14. Engkanto

1.5K 87 20
                                    

Note: Ang wattpad version ng Saving Kiss ay POV lang ni Kiss. Thank you.

4:05 PM

Friday

"ANG PRUTAS na iyon ay pain. Ang pagkagat niya sa prutas ay pagtanggap ng kanyang tadhana—ang mamatay sa mundo natin at mabuhay sa tahanan nila."

Tulala na ako. Parang lumulubo na ang ulo ko. Gusto kong isipin na extension iyon ng panaginip ko. O kaya joke or prank lang. Gusto ko rin isipin na si Scar na lang ang humalik sa akin kahit mukha siyang taong grasa. Pero base sa mga narinig ko, sa mga sinabi ni Tiyo Digoy at ng albularyo, ang 'prinsipe' ang responsable sa nangyari sa akin, hindi si Scar.

Mamatay sa mundo ko at mabuhay sa tahanan nila? Saan? Sa tahanan ng mga engkanto? Ang unfair lang! Malay ko bang parang pagkagat ni Snow White sa mansanas na may lason ang pagkagat ko sa prutas na iyon? At lalong malay ko na engkanto pala ang nanghahalik sa akin!

Sobrang unfair ng mundo. Engkanto ang first kiss ko?

"Wala na ba tayong magagawa?" Sa wakas ay nagsalita si Scar. Si Scar na dapat sisihin sa lahat ng iyon. Hindi man lang nagbigay ng warning na may engkanto sa ipil ipil tree!

"May isang paraan." Ang albularyo.

"Ano 'yon, Tatang?" si Tiyo Digoy sa albularyo. Marahang kumilos ang manggagamot, pinatakan ang oil ang paligid ng magang daliri ko sa paa bago itinapat ang dahon sa apoy ng may sinding kandila. Ang dahon na niluto niya sa apoy, itinapal sa daliri ko. Bumalik ang titig niya sa akin bago nagsalita uli.

"Kung mas malakas ang damdaming katapat ng damdamin ng prinsipe, tatalunin ang puwersa nila. Maililigtas ang dalaga."

"Pag-ibig," sabi ni Tiyo Digoy, tumingin din sa akin.

Napatingin din ako sa kanya, nakanganga pa rin. "P-Pag-ibig ho?"

Ang sakit na talaga sa ulo. Heto nga't pumipila para maging asawa ko ang mga lalaking sa farm lang interesado, heto nga at na-engkanto na ako dahil sa proposal ko kay Scar, tapos sasabihin nilang true love ang solusyon sa sakit ko? True love ang katapat at makakatalo sa pagnanasa sa akin ng engkanto?

Pesteng engkanto!

At unfair na mundo!

"Kailangan bantayan ang dalaga sa loob ng sampung oras, sampung araw, sampung linggo, sampung buwan hanggang sampung taon—sa oras, araw, linggo at buwang iyan, magtatangka ang prinsipe na sunduin siya."

Hindi ako nagpapaniwala sa mga engka-engkanto pero kinikilabutan na ako talaga!

"Mahalagang may bantay siya sa mga oras na iyon. Hawakan nang mahigpit ang dalaga upang nang sa gayon, hindi maging madali ang pagkuha sa kanya. Kung matatagpuan siyang mag-isa ng prinsipe, hindi n'yo man lang mamamalayan na wala na siya."

Natakot na ako. Takot na nanunuot na sa dibdib ko. Nag-aalalang napatingin ako kay Tiyo Digong. "Tiyo..."

"Scar—" wala pa mang sinasabi si Tiyo Digoy, halatang nangunsumi na agad ang lalaki. Umiling-iling agad at mariing hinagod-hagod ang batok. "Lumipat ka muna sa bahay ko, puwede ba? Kailangan namin ni Kiss ang tulong mo."

"Ibigay mo na lang sa engkanto para matapos na."

Bigla akong bumaling kay Scar. "Ang sama mo naman!"

Deadma lang ang walang pusong lalaki.

"Scar," si Tiyo Digoy uli. "Hijo, sige na. Ngayon lang naman ito..."

Natinag sa pakiusap? Hah! Hindi! Nag-walk out ang bruho sa lahat ng bruho! Parang wala lang na lumayas at iniwan kami. Napasubsob na lang ako sa mga kamay.

Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon