Chapter 3
6:00.... 2 hours bago magstart ang klase.
"Shaina!" Tawag ko.
"Mika, tara pasok na tayo." Kami lang yata ni Shaina ang nasa Campus ngayon, masama pag naabutan ko yung fanclub nung Prinsipeng yun.
"Ano na plano Shaina?" Tanong ko.
"Plan.... Just go with it!" HUH?! JUST GO WITH IT?! HINDE!! Ayoko nga maging girlfriend nung lalaking yun!
"Ayoko Shaina!! Masgusto ko pang mamatay kesa sa maging Girlfriend niya!" Sabi ko
"Pero, ang dami nang nakakaalam girl, at kung umamin ka na di totoo yung pinost ni C.A. , maslalo kang maTrtrouble kasi akala nila pinaglalaruan mo lang prinsipe nila." May Point siya, maslalo akong matrotrouble neto.
"Pero!!!" Sabi ko
"Don't worry, diba sabi mo di ka naman talaga mahal ni CA? Edi may chance na baguhin ka niya kasi wala naman siyang feelings sayo. No matter what happen, kelangan mo ipamuhka sa lahat na ikaw ang mabait! Hintayin mo na makipagbreak-up siya sayo." HUHUHU! Tama siya!! Kelangan ko nalang is Go with the flow.
"Okay! Saan naman ako magsisimula?" Tanong ko.
"Once na kinausap ka ni CA, start to be lovey-dovey with him!" EW!! YUCK!! Lovey-dovey?! Ano banaman 'to!!!!!!
*2 hours later*
Nasa classroom ako ngayon at ang daming nakatitig saaking mga mata. Hays! Nakakatakot. Nakatingin nalang ako sa bintana para maiwasan mga titig nila nang biglang may bumuhat saakin...
"HOY! Bitawan mo--..." Bigla naman akong napatingin kay Shaina na nakaWink saakin, ibig sabihin kelangan ko na gawin yung plano. "G-Goodmorning D-D-Darl-l-l-ling...." Sabi ko, PHEW! Halos di ako makahinga dun ah.
"Goodmorning din babe!" Sabay kiss sa cheeks. WAAAAH!! GUSTO KO SIYANG SUNTUKIN PERO DI KO MAGAWA DAHIL SA PLANO!
Binuhat niya ako hanggang sa makalabas na kami ng Classroom. Pumunta kami ng garden.
"I never expect na makikiplay along ka saakin. I thought ayaw mo saakin?" Sabi niya. HAY NAKU! Kung pwede lang talaga ay sakalin ko siya, dati ko pa ginawa!!
"It's an act, ayaw kong sugurin ako ng Fans mo, pag nalaman nilang di totoo ito lahat. Bubugbugin nila ako noh!" Sabi ko.
"Buti naman alam mo. Since na pumayag ka na for being my Girlfriend, I guess pwede ko na sabihin sayo ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa? Btw, alam kong di mo parin alam ang pangalan ko, kaya nga naUto ka sa Fb eh. Di mo ako kilala." GRRRR!! Nakakainis talaga siya. Pero reason?
"I'm Ciann Aris Buenavista. Ang rason na ginawa kitang girlfriend ko ay para maFree na ako sa mga nakakainis na mga babaeng yun, at para di matuloy ang Tradition sa Family ko." Sabi niya
"Tradition? Anong tradition?" Tanong ko
"My parents are finding me a Fiancee, kahit ayaw ko pa magpakasal sa ganitong edad at isa pa, magpapakasal ako sa taong di ko naman mahal." So di niya pala ito ginagawa para inisin ako.
"Pero bakit ako? Out of many girls." Tanong ko.
"Cause your different from the other girls in this campus." Napatingin ako sakanya, bumalik yung prince-aura niya. MasGwapo siya pag di siya black prince. TEKA!! Sinabihan ko bang GWAPO yung lalaking ito?! "Hoy, bakit ka namumula diyan? Kinilig ka ba sa sinabi ko?" GRR!! Wow ah! Kapal! Malaking pagkakamali!! BLACK PRINCE talaga siya!
"Leche ka! So pag di na pumayag ang magulang mo sa Tradition na yun, tsaka na ako titigil bilang girlfriend mo. Yun ang plano ah!" Sabi ko. "Pero may condition ako! 3 months lang akong magprepretend bilang girlfriend mo."
"Sure, three months is all I need." Sabi niya sabay tumayo at iniabot yung kamay niya saakin para makatayo rin ako. May pagkaGentlemen din pala siya eh. Che!
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Teen FictionBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...