6. Aplikante

1.4K 82 4
                                    

TOP ten aspiring groom.

Hindi ko kinaya ang bilis ng response ng mga lalaki ng Malulupig. Dalawang buong araw lang, umabot ng fifty ang pumila. Hindi ako agad nakabalik ng Valenzuela. Pinili kong mag-stay para ma-finalize na agad ang resulta ng 'pa-udition' ni Tiyo Digoy. Natawagan ko na si Farah. Siya na muna ang mag-isang humawak sa Touch 'N Keep. May out of the country trip siya next month kasama ang boyfriend kaya ako naman mag-isa ang maiiwan sa online store. Isipin ko na lang daw, nasa 'challenging vacation' ako. Enjoy ko na lang ang moment. Pag-uwi ko, saka na ang walang humpay na kuwentuhan.

Hawak ko na ang top ten list na choice ni Tiyo Digoy. Tama nga si Wina, hindi ko bibigyan ng score na "2" ang mga tao ni Tiyo Digoy na trabahante sa farm. Mga macho nga ang mga Kuya—ages twenty one to thirty five. Mas marami ang single, may mga kaka-break lang, may separated at may biyudo na agad hindi pa man inabot ng forty years old.

Pero hindi lang ang #teamfarm ang mga potential husband na pumila. May mga teacher din, may bombero, dating sundalo, businessman at arkitekto. Ang team naman na ito ang lamang sa profession pero kinulang sa gandang lalaki. Hindi pang-display ang mga Kuya—sobrang obvious ang malaking tiyan, may obese, may sobrang payat, may panot at parang panda sa eyebags. Utak naman ang ipinagmamalaki—malaking tulong kung magandang buhay sa future ang mas ipa-prioritize ko.

Hindi na ako magtataka kung ang top ten na nasa list ni Tiyo Digoy, mula sa mga lalaki mismo sa loob ng farm. Sila ang personal choice ng katiwala.

"Ang ten na 'to ang best option na nire-recommend n'yo, Tiyo?" Para lang sure, nagtanong na ako bago ko pa buksan ang brown envelope. Mga thirty minutes iyon pagkatapos ng dinner. Naiwan kaming dalawa sa dinner table, may kanya-kanyang katabi na mug ng kape.

"Mga tao ko sila," sabi ni Tiyo Digoy. "Kaya alam kong wala tayong magiging problema. May isa lang na dapat kang malaman, hija."

Napatingin ako kay Tiyo Digoy, naudlot ang dapat ay pag-check ko sa envelope.

"Ano ho?"

"Tingnan mo muna ang mga napili ko," ang sinabi niya. "Kung sa tingin mo ay may mapipili ka, pag-usapan natin ang kondisyon nila."

Ah, may kondisyon din pala ang mga 'aplikante'?

Binuksan ko na ang brown envelope. Pinili kong ilabas lahat para madali nang mabasa ang impormasyon, at madali ko rin makikita ang mga pagkakapareho at kaibahan ng mga pictures.

Mga biodata form pala na may kasamang pictures ang nasa envelope. Ten men—na mga pictures muna ang una kong tiningnan. Four out of ten, mga pleasant faces. Six out of ten, mga guwapo. Dalawa sa anim, matapang ang mukha kaya hindi ko sinama sa category ng pleasant faces na gusto ko. Ang apat na choice kong may pleasant faces, sila lang ang binasa ko ang mga personal information. Twenty ang pinakabata, thirty eight ang pinakamatanda. Sa apat, dalawa ang single, isa ay separated at isa ay biyudo.

Inilatag ko ang apat na napili ko. "Sino sa kanila ang best choice kung sakali ho, Tiyo?"

Hindi sumagot si Tiyo Digoy, lumipat lang sa mga inilatag ko ang tingin. "Kung ako ang tatanungin mo, may napili na ako. Pero ang sampung 'yan, hija, may pare-parehong kondisyon para tanggapin ang alok nating kasal."

"Ano'ng kondisyon ho?"

"Hindi ipapawalang bisa ang kasal. Ang mapipili mo, magiging asawa mo habambuhay."

Napamaang ako ka Tiyo Digoy. Ilang minutong wala akong masabi. Ang humagod lang sa buhok at batok ang nagawa ko.

"Nasabi n'yo ho sa kanila ang sitwasyon ko?"

"Wala kang sinabi na hindi ko ipinasa sa kanila," ang sinabi ni Tiyo Digoy. "Hindi ko sila masisisi. Bakit nila pakakawalan ang isang magandang oportunidad? Kung naging bata-bata lang ako, ako ang unang mag-aalok ng kasal sa 'yo, Kiss." Kasunod ang magaang tawa. "Lahat ang sampung 'yan ay nagkaisip dito sa farm. Bakit nila hahayaang mawala pa kung may pagkakataon silang mahawakan ang kontrol sa farm? At may asawa pa silang maganda. Kung ako man, hindi ko pipiliin ang pagpapawalang-bisa sa kasal kapalit ng halagang alok natin."

Na-speechless muna ako sandali. Maganda daw ako? Gustong mag twerk ang inner self ko na naging anyong anghel bigla. Na-touch sa sinabi ni Tiyo Digoy. Pero malabo na kasi ang mata ni Tiyo Digoy—kaya ako naging maganda.

Saklap much!

"Hindi...hindi na ba natin mababago ang desisyon nila?" balik na lang uli sa topic, 'wag nang mag-focus sa gandang kinulang ako. Ayokong ma-stress. Kung yayaman ako bigla, magbabayad na lang ako sa lahat ng klase ng pagpapaganda—operasyon, isama na! Para naman may silbi sa akin ang yamang mana ko. Hindi ko man nakasama ang Don na kadugo ko, may alaala ang kabutihan niya—ang bagong ganda ko. Hindi bale nang Tita age na, maganda naman—gusto kong masabi sa sarili ko 'yan, nang hindi nasasamid or nauubo.

"Naitanong ko na," ang sinabi ni Tiyo Digoy. "Pare-pareho sila ng gusto—ang kontrol sa farm."

Napabuntong-hininga ako. "Kailangan ko hong pag-isipang mabuti, Tiyo," sumandal ako sa backrest ng wooden chair. "Akala ko ho, magiging madali lang—na i-produce natin ang marriage certificate at bayaran ang groom ng napagkasunduang amount, okay na. Wala ho sa plano ko ang maging asawa sa tunay na kahulugan ng salita."

"Wala namang mawawala kung susubukan mo, hija," ang sinabi naman ni Tiyo Digoy. "Ang mga napili kong 'yan, sigurado akong mga mabuting tao."

Mahabang katahimikan. Sa ilang minutong lumipas, tahimik lang kaming humigop ng kanya-kanyang kape.

"Wala na ho ba talagang puwedeng gawin? Baka naman ho may iba pang hindi n'yo nakausap—'yong walang ganyang kondisyon."

Humigop ng kape si Tiyo Digoy, tumingin sa labas ng nakabukas na kitchen door at huminga rin nang malalim. "May kilala akong hindi hihingi ng parehong kondisyon pero sa tingin ko, malabong mapapayag natin na maging asawa sa papel lang."

"Puwede hong subukan, Tiyo!" biglang bulalas ko. "Ako na ho. Ako na ho ang lalapit at personal na makikiusap. Saan ho ang address? Ano'ng name?"

"Ayaw mo bang pag-isipan muna 'yang tungkol sa apat na napili mo? Isa sa kanila, maari mong maging katuwang sa pagbuo ng masayang pamilya, hija."

Napabalik bigla ang tingin ko kay Tiyo Digoy. Na-feel ba niyang NBSB ako? Naaawa ba siya sa akin at iniisip niyang tulong ang ginawa niya? Na hanapan ako ng magiging totoong asawa? Kaawa awa na ba ako o baka desperada ang dating ko kanya?

"Kung mag-aasawa man ho ako, hindi sa ganitong paraan. Hindi rin ako magsisimula ng pamilya na wala ang mga tama at dapat na pundasyon sa isang masayang tahanan, Tiyo Digoy." Seryoso nang sabi ko. Kinuha ko ang mug ng kape. "Salamat ho sa tulong. Pag-iisipan ko muna," dagdag ko. "Excuse me..." tumayo na ako para bumalik sa kuwartong inilaan nila sa akin sa farm house.

Nang ako na lang mag-isa, ang tagal na nakatulala lang ako sa kisame.

Naisip ko bigla, kung siguro hindi naging transwoman na ang first love ko, baka may isang anak na kami ngayon. Hindi ko na sana problema ang groom na ihaharap ko sa abogado ni Don Augusto.

Paulit-ulit ang pag-exhale ko. Sa huli, nagtext na lang ako kay Farah.

Uwi muna ako diyan, friend. Laki ng stress ko. Baka word of wisdom mo ang makatulong sa akin mag-decide. Grabeng mana 'to. Ginulo ang buhay ko!

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon