko na. May peklat man, guwapo pa rin. Ang ganda ng tangos ng ilong, itim na itim ang kilay at nakakainggit ang haba ng mga eyelashes. Hindi bagay sa astig na dating ni Scar ang ganda ng eyelashes. Ingat na ingat na hinawi ko ang hair strand na naliligaw sa mukha niya.

Tulog ka lang. Safe ka akin, bad boy...

Pero hindi okay ang posisyon niya. Hindi ko naman kayang hilahin ang malaking katawan niya pahiga. Sinubukan ko pa rin-nagising nga lang. Napatitig sa akin, malamlam ang mga mata.

"Kiss..."

Muntik ko nang i-offer agad ang lips ko. Salamat sa sanity kong intact pa naman, napigilan ko pa ang sarili. "Hindi okay ang posisyon mo. Higa ka na lang para comfortable." Wala pang alas sais pero antok na antok na siya. Except sa long drive, saan kaya pagod si Scar?

Hindi siya sumagot. Pumikit lang uli at dumausdos na lang pahiga. Humiga na rin ako. Malapad pa ang kama para sa aming dalawa kaya walang problema. Nap muna. Paggising ni Scar, saka ko na itatanong ang update sa albularyo sa Tarlac. Hindi siya nagkuwento kaninang nasa kusina kami.

Pagkahiga ko, marahang nagmulat siya ng mga mata. Tumitig lang sa akin nang tahimik.

"Porn movie natin? 'Wag kang umasa!" magaang sabi ko, tinaasan ko ng kilay ang loko. "Matulog ka na lang."

Titig na titig siya sa akin nang marahang ngumiti. Kumilos ang kamay, hinugot ang man bun. Kumalat sa mukha niya ang mahabang buhok-saka ako inabot at ikinulong sa yakap. Kinabahan ako sa mga unang minuto. Natakot na may gawin siya. Alam ko na sa sarili kong mahina ako pagdating kay Scar. Halik lang, handa na agad akong magpatangay kahit sa dulo ng walang hanggan pa.

"Para kang poste," anas niya. "Relax, virgin. Hindi kita kakainin," at niyuko ako. Ang intense ng titig niya. Napalunok na lang ako. "Hindi pa." At umangat ang sulok ng bibig. "Hindi ka na nilalagnat sa gabi?"

"K-Kahapon lang hindi, 'tapos ngayon."

"Magaling talaga si Apu Ciong," sabi niya, isiniksik na ang mukha sa buhok ko. "Ilang araw pa bago ang sundo mo?"

"Four. Nandito ka pa no'n?"

"Depende kung 'di mo pa ako itapon."

"Behave ka lang."

"Gusto kong gumawa ng porn."

Natawa ako. "'Tulog na. Ang kulit."

"Porn."

Nasa baywang niya ang kamay ko kaya sa bandang tagiliran ko napalo ang loko. Naramdaman ko ang pagtawa niya-na hindi naman lumabas ang tunog. Pag-angat ko ng tingin, nakapikit na si Scar pero ang lapad ng ngiti. Hindi ko naisip na aabot kami sa ganoong scene noong una ko siyang nakilala.

Posible naman pala. Na ngumiti siya. Na tumawa. Na malapitan at makausap. Na mayakap...

May warmth na humaplos sa puso ko. Hindi ko nagilang hindi haplusin ang mukha niya. "Bawal hawak," bulong niya. "O magiging bida ka sa porn."

Hindi ako nagbawi ng kamay. Hindi ako natakot. Banggit kasi siya nang banggit sa porn pero hindi ko naman maramdaman ang intensiyon. Yakap lang niya ako, sapat na higpit para sa kailangan kong warmth. Hindi man normal ang heartbeat naming dalawa, alam kong safe ako.

Umusog ako pataas para magpantay ang mga mukha namin. "Thanks," bulong ko sabay halik sa gilid ng sentido niya. "For being here..."

Huminga siya nang malalim bago ang pagkilos, humigpit ang yakap sa akin at dalawang beses akong hinalikan-sa ibabaw ng ulo at sa noo. "Porn."

--- :) ----

For more VA stories, don't forget to follow, vote, comment and share! 😉

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon