27. Ang Malandi at ang Marupok

1.6K 127 6
                                    

WALA na si Scar sa kama paggising ko. May narinig akong ingay sa banyo. Nahulaan ko nang naroon siya. Blurred na naman ang mundo ko kaya nag-stay na lang ako sa kama. Paglabas niya, magtu-toothbrush lang ako at palit ng pantulog. Wala sa kondisyon ang katawan ko para maligo. Sa higpit ng yakap ni Scar, ramdam kong hindi pa naman ako mabaho.

Ang lapad ng ngiti ko. Hindi na uso sa age ko ang kilig pero wala, eh. Late bloomer. Kinikilig talaga ako kay Scar. At nasa banyo pa siya. Naked. Malamang, lalabas ng topless. Sorry na lang ako, blurred ang mundo. Pesteng engkanto.

Pero effective ang asin, insenso at holy water. Hindi ako nanaginip ng weird mula nang umalis si Farah. Pinaligiran ba naman ng asin ang buong kuwarto. May holy water sa bawat sulok at nakailang beses na nagpausok ng insenso bago ang araw ng flight.

Ang bilin ng bruha: "Momol kayo 'pag dumating si Scar."

Ang sarap magpadala sa tukso pero dalagang Filipina ako. NBSB. Virgin. Kapag may marriage certicate na, go. Isuko agad ang Bataan. Isuko nang isuko hanggang matapos ang isang taon.

Narinig kong may bumukas na pinto.

"Tapos ka na, Scar?"

"Tapos na."

Maingat akong umalis sa kama. Naglakad papunta sa closet at kinapa ang mga damit ko. Ang mas matingkad na kulay na lang ang pinipili ko, mas madaling makita. Pagkakuha ko ng pajamas at underwear, naglakad na ako papunta sa banyo--nakaharang ang malabong imahe ni Scar kaya huminto ako. Paghakbang ko sa kanan, doon din siya humakbang. Lipat ako sa kaliwa, lipat din siya. "Ikaw muna."

Hindi siya kumilos. Humakbang uli ako--humakbang na naman siya.

Na-realize kong nananadya ang loko. "Scar!"

Hinawakan niya ang braso ko. Sabay nang pag-angat ko ng tingin ang paglinaw ng mukha niya--basang mukha, basang buhok, intense na titig.

"Ano na naman? Porn? 'Tabi ka!"

Tumabi nga pero ginulo muna ang buhok ko. Kung hindi lang blurred ang paligid, ang bilis kong nakapasok sa banyo. Ligtas na sana ako sa giant tukso na nagkatawang tao--bigla ba namang nag-back hug. Ang higpit pa! Ramdam na ramdam ko ang ibabang bahagi niyang natatakpan ng tuwalya!

Bumulong pa sa tapat ng tainga ko. "Porn." At nag-iwan pa ng matunog na halik sa side ng leeg ko, bago ako binitiwan. Naging ala zombie akong pumasok sa banyo. Hindi ako dapat maliligo, nakaligo ako nang wala sa plano.

Paglabas ko, nasa kama na ang blurred na image ni Scar. Relax na relax. Sarap saktan ng pasaway. Ang bilis mag-relax pagkatapos ng ginawa sa akin. Nananadya talaga. Pasimpleng nang-aakit--hindi na yata simple 'yon, lantaran na. Ako naman, nagiging marupok bawat oras. Gusto kong maging matatag pero paano?

Lakas din ng tama ko kay Scar.

Ang hirap...

Lumapit ako sa kama, marahang naupo. "Favor, Scar," seryosong sabi ko. "'Wag mo akong landiin. 'Wag muna. 'Pag kasal na tayo, gawin mo na lahat. Okay...okay sa akin."

Walang sagot.

Humaba ang katahimikan.

At humaba pa.

Hanggang tahimik na lumabas ng kuwarto si Scar.

Hindi na bumalik pa.

KULANG ako sa tulog. Mga three AM na siguro iyon nang nakatulog ako. Bukas naman ang ibang room sa bahay kaya puwedeng matulog si Scar kahit saan. Wala akong ideya kung saan siya humilata na lang. Pinigil ko rin ang sarili kong lumabas. Ako ang pumatay sa naka-set niyang 'landi mode' kaya magtiis akong hindi makatulog.

Tumunog ang alarm na naka-set ng seven AM. Wala naman akong activities kaya walang problema mabagal man ang kilos ko. Nakita ko pa sa tabi ng closet ang duffel bag ni Scar. Hindi pa siya umalis. Tulog lang siguro sa ibang kuwarto.

Mabilis lang ako sa banyo. Hilamos at toothbrush lang, bihis ng pambahay 'tapos labas na. Gusto kong mag-kape. Late na ako para sa dumadaang pandesal. Naka-grocery na si Kitty kaya may mahuhugot na akong pagkain sa kusina.

Ilang hakbang palang pagkalabas ko sa kuwarto, tumigil na agad ang mga paa ko. May naamoy akong mabango. Galing sa kusina?

Si Scar?

Tuloy na ako sa mabagal na mga hakbang. Mas malakas ang amoy sa kusina. Pansit?

"Almusal na, Kiss," pantay at mababa ang tono. "'Luto na."

Naramdaman kong nasa tabi ko na siya. Pinigil kong hawakan siya. Tiis tiis na muna sa blurred na paligid. Nag-declare akong bawal landiin pero ako naman ang lapit nang lapit at unang humahawak. Hindi tugma ang words at actions ko kaya adjust na agad. Pigilan ang sariling hawakan si Scar.

Humila ng upuan si Scar. Hindi ako umupo. Dumeretso ako ng lakad para kumuha ng plato. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. "Ako na diyan." Nilampasan niya ako. Kumuha ng plato at dumeresto sa harap ng kalan. Nilampasan na naman ako. Naglapag ng plato sa mesa.

"Nakikita ko pa naman, Scar. Hindi ako bulag. Kaya ko naman na-" hindi ko na natapos, binuhat na lang niya ako. Naging malinaw ang mundo ko at mukha niya ang una kong nakitang malinaw. Messy look na naman. Nakalugay ang mahabang buhok. Hindi niya ako tiningnan. Parang robot lang na may command na buhatin ako at paupuin sa harap ng mesa.

Pansit bihon pala ang niluto niya.

Ang bango...

Umalis uli siya at naglapag uli ng plato sa tabi ng pansit ko-pandesal.

"Bumili ka sa dumaan?"

Natuwa ako. Kinuha ko agad ang tinidor para kumain. Gutom na ako at may mainit pang almusal. Bakit pa patatagalin? Hinarap ko ang plato ng pansit bihon para ubusin-napahinto nga lang ako sa ilang subo pa lang. Naramdaman kong hinawakan ni Scar ang buhok ko, inipon lahat sa likod. Napabaling ako, bumagal ang pagnguya.

"Nakakain mo na," sabi niya, gamit ang panali niya, maingat na itinali ang buhok ko. Na-touch ako sa gesture.

"Salamat..."

Wala na siyang sagot, umupo na lang sa tabi ko. Walang plato sa harap niya kaya alam kong hindi siya kumain. Hinayaan ko lang. Subo lang ako nang subo, blurred ang pagkain sa harap ko pero okay lang. Kailangan kong masanay. Baka ako rin ang nagsesend ng message kay Scar na puwede niya akong landiin. Wala na munang hawak.

"May ulo ng hipon 'yan, Kiss."

Naudlot ang pagsubo ko. Ibinaba ko ang tinidor, gagamitin ko sana ang kaliwang kamay ko para hanapin ang ulo ng hipon sa bihon-pinigilan ni Scar ang kamay ko. Naging malinaw ang plato sa harap ko. Gamit ang tinidor, hiniwalay ko na ang mga ulo ng hipon na nasa bihon. "Okay na-" hindi niya pinakawalan ang binabawi ko na sanang kamay.

Unang beses na tumingin ako sa kanya nang araw na iyon. Hindi siya nagsalita, tumingin lang sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga mata niya pero parang may ibang message.

Apologetic?

Nagbawi ako ng tingin at tahimik na itinuloy ang pagkain. Hindi na kami nag-usap. Hindi na rin niya binitiwan ang kamay ko hanggang natapos akong kumain.

---- :) ----

Want to read more of VA stories?
Follow. Vote. Comment. Share.

List of completed wattpad version stories check here: https://my.w.tt/yqZzw9SW83

tt/yqZzw9SW83

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon