1. Oras At Panganib

5K 116 3
                                    

3:45 PM

Friday

SELYO ng engkanto?

Ang tagal na nakamaang ako sa matandang mahaba ang kulot na buhok. Tatang Urling daw ang pangalan, magaling na albularyo sa lugar. Pagkatapos kong mag-collapse habang nakasandal ng ipil-ipil tree—na kausap ko si Scar—sa bahay na ako ng albularyo nagkamalay. Kung nawalan ako ng malay o makatulog lang, hindi ko alam. Ang malinaw lang, ang mga eksenang nakita ko na parang mahabang panginip. Ako ang main character at ang faceless na lalaking 'golden-white' ang mahabang buhok. Golden white—puti na parang nagiging gold sa kinang. Kung paanong naging posibleng wala akong nakitang mukha, hindi ko alam. Naramdaman ko ang presence ng taong iyon, nahawakan ko pa ang malambot na malambot na buhok pero wala talaga akong nakitang mukha.

Ang pakiramdam ng halik, hinding hindi ko makakalimutan.

Kung posibleng pumikit at kalimutan lahat, ginawa ko na. Pero paano? Ang tunog ng mga dahon sa panaginip ko, na ilang beses kong narinig habang magkausap kami ni Scar, tandang-tanda ko.

Panaginip lang pero parang totoo ang eksena.

May nag-abot sa akin ng prutas na parang mas malaki lang sa ubas, naghahalong pula at liwanag ang kulay—kinuha ko ang prutas at kinagat. Mga eksena na ang nakita ko—at kasunod na ginising na ako ng mga hampas. Hinahampas pala ako ng albularyo ng mga hawak niyang sariwa at tuyong dahon.

Bigla bigla akong bumangon, hilo at walang maintindihan—muntik akong mahulog sa bibigay nang papag kung saan ako nakahiga.

Nasa likod-bahay pala ako. May papag na luma na, doon na lang yata ako inilapag ni Scar. Siya ang kasama ko ng nag-collapse ako pero naroon na rin si Tiyo Digoy.

Ang katiwala sa farm ang nagbanggit na nasa bahay ako ng albularyo at ginagamot. Lampas thirty minutes na raw akong walang malay. Sa tabi ni Tiyo Digoy, si Scar na parang bored na bored, sa mga dahon ng puno sa itaas namin nakatingin.

"Selyo ng engkanto," ang unang malinaw na nag-register sa litong utak ko. Ang lalim ng titig sa akin ng albularyo. "Huli na. Na-selyuhan na ang dalaga. Panahon na lang ang hihintayin ng prinsipe. Makukuha siya nang walang kahirap-hirap kung walang pipigil."

Na-shock pati ang lito na rin na kaluluwa ko. Anong sinasabi ng matanda? Selyo ng engkanto? Prinsipe? Makukuha ng walang kahirap-hirap?

Ako?

Nakanganga na ako. Kunot na kunot ang noo. Napahagod na sa sentido. "Tiyo Digoy, " tumingin ako sa katiwala. "Hindi ko ho maintindihan..." Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Pumunta lang naman ako sa kubo ni Scar gaya ng suggestion ni Tiyo Digoy. Sa dami ng nag-aagawan para mag-volunteer na maging asawa ko, si Scar ang sinasabi niyang 'safe' ako. Wala akong alam sa Baryo Malulupig kaya naniwala ako sa suggestion ni Tiyo Digoy. Nagpunta kami sa dulo ng property, sa kubo ni Scar para mag-propose ng kasal, para sabihing siya ang pinipili kong maging 'asawa'—at kung ano man ang kapalit na gusto niya, pag-uusapan namin. Sa side ng kubo, doon ko napiling mag-usap kami. Nagsisibak ng kahoy si Scar, lantad ang abs. Ako naman, nakasandal sa puno—lumilinaw at nagiging blurred ang paligid sa paningin ko. Malinaw kong natandaan na tingin pa lang sa akin ni Scar, obvious na hindi niya gusto ang presence ko sa lugar niya. Pero para sa 'promise of good life' push ang plano.

Sumandal ako sa katawan ng matandang puno. Sumandal lang ako para sa suporta. Masama na kasi talaga ang pakiramdam ko.

Natapos ko naman ang piece ko bago ako tuluyang nag-collapse. Kakaiba ang natandaan kong pakiramdam—panghihina na hindi ko maipaliwanag. Parang nahugot na lahat ng lakas ko, naging magaang magaan na ako kaya lumutang na lang. Nagliwanag ang mundo ko bago nag-shut off.

Halik ang natandaan ko. May humalik sa akin nang malalim.

Ang pakiramdam ng halik at ang malambot na buhok na nahahawakan ko ang malinaw. Pero ang view ko sa mundo, blurred. Para akong high.

High sa halik?

Hindi ko alam.

Ramdam ko ang paglayo ng lalaki sa akin hanggang nawala. Pumikit lang ako at sumandal. Hindi ko alam kung saan nga ako nakasandal. Nang tumingin ako sa itaas, mga dahon ang nakita ko pero hindi green; parang silver na kumikislap lahat. Pareho lang ng nasa panaginip ko.

May humawak sa braso ko at hinila ako. Sinalubong ang katawan ko ng yakap. Hindi ko alam kung nasaan ako, kung sino ang kasama ko at kung bakit niyayakap niya ako—pero wala akong ginawa para pigilan ang ginagawa niya. Para akong robot na naka-program para magpaubaya lang.

Ramdam ko pa rin ang parang high na pakiramdam.

Pumaikot sa baywang ko ang braso ng taong naka-back hug na sa akin. Umangat ang kamay niya at humagod sa pisngi ko. Ang sumunod kong nakita, ang parang ubas na prutas na nasa tapat na ng bibig ko—hawak ng kamay na nagkukulong sa katawan ko sa isang yakap.

Inilapit ng kamay sa bibig ko ang prutas—na tinanggap ko naman.

Pagsayad ng prutas sa dila ko, para akong hinatak ng kakaibang lakas. Napapikit ako, dumepende na lang sa lakas ng taong nasa likuran ko. Nang dumilat ako, parang diyosang babaeng puti lahat—damit, buhok, pati mga mata—ang nasa harap ko.

"Sa takdang panahon, uuwi ka sa tahanang ito," ang malinaw na sinabi, ang sumunod kong nakita, buhat buhat na ako ni Scar. Kasunod niya si Tiyo Digoy na sumisigaw ng: "Dali! Dali! Kailangan niyang mailigtas!"

Pero nakita kong paglapag pa lang ni Scar sa akin sa motorsiklo niya, lupaypay na ako.

Patay na ako?

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon