Chapter 20
Nang matapos na ako magbihis. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtibok ng puso ko. "Lord, ito na po ang araw na magsisinungaling ako sa buong angkan ni Ciann. Patawarin niyo ako sa pinaggagawa ko Lord ah. Di ko naman sinasadya ito. Tumutulong lang naman ho ako sa kapwa eh." Sabi ko habang taimtim na nagdadasal nang may tumapik saakin.
"Ay Palaka!" Sabi ko sabay nilingon kung sino yung tumapik saakin.
"Dati kabayo, tapos ngayon palaka naman?" Sabi ni Ciann habang humagikgik ng onti. Dati galit siya pag sinasabihan ko siya ng ganun, tapos ngayon di na? -.- weird
"Che!" Sabi ko sabay napayuko. "Ciann, ano kaya kung wag nalang natin ito ituloy?" Sabi ko sabay tumalikod. "Di ko kayang magsinungaling sa Dad at Mom mo. Lalo pa sa buong ANGKAN mo pa." Sabi ko nang nakita ko siyang umupo sa kama ko at yumuko din.
"Ako rin. Di ko naman din kaya magsinungaling eh. Pero Mika, kahit ngayon lang, pwede mo ba ako tulungan kahit ngayon lang." Sabi ni Ciann na seryoso ang muhka na nagmamakaawa saakin.
"*sigh*" buntong hininga ko sabay iniabot yung kamay ko sakanya. "Hindi ganyan ang Black Prince ko. Kaya tumayo ka na." sabi ko out of reflex. WHAT DID I JUST SAID?!
Napatingin saakin si Ciann nun. ANO BA ITONG PINAGSASABI KO?! SHIETE!
"May gusto ka ba saakin?" Sabi ni Ciann sabay humagikgik. A-A-A-A-A-ANO PINAGSASABI NG LALAKING ITO?! LECHE!
"Asa ka! Alam mo, kung di ka aabot sa kamay ko. Di nalang tayo tutuloy." Sabi ko habang nakaabot parin kamay ko sakanya.
"Oo na." Sabi naman niya sabay iniabot din niya kamay niya saakin
"Akala ko papangawitin mo lang kamay ko eh." Sabi ko sabay hinila na siya palabas na bahay.
After mga ilang minutes, nakarating na rin kami sa Destination namin. "Sa Engrande Hotel gaganapin ang Birthday ng MAMA mo?!" Sigaw ko sakanya habang nasa labas kami ng gate.
"Oo, alangan naman sa bahay kami magcelebrate. Mayaman parents ko. Kaya nila ito iafford." Pagyayabang niyang sinabi sabay hinawakan yung kanang kamay ko. Naramdaman kong nanginginig kamay niya.
"Ready?" Tanong niya saakin. Kaya hinigpitan ko naman ang paghawak sa kamay niya at sinabi...
"Ready na Ready." Sabi ko sabay nun dumiretso na kami sa paglalakad papasok ng Party Hall.
Nang makapasok na kami ng Building, daming mga nagtitinginan saaming mga tao. Halos saakin nakatingin lahat. Kaya hinigpitan ko ulit ang hawak ko sa kamay ni Ciann.
"Don't worry. Their only looking at you kasi ang Ganda mo." Sabi ni Ciann sabay binigyan ako ng ngiti.
"Ewan ko sayo. Nangbobola ka pa." Sabi ko sabay hinampas siya sa braso.
And just in time na makapasok na kami ng Party Hall, nagbibigay na ng Speech ang Mom at Dad ni Ciann sa harap.
"Ladies and Gentlemen, We Introduce to you,The Future Lady of Buenavista Corporation...." Sabi ng Mom ni Ciann habang ako, umiinom lang ng juice na binigay ng waiter saakin.
"Ikaw mismo nagEncourage saakin Betty, kaya wag ka aatras ah." Sabi ni Ciann sabay hinawakan ulit kamay ko. Problema nito? Di ko nalang pinansin at uminom ulit ako ng Juice nang...
"Miss Arian Cassandra Santos." Halos mabulunan ako sa narinig ko. ARIAN?!
Sabay nun ay hinila na ako papunta sa harap ni Ciann.
"H-Hoy! Bi-Bitawan mo ako!" Sabi ko habang pumapalag sa mga hawak niya.
"No Can do. Ikaw ang umabot ng kamay saakin." Sabi niya sabay hinila pa ako ng maigi para makapunta kami sa harap.
OKAY NA SANA LAHAT EH! PAPAYAG NA AKO MAGSINUNGALING SA ANGKAN NIYA.... PERO PATI BANAMAN ANG KAIBIGAN KONG SI ARIAN?!
MALI NA 'TOH!!
"Ladies and Gentlemen, My Son, Ciann Aris Buenavista...." Sabi naman ng Mom niya nang ininterrupt ni Ciann.
"With his Girlfriend, Mika Bettina Reyes." Sigaw ni Ciann kaya alam niyo ba reaction nila?
"WHAT?!" sabi ng Dad ni Ciann.
"WHAT?!" Sabi ko naman.
"WHAAAAAAT?!" Sabi naman ng buong bisita sa Party.
Oo, WHAT!!! Talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/25106395-288-k260290.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Подростковая литератураBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...