32. Tenth Week

2.3K 121 13
                                    

The Tenth week...

"KISS?"

Nilingon ko si Scar-na sanay na akong tinatawag na Sev. Bagong gising siya, magulo ang buhok at malamlam ang mga mata. Galing sa banyo. Cargo shorts at manipis na manipis na maluwang na t-shirt lang ang suot. Mga six thirty iyon nang umaga. Pumasok ako sa kuwarto para kunin lang ang cell phone ko. Pagtalikod ko, narinig ko ang boses niya.

Parang tamad na tamad pa siyang maglakad. Halatang inaantok pa. One week siyang hindi umuwi sa bahay, busy sa Malulupig. Hindi pa rin ako puwedeng sumama kaya siya lang ang bumabalik sa bahay niya. Dalawa sa apat niyang aso, nasa bahay na. Naiwan ang dalawa para kasama niya. Late night na siya dumating kagabi. Pagod na pagod-sa mga raket sa Malulupig. Ang alam kong trabaho niya, bayarang trabahante sa kabilang farm. Alalay at bodyguard din ng nagpapatakbo sa operasyon ng kabilang farm. Natakot nga ako na baka madamay siya sa gulo. Salamat sa Diyos, wala namang gulo na involve ang mga Heneroza, ang pamilyang may ari ng farm na pinagtatrabahuhan niya.

Si Sev na rin ang kinakausap ni Tiyo Digoy tungkol sa takbo ng Del Avierra farm. Hindi pa rin kasi ako makauwi sa Malulupig. Atat na nga si Sev na putulin ang ipil ipil pero dahil hindi pa lumilinaw ang tingin ko, hindi niya magalaw. Si Sev na lang ang nagpapaabot sa akin ng mga impormasyon na ipinapasa ni Tiyo Digoy. Malapit naman ang dalawa kaya magkakaintindihan pa nga sila na wala ako. Legal nang sa akin ang Del Avierra farm. Humarap kami ni Sev sa abogado. Wala na siyang mask noon, papa-heal na ang tattoo niya. Ang reaksiyon ng abogado? Wala. Kaswal na tingin lang ang ginawa sa aming dalawa, sa proof na kasal na kami ang focus.

Kumusta ang blurred kong mundo?

Mas malinaw na kaysa sa dati 'pag wala si Sev. Kaya ko nang magluto mag-isa. Hindi ko na rin problema ang mag-isa sa bahay. Isang tawag ko lang kay Farah, sugod agad sa bahay ko. Mas busy sa shop si best friend. And guess what? Cool off daw sila ni Jonn. Differences daw ang reason. Para namang hindi affected talaga sa temporary break up ang loka. Feeling ko, may hindi pa inaamin sa akin. Hinihintay ko na lang na mag-confess. Ako na tuloy ang may 'in a relationship status' sa aming dalawa ngayon-hindi lang basta relationship, asawa pa!

Money issues?

Wala. Tanggap lang ako nang tanggap nang inaabot ni Sev. Minsan maliit lang, minsan malaki. Minsan groceries lang. Hindi ako naghanap o nag-demand. Wala naman kasi sa usapan namin iyon. Hindi nga ako umasang mag-aabot siya ng pera. Sanay naman akong buhayin ang sarili ko. Pero since nag-o-offer siya nang walang paliwanagan, tinatanggap ko na lang.

And sex?

Laging hot and wild. Para kaming honeymooners pa rin. Baliw na baliw sa isa't isa. Walang sawa. Laging nakukulangan kaya inuulit nang inuulit. Pero hindi ko maramdamang nagsasama kami para sa sex lang-gaya ng sinabi ni Scar sa akin dati na katawan ko lang ang interes niya. Ramdam kong asawa ko siya hindi lang sa kama. Ang iniisip ko na lang, baka naaawa lang sa akin kasi nga, malabo pa rin ang mundo ko kapag wala siya.

"Morning," bati ko sabay ngiti. More than two months na kaming mag-asawa pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili kong hindi tumitig. Wala na ang phantom mask niya. Ang pumalit, creative tattoo. Hindi henna lang gaya ng gusto ko. Henna noong una, noong nag-test lang daw siya kung anong magiging reaksiyon ko pagkakita sa design ng tattoo. Sobrang gusto ko 'yong tattoo niyang iyon, buhay na buhay. Nakinig siya sa suggestion ko na gawan ng art ang peklat niya. 'Yong dating pangit na peklat, naging parang tumubong leafy small flowers sa right side ng mukha niya. Green ang mga dahon, light green ang stems, pink, yellow and red ang mga super cute na small flowers. Na-touch ako noong binanggit niyang all black ang una niyang planong tattoo, pero mas pinili niya ang makulay para sa akin-para gustuhin kong tingnan. Hindi ako nag-expect na mas bibigyan niya ng halaga ang magiging opinyon ko.

Hindi na henna lang ang tattoo ni Sev ngayon-real tattoo. Na-shock pa ako nang umuwi siyang maga at mapula ang mukha. Hindi naman naging mahirap ang healing. At nang makita ko ang result, wala na. Mas nahibang pa ako sa asawa kong guwapo.

#marupokisreal

"Morning," deretso palapit sa akin ang tinatamad niyang mga hakbang. "Ba't ang aga mong bumangon?"

"Para maaga tayong mag-breakfast."

"Wala kang ibang pakiramdam?" balik niya at yumakap sa baywang ko. "Walang paramdam ang engkanto?"

Pang-ten weeks nga ang araw na iyon-araw na dapat bantayan ako, para hindi makuha ng engkanto. Naalala niya kaya pinilit umuwi nang nagdaang gabi kahit late na. Tumupad ako sa usapang sex kaya tumutupad din siya sa usapang babantayan niya ako.

"Wala," sabi ko, humarap sa kanya at gumanti ng yakap. "Matulog ka pa. Inaantok ka pa, eh. Okay lang ako sa kitchen." Hindi iyon ang unang beses na nakapagluto na ako mag-isa kaya hinahayaan na niya ako. Hindi ko gustong maging pabigat sa kanya. Gusto ko rin namang alagaan si Sev. Gusto kong maganda ang maalala niyang mga eksena namin pagkatapos ng isang taong usapan.

"'Baba na rin ako," sabi niya at isiniksik ang mukha sa buhok ko. "Baka mawala ka na lang."

Ngumisi ako. "Ayaw mo akong mawala?" At nag-angat ng tingin.

Niyuko niya ako. "'Pag wala ka, walang kuwenta ang porn."

Natawa ako. Ang 'porn' na parang secret code naming mag-asawa sa sex.

"May nakasalang ka nang niluluto?"

"Wala pa. Bakit?"

"Exercise tayo?"

Napanganga ako. "Seryoso? Inaantok ka pa nga, eh-"

"Para mawala."

"Loko ka talaga-" na-torrid kiss na naman ako. Pumikit na lang ako at tumugon. Tuwing late talaga siyang umuwi sa gabi at ilang araw na hindi kami nagkita, madaling araw o early morning ang 'porn'.

Totoong effective na exercise ang sex sa umaga. Pampagaan pa ng mood. Buong araw na ang ganda ng mood ko. Walang sinabi ang chocolates. Lalo na kung ang asawa ko ang bed partner.

Kung nasa kuwarto man ang engkanto para sunduin ko, baka umalis na lang nang kusa kapag nakita kung saan kami busy. Sinimulan namin ang magandang umaga na puno ng ingay ng ungol ang kuwarto.

"Ano'ng gusto mong breakfast, Sev?" tanong ko pagkatapos naming mawalan ng lakas sa unang round. Sumiksik lang siya sa side ng leeg ko.

"Ikaw."

Tumawa ako. Nakatikim ng palo sa balikat ang loko. Nasasanay na ako sa mga ganoong moments namin. Ang sarap sa pakiramdam ng lambingan at pikunin. Wala man 'I love you' sa paulit ulit naming 'porn', ayoko nang hanapin pa. Okay na ako na ganoon lang kami.

"Ako na naman? Ako na lang lagi, ah?"

Gumalaw siya sa ibabaw ko. Napalunok ako. Akala ko, nagloloko lang. "Sev!"

Buong buo ang tawa niya, mas nanukso ang playful na galaw ng ibabang bahagi ng katawan bago nag-angat ng mukha at hinalikan ako. Mainit at sabik na sabik na naman ang halik. Hindi ko alam kung saan galing ang parang lagi niyang pagkagutom sa akin. Ako naman, lagi nang handang tumanggap at magpaubaya. Nagkatotoo na ang takot ka bago pa kami nagpakasal-na lagi akong magiging mahina pagdating kay Zev.

Hindi ko alam kung magbabago pa ang pakiramdam kong iyon-ang lagi akong handang hayaan siyang makuha ang kailangan, na lagi akong magpapaubaya, na lagi kong hahayaan ang sarili sa masarap na pagsuko.

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon