2. Past

2.5K 106 1
                                    

Two weeks ago...

"OKAY ka lang, besh?" tanong ni Farah, ang forever best friend at business partner ko. Kaming dalawa ang owner ng Touch 'N Keep, ang online store na nagbebenta ng damit, fashion accessories, bags, shoes at books. Nahahati sa dalawang kategorya ang products namin—brand new and imported, mga items na bago at kuha sa mga supplier sa abroad, sa Divisoria at Quiapo; at preloved or 'ukay-online' items—ang ang mga gamit na pero maayos at maganda pa na binebenta sa lesser price. Halos three years na ang Touch 'N Keep and we're doing okay. Sapat ang pasok ng benta para mabuhay kami at may pang-travel pa. Mas marami pa kaming free time, hindi gaya noong employee pa kami.

Three years ago, sabay naming iniwan ni Farah ang corporate world na seven years din naming naging buhay. Local clothing company. HR assistant ako that time. Si Farah naman nasa marketing team. Si Farah ang unang nag-decide na mag-resign. Ginawa niya iyon nang na-push umalis sa kompanya ang marketing manager na boss niya. Over twenty years na sa kompanya si Miss Dallia Gullava. Na-push mag-resign sa pasimpleng atake ng mga boss. Hindi lantarang sinabi pero halata sa lahat ng actions na itinatapon na. At ang bagong pinapaboran, ang bagong pasok sa team—na ang focus ng marketing strategies ay sa millennial. Naging masakit para kay Miss Gullava ang lahat. Binigay daw nito ang buong buhay sa kompanya, hindi na nga nakapag-asawa pero ngayong nagbago na ang 'taste' ng henerasyon at hindi na 'in' ang mga ideas ni Miss Gullava, itatapon na lang nang ganoon lang? Ang sama sama ng loob na nag-resign ang boss ni Farah. Kaming dalawa pa ang naging crying shoulder. Kami lang din kasi ang matapang na sumunod mag-resign. Ang mga naiwan na witness rin ng unfairness, napilitan lang mag-stay dahil may mga binubuhay na pamilya—ang malungkot ng realidad ng karamihan sa empleyado.

Hindi matanggap ni Farah kung gaano naging unfair ang kompanya kay Miss Gullava. Sumunod agad na nag-file ng irrevocable resignation ang best friend ko. Pero bago iyon, may concrete plan na siya ng fall back. Ganoon siya kabilis nag-isip. Deserve niya ang maging isa sa strategist ng marketing team ng dati naming kompanya. Hindi siya kumilos na wala pang plano.

Nang ilatag niya sa akin ang plano, ang bilis kong nag-decide na mag-resign din. May mga issues din ako sa kompanya at sa mga co-workers na tiniis ko lang talaga para 'mabuhay'. Ang hirap kaya ng walang trabaho. Makaka-relate sa akin sa part na ito ang maraming Filipino employees, lalo na ang mga may pamilyang binubuhay. Na walang choice kundi mag-stay sa kompanyang unfair.

Gamit ang pinagsamang savings namin ni Farah, ipinakilala namin online ang Touch 'N Keep. Aaminin kong pagdating sa marketing at promotion, ganoon din sa fashion sense, hundred percent na mas magaling sa akin ang friend ko. Sa documentation at accounting naman ako may edge sa kanya. Madaling ma-bored si Farah sa documentation. Walang tiyaga sa mga doku-dokumento. Mas gusto niyang namimili at mga products namin. Siya rin ang may mga tamang koneksiyon. Pati ang imported products, ang dali lang niyang nakakuha ng supliers.

And now, three years later, we're doing good.

Until that day...

Ah, wait. Baka lang nagwo-wonder kayo kung nasaan ang family namin. Ako, orphan. 'Old parents' ang mayroon ako. High school pa lang ako, namatay na si Nanay Lola, seventy five years old. Narcisa Mariquit ang full name niya. Naiwan ako sa poder ni Tatay Lolo. Filoterio naman ang name niya, eighty two na nang mamatay. Hindi ko sila mga tunay na kadugo. Adopted daughter nila ako. Wala silang tunay na anak. Twenty three na ako nang mamatay si Lolo Fil.

Si Farah naman, single mom din ang Mama kaya ang dami naming parehong issues sa buhay. May mga kamag-anak siya pero walang ka-close. Kahihiyan daw kasi sila ng pamilya. Other woman ang Mama niya. Ang family ng biological father ni Farah, parang hanggang hukay na babaunin ang galit. Teenager hanggang nag-college si Farah, nakatikim ng paulit-ulit na pang-aapi at pambu-bully. Hanga nga ako sa tatag niya. Hindi siya lumaban. Hindi rin nagtanim ng galit. Ang paulit-ulit niyang ginawa, magpatawad. Hindi daw iyon para sa pamilya ng ama at mga kamag-anak ng ina niya—para sa sarili. Magaan ang buhay kung wala daw bitbit na bigat. Sa cheerful at lively attitude ng best friend ko, walang mag-iisip sa hirap na pinagdaanan niya. May boyfriend siyang on and off. Si Jonn, away-bati sila lagi.

"Are you okay, besh?"" ulit ni Farah. Halata naman na hindi ako okay. Nakatulala ang beshy n'yo, mga twenty minutes na. Ang nasa harap ko, sa ibabaw ng brown envelope at file folder, mga data at pictures—ng totoong mga kadugo ko raw. Pictures ng parents ko at ng isang matandang mukhang Spanish na lolo ko raw. Ang poging lolo ko na 'to, nag-iwan lang naman mana sa akin. 'Di ba? Parang movie ang buhay ko, may biglaang twist. Gasgas na plot nga lang. Nangyayari pala talaga ang mas kapani-paniwala kung fiction lang?

Soon, magkaka-farm na ako. O, ha? Ang galing ng universe. Na-feel ang pagka-poor ko?

Hinatid ng nagpakilalang abogado na may kasamang private investigator ang mga dokumentong iyon. Ginulat kami sa ancestral house na naiwan sa akin ng adoptive parents ko. Sa isang lumang subdibisyon sa Valenzuela ang bahay. Lazy Sunday iyon nang dumating sila. Busy ako sa Facebook Page ng Touch 'N Keep at si Farah naman sa Instagram.

Okay sana na may unexpected inheritance 'di ba? Tanggap lang nang tanggap. Ang laking blessing no'n. Pero hindi ganoon kadali ang pagkuha sa mana ko. Parang gasgas na kuwento nga sa pelikula at books, may kondisyon!

Stipulation? Addendum?

Basta, kondisyon na naka-attach sa mana ko raw.

Hindi ko makukuha ang mana kung single ako. Ang dapat, married. May kasama akong asawa at kasal kami. Sobrang gasgas! Marriage certificate ang balang dapat mayroon ako. Thank goodness, hindi nagdidikta ang kondisyong iyon ng matanda na kailangan naming magsama ng 'asawa' ko!

Mula sa pagkatulala, tumingin ako kay Farah.

"Si Vicco kaya friend?" si Vicco ang first everything ko. First crush, first fall, first love, first hearbroken experience. Sobrang unforgettable ang experience. Ang bait bait niya at super close kami. Kaya lang no'ng nag-confess na ako ng feelings, nabading ang hayuf!

Ang sakit, sobra! Para akong nasampal nang paulit-ulit. Ang nag-iisang lalaking espesyal, na-friendzoned na ako, awang-awa pa sa akin kaya nagpanggap na lang na bading, kaysa amining hindi lang ako kagusto-kagusto, hindi ako kamahal-kamal. Ang tagal na pinilit kong i-convince ang sariling deserve ko rin ng attention at affection pagkatapos ng experience ko kay Vicco. Wala nang naging sumunod pagkatapos niya. Hindi ko naman na siya mahal pero ang hirap ibalik sa mode na 'I'm open and receptive to love' ang sarili. Ang dami nang negativities sa utak ko.

Okay, kahit paano naman, nakatulong din na totoong gay talaga pala si Vicco. Graduate na kami noong na-confirm ko. Lumabas na talaga sa closet ang bruha. Nanalo pa sa Miss Gay competition bago nag-abroad.

"Friend mo naman sa Facebook, search mo," sabi ni Farah, busy na uli sa IG ng Touch 'N Keep.

Bigla nga akong napa-search sa Facebook. Years ago na rin noong huli kong silip sa timeline ni Vicco. Friends pa rin kami pero naka-unfollow ako sa updates and activities niya. Hindi ko na nasundan ang mga bago sa kanya.

Kaya naman nang bumulaga sa akin ang profile picture niyang ala Catriona Gray, napatulala ako sa screen ng cell phone. Kung posibleng higupin ako ng gadget sa paulit-ulit na paglapit ko ng cell phone sa mukha ko—para matitigan ko pa ang picture—nahigop na ako.

"Wala na," ang nasabi ko, laglag ang mga balikat na sumandal sa backrest ng sofa. "May nanalo na 'te!" At parang sawing inabot ko kay Farah ang cell phone. Na-shock din ang lokang friend ko. Muntik na lumuwa ang mga mata.

"Gagang 'yan!" ang malakas na nasabi niya. "Mas maganda pa sa 'tin ang poota!"

Babaeng babae na may killer smile ang nasa profile pic, naka white long dress at fashion hat. Naka-heart finger ang malandi!

"Saan ako maghahanap ng groom, friend?"

"Madali na lang magbayad, 'no ka ba?" Ang sinabi ni Farah. "'Di nga lang keri ng savings natin kung tayo pa ang mag-spend sa annulment pagkatapos ng kasal mo."

"Kung ibenta ko na lang ang farm?"

"That's a good idea, besh! Pero sayang naman kung may potential. Ganito na lang, bago tayo maghanap ng willing groom, why don't we check your inheritance muna? Baka naman kasi hindi worth ng kalayaan mo ang farm na 'yan!"

Napatitig ako kay Farah. "You're right. Go tayo sa baryo Malulupig!"

"Saan daw ba 'yon?"

"Zambales daw, eh. Baka super liblib. Ngayon ko lang din narinig 'yang place na 'yan."

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon