31. Ang Sample (SPG)

2.4K 134 11
                                    

Warning: Hindi para sa mga bata.

WALANG Scar na bumalik kinagabihan hanggang sa sumunod na isang araw pa. Wala rin tawag. Nag-ring lang ang cell phone niya. Si Kitty ang nag-stay sa bahay ng gabi, nagluto ng breakfast at bumili ng lutong ulam bago ako iniwan. Iinitin ko na lang ang ulam sa lunch. Nang sumunod na araw, umaga pa lang, nag-aalala na ako talaga.

Pagkatapos kong kumain ng lunch, tinawagan ko na naman si Scar. Hindi na ako mapakali. Nakahinga ako nang maluwag nang may tumanggap na ng tawag.

"Kiss?" ang boses niyang pamilyar na ako. "May problema?"

"Wala. Wala naman, nag-check lang ako. Wala kang imik, eh."

"May mga inasikaso lang."

"O-Okay. Nag-check lang talaga ako kung safe ka."

"Kumain ka na?"

"Katatapos lang."

"Ano'ng pagkain mo diyan?"

"Lutong ulam. Binili ni Kitty bago umalis. Ininit ko lang. Caldereta do'n sa malapit na karenderya." Gusto kong itanong kung babalik na ba siya pero naunahan ako ng hiya. Baka rin isipin na excited na akong makita siya dahil sa ginawa sa akin bago umalis—na oo, totoo naman. Hindi na nawala sa isip ko iyon. Ang hirap pigilan ng utak kong si Scar na ang laman buong araw at buong gabi. Na-realize ko, alam na alam ng lalaking iyon kung paano guluhin ang utak ng isang babae. Feeling baliw ako bigla, tulala at may mga nakikitang scene sa isip—kaming dalawa, hubad at—sunod sunod ang pag-iling ko. Grabe lang. Ang epekto ni Scar sa akin ngayon, mas malala na sa epekto ng engkanto. Malabo ang tingin ko sa paligid pero si Scar, ang linaw linaw ng imahe sa utak ko.

"N-Nap lang ako, Scar," pag-a-alibi ko. Imposible ang tulog sa nararamdaman ko. "Ingat ka kung nasa'n ka man."

"Sige."

Sige lang? Walang sinabi kung uuwi o hindi? Magsasalita pa sana ako, wala na siya sa kabilang linya. Huminga na lang ako nang malalim at ibinagsak ang sarili sa kama. Nag-music na lang ako ng mellow. Salamat sa music at sa kakulangan ko nang tulog, naidlip pa rin ako kahit takbo nang takbo si Scar sa utak ko.

Paggising ko, may nakapa akong katabi sa kama—gulat na gulat akong bumangon at aalis sana pero pinigilan agad ng katabi ko ang braso. Magsisigaw na sana ako nang maisip kong naging tao ang engkanto pero naamoy ko ang pamilyar na bango nang niyakap ako ng malabong imahe ng lalaki sa tabi ko.

"Scar?"

Naging malinaw ang imahe ng mukha niya. "Ang himbing mo," ang sinabi. Mahimbing talaga. Hindi ko namalayan na nakapasok siya! Paano nga ba nakapasok ang lalaking ito na hindi ako nagbukas ng pinto? Hindi naka-lock ang kuwarto ko pero ang bahay, dalawa lang ang susi. Nasa bedside table ang isa at dala ni Kitty ang isa pa.

"Kinuha mo kay Kitty ang susi?"

"Sabi mo, magna-nap ka. Para hindi ka na lumabas."

Napatango na lang ako. "Nag-lunch ka na?"

"Ako na ang unang kumain ng dala ko. Alas tres na, 'lagay na tayo ng gamot mo."

"Oo nga pala..." Bumangon na ako. Nasa bedside table lang naman ang mga gamot galing sa albularyo. "Kanina ka pa ba?"

"Wala pang isang oras."

Umalis na si Scar sa kama. Kinuha ang maliliit na bote sa bedside table. Umupo ako sa gilid ng kama at siya naman, sa sahig. Ipinatong ang paa ko sa hita niya. Maikli lang ang cotton shorts ko kaya walang sagabal sa pagpahid niya ng oil. Pinaood ko siyang i-massage ang binti ko hanggang paligid ng daliri ko paa. Huli niyang nilagay sa sugat ang dinikdik na mga dahon yata. Naniniwala na akong magaling ang albularyong kilala ni Scar. Mas obvious ang healing ng sugat ko kaysa sa over the counter drugs. Ang blurred vision ko na lang talaga ang hindi nagbabago.

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon