10. Sino Si Scar?

1.4K 78 3
                                    

FIVE hours straight akong tulog?

Inulit ko pa nag pag-check sa wristwatch ko. Limang oras talaga akong tulog? Unang beses na nangyari sa akin 'yon na may araw pa. Isa hanggang tatlong oras lang ang tulog ko sa umaga o sa hapon. Sa gabi ang mas mahaba talaga.

Ang late na pagtulog namin ni Farah at ang sobrang agang paggising ko ang may sala. Puyat naman talaga ako. Salamat sa sobrang tahimik na farm house, hindi naging mababaw ang tulog ko.

Si Wina?

Magkausap kami bago ako nakatulog—na hindi ko namalayan. Si Scar pa rin ang topic. Pinag-explain ko lang naman si Wina kung bakit na kay Scar na hindi naman pumila ang vote niya. Share naman agad ng kuwento ang teenager. Kilala pala sa buong Malulupig si Scar. Ang reputasyon?

Bad boy hero, iyon mismo ang term ni Wina. Dagdag pa niya, 'pag hindi pinakialaman o kinanti, deadma sa mundo ang lalaki. Wala rin pakialam sa kung ano man ang gawin ng mga tao sa paligid nito. Tahimik lang daw sa modern kubo kasama ang mga aso. Sa messy na dating at rugged looks, mukhang barumbadong pasimuno ng gulo si Scar pero ni minsan daw, hindi ito pinagmulan ng gulo or riot. Pero maraming beses daw na na-involve sa gulo—parating nakikipagbugbugan, at hindi na-dehado or na-ospital ni minsan.

Sa mga gulong binanggit ni Wina, na-involve si Scar sa dalawang dahilan lang: Una, kapag may babae o mas dehadong biktima na kilala nito, na sinaktan o inabuso na witness mismo ang lalaki. Pangalawa, kapag personal na nilapitan at pinakiusapang tumulong. Kung na-convince si Scar na sinaktan or inabuso ang humingi ng tulong, ang lalaki mismo ang sumusugod para pagbayarin ang nang-abuso.

Kilala sa Malulupig na walang pinipiling kaaway si Scar pero may common na kinakampihan—ang inaping walang kalaban-laban. Wala rin daw takot madala sa barangay o sa presinto. Ang mga 'small time' gang—ang term ni Wina sa mga basagulero at barumbado sa Malulupig—kinanti na rin daw noon si Scar. Nagkabugbugan sa kalye. Pinabagsak ni Scar lahat. Ngayon, nasa tamang landas na ang mga gang members. May mga marangal na trabaho na at wala na sa kalye.

Dagdag pa ni Wina, may tsismis daw dati na naging target din ng mga 'taong labas' si Scar. Kung literal na tagalabas lang ng Malulupig o rebelde ang sinasabi ni Wina, hindi na ako nagtanong. Inaantok na rin kasi ako. Ang huling natandaan ko, binanggit ng teenager na wala naman daw nangyaring masama kay Scar. Nasa bahay pa rin nito at nabubuhay nang tahimik. Tatlong taon pa lang pala sa Malulupig ang lalaki.

Napatingin ako sa pinto nang marahang bumukas. May sumilip nang dahan-dahan—si Wina, na agad ngumiti nang makitang nakaupo na ako sa kama. "Gising ka na!"

"Mga two minutes pa lang," sagot ko at ngumiti rin. "Sorry, nakatulog ako..."

"Ang himbing nga ng tulog mo, Ate Kiss! Pang-tatlong balik ko na para i-check ka. 'Yong pagkain mo, lumamig na."

"Late tulog ko kagabi, eh. Ang aga ko rin nagising. Nakabalik na si Tiyo Digoy?"

"Kanina pa. Umalis na naman nga. 'Wag ka na lang daw gisingin. Sa hapunan na siguro ang balik no'n. Initin ko na 'yong pagkain mo, ate Kiss?"

"Sure, girl! Thanks. Ligo lang ako, ah?"

Inilapat na ni Wina ang pinto. Nag-stretching ako ng ilang minuto bago umalis sa kama. Magaan na ang pakiramdam ko. Game na naman ako humarap sa nakaka-stress na sitwasyon.

Nakausap kaya ni Tiyo Digoy si Scar?

HINDI dumating sa hapunan si Tiyo Digoy. May importanteng inasikaso sa farm, iyon daw ang rason kung bakit naiiba ng oras ang uwi ng katiwala, ang sinabi ni Aling Belina sa akin. Biglang dagdag naman ni Wina, may trabahante na nag-birthday, baka daw nasabit sa inuman. Kaibigan ni Tiyo Digoy ang lahat kaya pinagbibigyan daw ang bawat imbitasyon.

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon