Chapter 1
"Mika! Tagal mo naman, dito ka na umupo oh." Sabi ng mga kaibigan ko. Grr! Nakakainis! Nararamdaman ko parin yung labi nung lalaking yun!
Btw, Ako nga pala si Mika Bettina Reyes. 15 years old at tulad sa sinabi sa prologue NBSB ako. Pero kahit ganun, may First kiss na po ako. At galing pa sa arroganteng prinsipeng yun.
"Guys! Meron ba kayong wipes?" Tanong ko sakanila. Buti nalang meron si Shaina, pupunasan ko kasi labi ko. Yung lalaki kasing yun!!! Nakakabwiset!
"Bakit mo pinupunasan labi mo?" Tanong ng mga kaibigan ko. "Siguro may humalik sayo noh?" PATAY!!! Ang bilis nilang malaman!! May cctv ba sa classroom at nakita nila yun?!
"Huh?!" Sabi ko. Never dapat nila yun malaman! As in NEVER NEVER!!
"Eto naman, jinojoke lang namin ikaw!" Phew! Buti naman at joke lang yun. Hays! Kalimutan ko na nga lang Mika yung nangyare kanina. Pretend mo nalang na worst nightmare mo yung nangyari nun.
Kinain ko nalang ang baon ko para kalimutan yung nangyare kanina. Makakalimutan din ako nung lalaking yun. Who would take interest sa Otaku at Gamer na tulad ko?
*later*
"Hays! Dismissal narin! Mika, gusto mo bang sumama saamin? Punta kami Mcdo." Yaya ulit ng mga kaibigan ko. Kaso natandaan ko pala kakausapin ako ng adviser namin.
"Pass muna ako, kakausapin nga ako ni Miss diba?" Sabi ko sakanila. Kaya umalis na sila at ako naman tumungo sa Faculty area.
Habang papunta akong Faculty, naabutan ko yung lalaki kanina na humalik saakin yung Black Prince na yun. Yung PICTURE pa nga pala! Nakalimutan ko nga pala yung picture!! Kaya nilapitan ko agad yung lalaking yun.
"Hoy! Idelete mo na yung picture kanina!" Maangas kong sabi sakanya. Nakita ko naman siyang nakatitig lang saakin at sinabi...
"Paano pag ayaw ko?" Pinigilan ko nalang na di magalit dahil alam kong walang magandang mangyayare pag nagalit ako dahil maslalo niya lang akong papagalitin.
"Fine, I'll do everything! Basta burahin mo lang yung picture. Pero except sa pagiging Girlfriend mo!" Sabi ko sakanya. Tumingin lang siya saakin tapos Nilagpasan niya lang ako."hoy! Kinakausap pa kita!! Burahin mo na yung Picture!!" Sabi ko sakanya.
"You need to be my Girlfriend first kung gusto mo ito burahin." GRR! Bakit ba gustong-gusto niya ako maging girlfriend?! Ang daming babae diyan na pwede niyang paglaruan bakit ako pa napili ng lalaking ito?!
"Alam mo, sa dami-dami ng babaeng humahabol sayo, bakit ako pa pinili mong makipaglaro sayo sa pagiging girlfriend mo?!" Sabi ko sakanya.
"Alam mo, There's always a reason for everything. Kaya wag ka nang magalit at pumayag ka na. Ayaw mo nun? Sikat na lalaki magiging Boyfriend mo? Malaking level up yun sa pagiging NBSB mo." Nangiinsulto ba siya? Oo alam kong wala akong boyfriend since birth pero di naman niya kailangan ipamuhka diba?
"No, ayaw ko! Masgusto ko pang mapahiya sa buong school kesa sa maging Boyfriend kita." Sabi ko sabay tumakbo papuntang Faculty nang...
"Talaga? Don't regret what you just said, Bettina." Napahinto ako sa sinabi niya. At isa pa... BETTINA?! Ang pinakaayaw kong pangalan, nalaman niya. "You hate your name na Bettina right?" Inulit niya pa!!! GRAHHH!
"Di ako magsisisi!" Sabi ko sabay pumasok sa Faculty room. Anong problema ng lalaking yun?! BWISET!!
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Teen FictionBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...