5. Wanted: Perfect Husband

1.5K 78 17
                                    

KAUNTING-kaunti na lang, maiihi na talaga ako sa pagpipigil ng tawa. Hindi ko naisip na mag-eenjoy ako ng todo sa plano ni Tiyo Digoy. Tama lang talaga na nagtiwala ako sa kanya. Siya ang mas may alam. Maglalatag daw siya sa akin ng mga 'papel' at 'larawan' na pagpipilian ko. Nasa akin ang final say kung sino ang choice kong maging 'asawa'.

Hindi ako makapaniwala talaga. Akalain ko bang ang daming pumapatol sa para sa akin ay 'joke' na 'audition'—oo, para talagang naging Pinoy Got Talent audition ang paghahanap ko ng asawa!

At ang bilis kumalat ng balita sa Malulupig!

Naging malinaw sa akin na may mga trusted people talaga si Tiyo Digoy na kumikilos para sa kanya. Sa isang utos lang niya na ikalat ang impormasyon, wala pang twelve hours, sunod sunod na ang mga bisita sa farm house. Ang mas nakakatawa nagpaskil talaga ang makulit na si Wina: WANTED PERFECT HUSBAND at may arrow na nagtuturo sa kung saan dapat pumila ang mga 'aplikante'.

Akalain ko bang ang dami talagang pumatol!

Nasaan ako?

Ilang metro ang layo sa bahay—sa favorite spot ni Wina, sa itaas ng puno sa side ng bahay. Hindi ako nahirapang umakyat. May hagdan talaga paakyat ng puno. Gamit na gamit daw ni Wina ang lugar na iyon sa pag-o-observe. Magkatabi kami ng teenager, hawak ko ang binoculars niya. Si Wina naman, maliit na notebook—ini-score-ran namin ang mga nag-o-audition. Si Wina ang taga-sulat ng score sa notebook niya.

Lima pa lang ang may score, mahuhulog na ako sa katatawa. Kasi naman, ibang klase pala ang mga lalaki ng Malulupig. Ang tataas ng tiwala sa sarili. Hindi ko kinakaya ang bilib sa 'kaguwapuhan' ng mga pumila—may panot, may hindi na makahinga sa sobrang laki ng tiyan, may matangkad at nakatungkod na lang, may nasobrahan ang pomada—alam ko ang style ng naka-pomada, gamit iyon ng kinilala kong ama. May pa-macho na mukhang may tuberculosis na sa kapayatan, may teenager na parang nag-aadik, may malusog na bagong dating na parang nauubusan na ng hangin, hingal kabayo. May hindi umabot sa five feet man lang ang height, may matandang parang naghihintay na lang ng huling sandali sa mundo.

"Di ko na yata kaya, Wina," sabi ko, nakatapat pa rin sa mga mata ang hawak kong binoculars. "Mamamatay ako'ng mas maaga 'pag isa sa mga 'yan ang naging asawa ko."

Humagikhik si Wina. "Sabi ko sa 'yo, aliw 'to, Ate Kiss!" sabi ng teenager. "Dito ko ini-score-ran ang mga admirers ni Tiyo Digoy. Kaysa magmukmok ka lang sa room mo, sentensiyahan na natin sila sa notebook ko!" Ideya nga ni Wina ang pag 'spy' namin sa mga 'bisita'. Ang balak ko talaga, sa room lang at maghintay. May tiwala ako sa judgment ni Tiyo Digoy. Hinihintay ko na lang ang recommendation niya.

Pero pumasok si Wina at nagdala ng breakfast. Nag-suggest ng exciting daw na gawin. Napamaang na lang ako nang dinala niya ako sa punong iyon. Obvious man ang size ng dibdib ko at balakang, hindi ko problema ang timbang ko. Kayang kaya kong umakyat sa puno. Laking probinsiya din kasi ako. At bahagi ng kabataan ko ang akyatin ang mga puno sa paligid sa larong Taguan.

"Two lang talaga ang score, Ate Kiss? Lahat sila?"

"Buti nga may two pa, eh. Para sa self confidence nila 'yan!"

Pigil na tumawa si Wina. "Nakaka-ten na tayo, bagsak lahat!"

"Mga atat mag-asawa ang mga unang pumila," sabi ko naman. "Parang alam ko na kung bakit wala silang mga asawa."

"Marami pang darating 'yan," sabi ni Wina. "First day pa lang naman. Wala pa nga ni isang tao ni Tiyo ang dumating. Kung bulkan ang Malulupig, 'yan 'yong mga ibinubuga para mawala!" tawa uli ang teenager. Halatang aliw na aliw.

"Ba't sure kang wala pang tao si Tiyo Digoy sa mga 'to?" Nakasilip na naman ako sa binoculars. Kausap na ni Tiyo Digoy ang payat na payat na parang isang uwak na lang ang pipirma, susuka na ng dugo.

"Walang mataas sa two ang score mo, eh," sagot ni Wina. "Lampas two ang score mo kung may tao nang nakapila diyan si Tiyo Digoy. Sigurado ako, Ate Kiss!" One to ten ang score namin. Ten ang highest.

"Lampas two? Sure na sure ka, ah?"

"Naman!"

"Ano bang meron sa mga tao ni Tiyo Digoy?"

"Tall, dark and machos!" tawa ng teenager. "Hindi ko sinasabing mga guwapo. Pero may guwapo rin. May isa akong crush, never nga lang na pipila 'yon."

"Choosy?"

"Suplado at galit sa mundo."

"Bakit mo crush?"

"Parang bad guy hero ang peg, eh. Hindi siya nagwo-work sa farm. Friend siya ni Tiyo Digoy."

"Nakikipag-friends sa bad guy si Tiyo Digoy?"

"Oo."

"Oo?"

"Friends naman siya ng lahat, eh."

"Sure kang pipila ang mga mga tall, dark ang macho na sinasabi mo? Hindi ko kakayanin 'yang mga 'yan kahit pa buong mundo ang kapalit na mana. 'Katakot makasama!"

Tawa na nang tawa si Wina. Hindi ko ugaling manlait ng pisikal na anyo ng kapwa pero hindi ko talaga mapigilan ngayon. Saan kaya kumukuha ng confidence ang mga pumila? Naisip talaga nilang papatulan ko sila? Ina-assume nilang ganoon ako ka-desperadang makahanap ng asawa?

May huling dumating sa pila. #shookt ang katawang lupa ko. Lolong kalbo na at hinihingal—at bumagsak sa dulo ng pila. As in nag-collapsed! Hindi yata kinaya ang pagod.

Juice ko!

Hindi ko kinakaya ang trip ng mga lalaki sa Malulupig!

"May nag-collapse na, Wina, naku naman, o!" Ibinaba ko na ang binoculars. "Baka may mamatay pa sa loob ng property—"

"Okay lang 'yan, ate Kiss," sabi ng teenager. "Alam ni Tiyo Digoy ang gagawin sa mga 'yan."

"Baka matuluyan 'yung matanda!"

"Hindi 'yan. Gusto pa nga umibig, eh!"

Nakanganga na napabaling ako kay Wina. Ang lapad ng ngisi niya, tumaas baba pa ang mga kilay.

Napahagod na lang ako sa buhok bago natawa. Grabe. Grabe talaga! Kaya ko ba 'to?

Parang naging kalokohan na ang misyon naming: Wanted Perfect Husband! Mga humahabol yata ng huling oras sa mga buhay nila ang pumipila!

Pero kung titingnan naman talaga, kalokohan ang maghanap ng asawa sa ganoong paraan. Lalong kalokohan ang mag-asawa ng wala ang mga pundasyong kailangan. Pero dahil may involve na farm, maiintindihan ng iba kung bakit kailangan kong pasukin ang 'kalokohang' iyon.

Sino ang aayaw sa manang farm kung posible namang maka-produce ng marriage certificate at magpa-annul pagkatapos?

Or kung deserving naman ang nag-apply na groom, puwede namang i-try ang forever 'di ba?

Nag-happy dance ang inner impakta self ko.

Sabik sa love ang bruha!

#Titagoals

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon