IDTBP26- Last Word

65 4 0
                                    

Chapter 26

"Ciann?" Nagulat ako dahil nasa harap ko ngayon si Ciann na pawis na pawis at hingal na hingal.

"Mika, Bakit di mo sinasagot tawag ko?" Tanong ni Ciann saakin. "Di mo ba alam kung gaano nagaalala na si Mrs. Reyes sayo?" Di ko nalang siya pinansin at nilagpasan ko nalang siya nang....

"Mika....Ano na ba nangyayare sayo?" Hinawakan ni Ciann ang kamay ko na sanhi ng paghinto ko sa paglakad ko. Kaya naman itinabig ko naman ang kamay niya at sinabi....

"Grabe Ciann, Aircon ka ba? ANG HANGIN MO KASI! Ciann, alam mo naman na diba? na MAHAL NA MAHAL kita...ang sakit sa tuwing nakikita ko kayo ni--....." Bigla kong narealized na masasabi ko na sana na nagseselos ako. Ayaw ko masira friendship namin ni Arian.

"Nagseselos ka kay Arian?" Nanglaki mga mata ko at tumingin kay Ciann na seryoso ang tingin saakin. "Mika... Alam mo naman na hindi tayo diba? Bak--...." Paliwanag ni Ciann nang sumabat ako.

"Oo, Alam ko hindi naman talaga tayo. Pero--..." Bago ko pa tapusin ang gusto kong sabihin inunahan ko na agad si Ciann.

"Itigil na natin ito Ciann." Sabi ko nang di ko nahahalata na may luha na pala na tumutulo sa muhka ko. "Masyado nang masakit eh. Everytime, Everyday,Every hour, Every minute, Every second, Maslalo lang akong nahuhulog sayo. Masakit na Ciann. Kaya please, tigil na natin ito." Sabi ko sabay ibinigay kay Ciann ang singsing na binigay niya saakin nung first FAKE date namin.

"It was nice being your PRETEND Girlfriend Ciann. Pero ngayon, di na natin ito pwede ituloy, One-sided love na ang relationship natin. Yaan mo Ciann, pipigilan ko nang mahulog pa sayo. " sabay nun ay tuluyan na akong umalis sa harap ni Ciann habang umiiyak.

Nang makauwi na ako sa bahay, tinanong ako ni Mama kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko nalang na napagtripan ako sa kalsada at nagshopping pa ako kaya naLate akong nakauwi. Kaya sabay nun ay umakyat na ako sa kwarto ko at sinampal ang sarili ko habang kinakausap ang sarili ko sa salamin.

"Hindi ka na Girlfriend ni Ciann, okay? Back to normal na bukas." Sabi ko sabay humiga na sa kwarto ko at binura yung picture ko sa Cellphone ko na hinalikan ako ni Ciann sa first meeting namin.

Napapaiyak nanaman tuloy ako.

Tulog ko na nga lang ito! LITSI!

*Next Day*

Habang naglalakad ako sa Locker Area, may nagpukaw sa paningin ko. Isang picture namin ni Ciann kagabi na nasa playground kami...

"The Big Breakup..." Yun ang title ng picture, sabay nun ay ang picture kong umiiyak habang nilagpasan ko si Ciann na nakatulala lang dun.

"Sabi na nga eh, magbrebreak din yan sila C.A. At Mika." Sabi ng mga Fans ni Ciann. Nagbubulungan nga, rinig na rinig naman.

"Omyguash! Sabi ko na nga na hihiwalayan din yan ni Ciann si Mika. Di naman kasi kagandahan yung babaeng yun. Ano ba kasi nagustuhan niya sa Mikang yun?!" Ang sasakit. Parang tinutusok ako ng thousands of kutsilyo in my back.

Nang.... Biglang may nagpunit ng picture namin ni Ciann sa bulletin board.

"SINO KUMUHA NETO?!" Sigaw ni Ciann habang galit na galit na pinunit ang picture sa Bulletin Board.

Katahimikan ang napuno sa Corridor at tinginan lang sila. Malamang sa malamang, kilala nila kung sino yung kumuha.

Nang nakita ko si Arian sa harap ko....at lumapit saakin.

"Mika... Pwede ka ba makausap?" Tanong saakin ni Arian sabay nilagpasan ako at dumiretso kami ng rooftop.

*at the rooftop*

"Mika... I guess you lose?" Napatingin ako kay Arian. "We made a bet remember?" Anong nangyare sa mahinhin na Arian?!

"A-Arian....?" Tanong ko...

"Grabe Mika....di mo parin pala napapansin. Bulag mo rin noh? Oo, may Gusto din ako kay Ciann." Halos mapaluha ako sa sinabi ni Arian. A-Akala ko wala akong karibal nun...di ko ineexpect na siya talaga ang magiging kaaway ko sa pag-ibig.

"Pero sabi mo dati wala kang gusto?" Paliwanag ko sakanya nang inilapit ko muhka niya saakin..

"I can't believe na naTrap ka sa mga Paloko ko sayo. Well, kahit naman pinagpatuloy niyo ang pagiging PRETEND Relationship niyo, Ako parin naman ang makakatuluyan ni Ciann eh. 'Cause I'm her Fiancee." Alam niyang nagpapaggap lang kami?! at Bakit ganito na si Arian? Di ganito ang expect ko sakanya.

"Listen Mika, Sa mundong ito, kung ano ang sinayang mo, iba naman ang makikinabang. Kaya wag kang selfish, Betty." Last word ni Arian sabay umalis na ng rooftop.

Bakit ganito na nangyayare saakin? Mali lang ba talaga magmahal? Kung mali magmahal, pipigilan ko nang maInlove kay Ciann.


Those Last word ni Arian made me realized, nagsisi ba ako or tama ginawa ko?

I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon