IDTBP11- All About His Past 1

107 6 0
                                    

Chapter 11

After namin magusap ni Ciann sa Rooftop, di kami nagpapansinan kahit kaninang Lunch time. Kaya naman ang daming mga babae ang pumapalibot kay Ciann kanina kasi di ako kasama ni Ciann. Ano naman? Wala naman akong pake kahit i-rape pa siya ng mga babae dyan.

After maglunch kanina, dumiretso na muna ako ng Library para makinig ng mga Anime Music ko dun. Siyempre gagamit ako ng Headset kasi bawal loud speaker dun. At isa pa, tahimik sa Library kaya makakapagrelax ka pa. Nang....

Nakasalubong ko si Ciann na nakaupo sa Favorite spot ko sa Table. Nakikita ko naman siyang natutulog dun. Kaya naman di ko nalang siya pinansin at umupo nalang sa ibang table nang nakita ko siyang bumangon na at lumakad palabas ng Library, pero para siyang lasing maglakad. Ano meron dun?

"Ano Meron dun?" Di ko nalang siya pinansin at isinuksok ko nalang ang Headset sa tenga ko nang nakita ko si Ciann na nahimatay sa Pintuan ng Library.

Tumakbo agad ako kay Ciann. Pagkahawak ko sakanya, ang Init ng katawan niya. May Lagnat siya?!

Pinatawag ko agad yung landline ng Bahay nila at nagpatawag ng sundo para makauwi ng maaga si Ciann.

*after Ciann Fainted*

Nasa Kotse kami ngayon habang si Ciann ay nakahiga sa kandungan ko sa hita. Ang Init talaga niya, ang taas siguro ng lagnat nito. May Kasama ba kaya siya sa Bahay niya?

"Manong! May family member po ba si Ciann sa bahay nila?" Tanong ko sa driver ng sasakyan nila Ciann.

"Actually Miss Mika, yung parents ni Ciann nasa Business Trip. Only his Maids at Butler lang ang nandun." Sabi ng driver. May Maids pala sila. Pero nagaalala ako kay Ciann. Kaya naman naisipan ko na ako nalang magaalaga kay Ciann.

"Manong, daan po muna kayo ng Mercury Drug." Sabi ko sa Driver. Kailangan ng Gamot ni Ciann para sa Sakit niya eh.

after naming makabili ng gamot dumiretso na agad kami sa Bahay ni Ciann. First time akong makapunta sa engrandeng bahay ni Ciann. Ang laki ng bahay niya, MANSION na MANSION, bagay for a Prince talaga. Pagkapasok na pagpasok namin sa bahay nila Ciann, 500 na Maids ang bumati saamin at tumulong sa pagbuhat kay Ciann sa Kwarto niya.

*at Ciann's Room*

Wow! Ang laki ng kwarto niya!! Kasing laki na nung kwarto niya yung sala namin ah! Wala eh, mayaman eh.

"Miss Mika, maiwan ko na po sainyo si Sir Ciann." Sabi ni Manong sabay lumabas na ng kwarto. Habang ako naman nilagyan ko ng basang panyo ang noo ni Ciann at kinuha ko Temperature niya.

"39.60?!" Grabe! Ang taas ng Lagnat niya. Stress ba lagi ang lalaking ito?

Kinumutan ko nalang siya at inihanda ang gamot na iinumin niya pag nagising na siya. Habang hinihintay ko siya magising,tumingin-tingin muna ako sa Kwarto niya. Nang may nakita akong Picture....

Family Picture nila ng Family nila. Andun tatay, nanay, at may kasama pa silang lalaki na masmaliit kay Ciann onti. Kapatid niya siguro.

Nang nagising bigla si Ciann...

"Ugh...ang sakit ng ulo ko." Sabi ni Ciann sabay nagulat nung nakita niya ako. "A-A-Ano ginagawa mo sa kwarto ng lalaki?!" Sigaw niya saakin habang namumula. Akala niya naman may gagawin ako sakanya.

"Wag ka Feeling, di kita Type para hawakan noh! At isa pa, may sakit ka kaya uminom ka muna ng gamot!" Sabi ko sabay siyang inalalayan uminom ng gamot.

"May catch itong mga ginagawa mo noh?" Tanong saakin ni Ciann.

"Kahit ngayon lang, hayaan mo ako magmalasakit muna sayo ngayon." Sabi ko habang pinipigaan yung panyo na ilalagay ko sa noo niya. "Humiga ka na, at matulog." Sabi ko sabay inilagay sa noo niya yung basang panyo.

"Bakit di mo nga pala kasama Magulang mo?" Tanong ko kay Ciann.

"They're on a Business Trip in India." Sabi naman ni Ciann.

"Eh yung kapatid mo?" Tanong ko sakanya nang biglang nagiba expression niya.

"They're with my Parents." Sabi nama ni Ciann. Kung kasama ng Parents niya yung kapatid niya bakit di siya kasama?

"Eh bakit ka nagpaiwan?" Tanong ko ulit nang...

"Ano ba! Tanong ka ng Tanong! Matutulog na ako kaya wag ka na maingay!" Masungit niyang sinabi sabay ipinalipot ang sarili ng Kumot. Che! Ang Sungit mong nilalang. Kaya ka siguro nagkalagnat eh.

At dahil matutulog na si Ciann, naisipan ko na ibaba yung baso at hugasan nang nakasalubong ko yung Driver ni Ciann sa kusina nila.

"Miss Mika, ako na maghuhugas nyan." Sabi ni Manong. Kaya naisipan ko rin itanong kung bakit di kasama ni Ciann ang Parents niya.

"Manong, alam niyo po ba ang dahilan kung bakit di kasama ni Ciann ang mga magulang niya?" Tanong ko kay Manong.

"Ah, nakita mo ba yung Family Portrait nila sa kwarto ni Sir Ciann?" Tanong saakin ni Manong.

"Opo, at may kapatid rin po pala siya." Sabi ko.

"Siya ang maliit na kapatid ni Sir Ciann. At yun din ang dahilan kung bakit ayaw sakanya ng Dad niya." What? Ayaw ng Dad ni Ciann sakanya? Bakit?

"Ayaw? Bakit? May di po ba pinagkasusunduan ang daddy ni Ciann at si Ciann?" Tanong ko.

"Yes, nung bata palang si Sir Ciann. Ang kapatid ni Sir Ciann ang pinakaFavorite na anak ng kanyang Daddy. Sir Ciann was always the second best in their Family. Pag nagmamalaki si Sir, inuuna niya lagi ang maliit na kapatid ni Sir Ciann na ipakilala, second lagi si Sir Ciann. Minsan di na nga rin siya naipapakilala eh. They treat Sir Ciann as if parang ampon lang nila. Ang Pinakaclose lang ni Sir Ciann dati ay ang kanyang Mom. Ma'am treats her son equal unlike her Husband. Pero nagbago lahat yun nung naaksidente ang Kapatid ni Sir Ciann, di na rin siya nakasurvive kaya natuluyan na rin. Hatred. Yan lang ang madedescribe mo sa feelings ng Magulang ni Sir Ciann towards him. Kahit ang Mom niyang tinreat siyang Equal, onti-onti naring lumayo sakanya. And thus, laging mag-isa si Sir Ciann, pag nagpapakilala ulit sila Sir at Ma'am, they will always conclude their Second son and Sir Ciann will always be the second. Kaya simula nun, nasanay na rin si Sir Ciann about what happened in his Past. Kaya pagpasensyahan mo na kung minsan masungit siya. But actually, he is Kind inside di lang siya marunong ipakita." naiyak ako sa storya ni Ciann. Ganun pala kahirap ang nadanas niya sa Past. So That's why sinabi na yun saakin dati. Na ang Bait ng nanay ko. Di ba kaya, natandaan niya nanay niya?

Alam kong mabait si Ciann. Di lang talaga siya marunong ipakita ito.

I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon