Part 33. Last Part (Of Book 1)

3.7K 147 76
                                    

WARNING: Nasabi ko na bago pa ang update na ito na BITIN ang book 1. Baka naman may mag-comment pa ng "bitin! Update po!" Basa muna ng warning, okay?

At uulitin ko lang, orinally 2 books ito (duo) bago naging 1 book na lang. And what's posted here is unedited draft of book 1.

Thank you.

--VA.

ANG dapat maagang almusal namin, naging brunch na. Hindi na ako mag-isang naghanda ng pagkain. Magkatulong na kami ni Sev. Ang laking bagay na nasa kusina rin siya. Hindi ako natagalan sa paghahanap ng mga kailangan ko. Malinaw ang mundo ko kaya mas madaling kumilos. Pasta dapat ang lulutuin ko. Ang makulit kong asawa, nag-insist na early lunch na kami. Gusto ng nilagang baka para daw pampalakas ng tuhod. Ang alam ko, wala kaming beef sa fridge—meron na pala. Nagdala siya. Pinaghandaan talaga. Sa biyahe pa lang siguro, 'porn' na ang iniisip ng loko.

Eksakto tumitikim siya ng sabaw, walang warning na nag-back hug ako. "Ilang araw kang mag-stay dito?" Wala naman talaga sa usapan ang lagi siyang uuwi sa akin kaya hindi na ako nagtatanong natatagalan man bago siya umuwi. Hindi rin ako nagdedemand na mag-report siya ng activities sa akin.

Pero kung ako lang ang masusunod, gusto kong lagi siyang umuwi. Hindi lang para luminaw ang mundo ko. Nami-miss ko rin talaga siya. Hindi nga lang puwede mag-demand. Baka tawanan ako ng loko. Maakusahan pa ako na masyadong feeler wife—kahit pa totoo, na feeling wife na talaga ako. Ang saya kaya!

"'Andito pa ako bukas." Tinikman niya ang sabaw. "Parang matabang." Inakbayan niya ako at kinabig palapit sa kalan, pinatikim na rin ako ng sabaw.

"Matabang nga. Pero konting konti na asin na lang or patis."

Si Sev na ang naglagay ng asin. Hindi talaga siya mahilig mag-patis. "May gagawin kayo ni Farah?" Nagpupunta sa bahay si Farah para sa mga weekly orders namin. Magkatulong kaming nagpa-pack. Kapag busy kami at nasa bahay si Sev, siya ang nagluluto or nasa tabi ko lang para maging malinaw ang tingin ko.

"Sa susunod na araw pa kami busy."

"Gala tayo bukas, Kiss?"

"Gala?" ulit ko. "Mall?" Hinapit niya ang baywang ako. Hindi na ako nagulat nang binuhat niya ako at inilipat ng upo sa mesa mismo. Laging ginagawa iyon ni Sev. Mas madalas sa kusina or sa sala, 'yong bubuhatin na lang ako at iuupo sa mas mataas para magpantay ang mga mukha namin. "Mapapagastos lang ako do'n. Kung movie naman, sa kuwarto na lang. Tahimik pa." Ganoon talaga yata ang mga thirty plus na, mas gusto na lang ng katahimikan. Allergic na sa ingay. #TitaMoments

"Hindi. Pasyal lang sa malapit. Gusto mo sa Tagaytay?"

Umangat ang mga kilay ko. "Tagaytay? Ano'ng gagawin natin do'n?"

"Magpapalamig o magpapainit," pinaghiwalay niya ang mga binti ko at pumuwesto sa pagitan. Nakayuko sa akin habang nakatingala naman ako sa kanya. "Tambay sa malamig na kuwarto. Porn."

"Sa Tagaytay pa talaga?" natatawa ako. "Puwede naman sa kuwarto natin, malamig din."

"Ayaw mo?"

"Gusto mo ba?" balik ko naman. Unang beses na pasyal naming mag-asawa iyon kung matutuloy. Pero dahil practical ako, gastos lagi ang unang-una kong iniisip. Nagka-calculate agad ako ng expenses sa utak.

"Date?"

Mas natawa ako. "Okay. Date. Overnight lang tayo?"

"Overnight."

"Porn na naman ang iniisip mo 'no?" at magaang pinalo ko sa abs.

Tumawa lang si Sev, kinuha ang mga braso ko at dinala sa balikat niya.Yumakap naman agad ako sa batok niya. Naghahalikan na naman kami mayamaya. "'Taboy natin ang engkanto," ngisi niya at kinabig ako palapit. "'Tingin ba niya, ibibigay kita sa kanya? Gago ba siya? Akin ka lang."

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon