23. Pag-uusap

1.3K 105 15
                                    

"TOTOO? Oh, my God!" si Farah at humalakhak. Nasa manibela siya at nasa passenger seat ako. Pabalik na kami ng Valenzuela. Inaantok na ako nang dumating siya kagabi. Hindi ko na pinalampas ang antok. Gusto kong mahabang oras ng pahinga. Late na sila dumating ni Tiyo Digoy. Hindi na rin nag-dinner sa bahay. Halata namang nag-enjoy kaya pagdating, natulog na lang.

Wala pang alas singko nang umalis kami sa farm house. Nasa biyahe na kami nang mag-confess ako tungkol kay Scar. Nakinig lang si Farah. Pagdating sa pagpayag ni Scar sa kasal at sa kondisyon, tumili na ang bruha.

"Katawan ko lang ang gusto, friend. At least honest naman. Inamin talaga. Harap harapan."

"May pagnanasa sa alindog mo si Kuya!" tawa ni Farah. "'Sabi sa 'yo, lakas pa ng asim mo. Ikaw lang ang walang tiwala sa sarili! Wait, na-check mo ba kung daks?"

"Baliw! Hindi ka talaga maka-move on diyan sa daks daks mo, 'no? Ano'ng gusto mo, kapain ko at dangkalin? Gaga ka!"

Tawa na nang tawa si Farah.

"Ang manibela, hoy!"

"Sorry. Sorry." Hind pa rin matapos tapos ang tawa nito.

"Para manahimik ka, nag-kiss kami! Mas nakaka-high siya kaysa sa engkanto. Masaya ka na?"

"Wild and wet, besh?"

"Parang...oo? 'Tapos...grabe siya humagod! Shookt ang virgin cells ko!"

"Nalaglag ang panty mo?"

Natawa na rin ako. Hindi ko talaga alam kung bakit nagtagal kaming maging magkaibigan ng bruhang ito. Ang daming beses na hindi ko kinakaya ang mga banat. Walang filter ang bunganga sa sex topics!

"Two words description?" hirit pa ni Farah.

"Giant tukso," pagsakay ko naman. Hindi rin titigil ang bruha hanggang hindi nakukuha ang mga sagot na galing sa akin. "Shookt talaga ang old soul ko! 'Di ko expect na gagawin ni Scar ang mga ginawa niya kagabi..." huminga ako nang malalim. "Pero gusto ko rin naman. Friend, seryosong tanong—tingin mo ba, may chance na ma-fall sa akin si Scar within a year?"

"Oo naman!" sagot agad ni Farah. "Bakit hindi? And 'eto ha, hindi etchos lang or bola. Sasabihin ko 'to hindi dahil best friend kita. Sasabihin ko kasi totoo. Lovable ka, okay? Sa totoo lang, hindi mo kailangan ng extra effort. Maging totoo ka lang, 'yong ikaw na kilala ko, 'yong ikaw na sobrang maalaga, na generous sa oras at love, na mabait, fair, good girl—ang dali mo kayang gustuhin at mahalin. Maging totoo ka lang, Krisanta Mariquit. Hindi mo kailangan mag-pretend or be someone else na sa tingin mo, magugustuhan ng mga lalaki. Ngayon, kung 'di 'yon makita or ma-appreciate ni Scar, siya ang may problema. Siya rin ang mawawalan."

"Mamamatay ako 'pag 'di siya na-fall, Farah! At hindi lang fall, ha? True love ang must. Nakita mo naman si Scar, friend. Tingin mo ba, posible do'n ang true love?"

"Judgmental ka, Ati! Wala sa looks ng tao ang kakayahan niyang magmahal. Dahil ba mukhang tiwalag na sindikato, hindi na capable makaramdam ng true love? 'Wag gano'n."

"Eh, paano nga kung 'di lang talaga ako kamahal mahal? What if umabot na kami sa mga danger dates, wala pa rin? Mamamatay ako, friend!"

"Ay naman! Nasa'n na ang 'di matinag na faith mo? 'Di kaya ng engkantong 'yan ang power ni God! 'Pag nagawa na natin lahat at wala pa ring solusyon diyan sa sakit mo, kumapit na lang tayo sa 'taas, besh! Surrender everything to Him and then wait. Come what may na. Whatever happens, tanggapin natin. Ano'ng mahirap do'n?"

"Tanggap mo na agad na mamamatay na ako?"

"Hindi ko kakapitan 'yan. Do'n ako sa kaya nating manalo against the engkanto!"

"Lakas maka-push ng mga sinabi mo pero iiwan mo naman ako next month. Mag-isa ako sa bahay. Ano'ng laban ko sa engkanto?"

"I swear, gusto kong mag-stay para sa 'yo. Ang laki lang ng mawawala sa atin 'pag hindi natuloy 'yon. Alam mo naman, 'di ba?" Business with a bit of pleasure ang trip ni Farah outside the country. Booked na ang ticket at accommodation. Next week na iyon. Maiiwan akong in charge sa online store. Paano ko gagawin lahat ng kailangan gawin kung blurred ang mundo ko? "Tawagan mo kaya si Scar? 'Pag pumayag, momol kayo, beshy!"

"Alam mo, baliw ka talaga!" Sa sarili, nagwi-wish ako na sana tumawag si Scar at magpasa ng good news. Sana talaga, may magawa ang bagong albularyo.

"Nap lang tayo ng konti pagdating. Pa-check ka sa eyes saka sa ospital. Samahan kita. Dapat may findings tayo bago ako umalis. Kung 'di pa rin maging okay ang vision mo, mag-close muna tayo temporarily. Two weeks lang naman akong mawawala. Makakabawi tayo. Ang importante, safe ka."

Sumandal na lang ako sa backrest. "Maging clear lang 'tong mata ko, okay na ako. Kaya kong titiisin 'tong masakit na daliring maga. 'Yong blurred na mundo talaga ang mahirap, friend." Huminga ako nang malalim. "Iniisip ko pa rin 'til now kung anong meron kay Scar. Naba-block niya ang effect sa akin ng engkanto?"

"Napag-usapan n'yo na 'yan? Ano'ng sabi niya?"

"Engkanto daw siya noong unang panahon. Baliw din 'yon, eh—parang ikaw lang."

Tumawa si Farah. "Gago rin 'no?"

Nahinto lang ang usapan nang naidlip ako. At biglang nagising sa pamilyar na tunog—ang parang wind chime bago ang bulong na hindi ko alam kung totoo o sa utak ko lang. Boses lalaki. "Akin ka," ang malinaw na sinabi. Napapitlag ako—mga sasakyang nasa unahan namin ang nakita ko pagmulat.

Napalunok ako sabay ang ilang beses na pag-sign of the cross.

"Besh, okay ka lang?" si Farah na napansin ang ginawa ko. "Nanaginip ka?"

"Creepy, friend..."

"'Yong tunog pa rin ng mga dahon at faceless man?"

"'Yung tunog lang...'tapos boses."

"Boses? Ano'ng sabi?"

"Akin ka."

"Ay 'nyeta 'yan!" bulalas ni Farah, naapakan bigla ang brake. Salamat sa mabagal na usad ng mga sasakyan, wala kaming naperwisyo. "Baka sumama talaga sa atin!"

Umiling na lang ako, paulit-ulit. Nag-sign of the cross uli sabay ang sunod sunod na silent prayers. Hindi ko alam kung bakit si Scar agad ang naisip ko. Sana lang, may magandang resulta ang pinuntahan niyang albularyo. At sana, maisip niyang kailangan ko siya. Ang laking tulong sa akin kung maiisip niyang bumisita.

Bumisita? Echo ng inner self kong bruha. Hindi nga pala alam ni Scar ang address ko. Si Wina at si Tiyo Digoy lang ang may alam. Nag-iwan ako ng business card sa dalawa. Nag-aalala ang dalawa, humingi ng address para kung may emergency daw, madali akong mapupuntahan. Na-touch ako sa concern. Pakiramdam ko, nakatagpo ako ng bagong pamilya.

"Ano'ng gagawin natin kung sumama nga ang engkanto?"

"Pray!" malakas na balik ni Farah. "Asin! Insenso! Holy water—lahat, try natin. Wisik sa buong bahay! 'Nyeta 'yan! Hindi natin siya nakikita 'tapos tayo pa ang mag-a-adjust? Lalaban tayo!"

"May power siya, friend. Malakas..."

"May Diyos tayo!"


----- :) ------

To read more of VA stories...
Follow. Vote. Comment. Share.

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon