19. Best Friend Sumbatan

1.4K 91 13
                                    

"WHAT?" bulalas ni Farah. Sayang, hindi malinaw ang imahe niya. Kitang kita ko sana ang reaksiyon ng lukaret kong best friend. Nagpigil akong tumawa. "Grabe ka, besh! Sabi mo, feeling mo, mamamatay ka na, 'tapos nag-jugs pa kayo ni Scar? Gaga ka—"

"Baliw!" malakas kong putol, natatawa na talaga. "Ang dumi talaga ng utak mo! Jugs agad? Sinamahan lang niya ako. Walang malice! Tumulong lang 'yong tao."

"Tumulong? Kailangan katabi matulog? Tulong 'yon?"

"Do'n tayo sa room ko. Nakakahiya 'pag may nakarinig. Dumi pa naman ng utak at bibig mo."

Tumawa ang loka. "Wait. Magba-brunch pa ako!"

"Sa room ko na lang. Mas makakapag-usap tayo do'n."

Inalalayan niya ako. Mabagal lang ang mga hakbang namin papunta sa kuwarto. Ilang hakbang na lang kami sa pinto nang lumabas naman galing sa kusina si Aling Belina. "Handa na ang pagkain, Kiss."

"Pakihatid na lang ho sa kuwarto, salamat."

"Sige, isusunod ko agad."

Deretso na kami sa kuwarto. Nag-dive sa kama si Farah. Napailing na lang ako. Ako ang may malabong paningin, ako pa talaga ang iniwan na mag-lock ng pinto. Okay na rin. Para mabilis akong masanay kumilos na walang inaasahang alalay. Kung walang solusyon ang ospital at ophthalmologist sa kondisyon ko, kailangan kong masanay sa malabong paligid. Mas maganda nang malabo lang kaysa mabulag.

Palapit pa lang ako sa kama, may kumatok na. "Pagkain na 'yan, friend! Buksan mo. Loka, blurred nga ang mundo ko, 'di ba? Ikaw pa talaga ang unang humilata diyan?"

"Inaamoy ko lang ang scent ni Scar!" at tumawa. Napamaang naman ako. 'Yon lang pala ang pakay sa kama. Bruha talaga. "Mabango siya, besh?"

"Ayos lang."

"Anong ayos lang?" balik niya, hindi muna ako sumagot. Nagbukas na kasi ng pinto si Farah. Nag-abot ng tray ng pagkain si Aling Belina. Para kay Farah.

"Thank you po," si Farah kay Aling Belina.

"Walang anuman, hija. Kiss, maayos ba ang pakiramdam mo?"

"Okay lang ho, salamat!"

Inilapat ni Farah ang pinto pagkaalis ni Aling Belina.

Pagla-lock sa pinto, deretso lapit sa kama si Farah, inilapag niya sa pagitan namin ang tray ng pagkain. Nagsimula na agad kumain. Tocino at kape ang naamoy ko. Pagbaba ng mata ko sa tray, malabo ang mga nasa plato. Pula, puti at yellow ang mas nakita ko. Tocino, sinangag, sunny side up eggs kung tama ako, at mainit na kape.

"So, ano'ng kuwento ng pagtulog ni Scar dito?" tanong niya uli, habang ako, binabalikan sa utak ang scent ni Scar. Amoy malinis siya. Mabangong sabon na parang menthol ang scent.

"Dumating sila ng mga twelve midnight 'ata 'yon. Napilitan mag-stay si Scar. Naawa sa akin."

"Naawa kaya sinamahan kang matulog? Maawain si Kuya?"

"Napilitan lang."

"Pinilit mo?"

Tumango ako. "May something kay Scar..."

"Daks?" at tumawa.

"Baliw ka talaga!"

"Ano nga?"

"Hindi ka maniniwala."

"Dami pang etchos nito. Sabihin mo na! Ano'ng something 'yan?"

"'Pag nahawakan ko siya, nawawala 'to—'tong effect daw ng prutas na tinikman ko sabi ng albularyo. Parang lason daw na hindi na mawawala sa akin. Hindi ko nga ma-explain kung bakit, eh. Pero 'pag nadikit ako kay Scar, 'tong blurred kong mundo, nagiging clear."

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon