IDTBP9- Cold at Morning but Warm at Night

123 5 0
                                    

Chapter 9

"Ugh.... Ang sakit ulit ng ulo ko. Nasaan ba ako?" Pagkadilat ko nakatali na ang aking mga paa at kamay at nakakulong ako sa isang bodega yata. Nang biglang may pumasok na lalaki...

"Uhm....." Sabi ko sabay naman siyang lumapit saakin....

"Sabi ko wag itali eh, ikulong lang." Sabi ng lalaki habang tinatanggal yung tali na nakabuhol saakin.

"Uhm...ku--...." Sabi ko nang....

"Wag mo isipin na pinapakawalan na kita, ginagamit lang kita para makausap namin si C.A." Huh? Kausapin? Bakit? Ano kailangan nila kay Ciann?!

"Ano kailangan niyo kay Ciann, ah?" Sigaw ko sakanila.

"Pwede ba! Ang ingay mo! Nakakapagtaka, bakit naging Girlfriend ka ni Ciann? Eh di ka naman kagandahan na babae." W-Wow ah!! MakapangLait!!! Ang kapal naman ng lalaking ito! Gusto ko siyang suntukin pero baka maslalo pa akong mapahamak eh.

"Oo na kuya, panget na ako. Pwede ba? Pakawalan mo na nga ako!" Sabi ko sakanila sabay dumiretso sa pintuan nang may pumigil saakin at ibinalik ako sa bodega.

"Akala mo makakatakas ka dito? Hintayin mo nalang ang Prince Charming mo dumating, panget." GRRRR!!!! MASNAKAKABANAS ITONG LALAKING ITO KESA KAY CIANN EH.

Iniwanan na niya ako sa loob ng bodega nang narinig ko silang naguusap...

"Boss, kung si C.A. Ang gusto mo, bakit yung babae dinamay mo?" Tanong ng mga kasama nung lalaking yun.

"Kasi hindi sisipot yung lalaking yun, kung di natin kukunin ang importanteng bagay sakanya. At yun yung Girlfriend niya." Ano ba kailangan nila kay Ciann? May ginawa ba si Ciann sakanila?

"Eh Boss, lahat ba talaga ng naging Girlfriend mo inagaw sayo ni C.A.?" Inagaw?! Girlfriend?! PLAYBOY si CIANN?!

Pinakinggan ko pa ang convo nila nang narinig ko na may kumatok sa labas...

"Oh welcome C.A." Sabi nila...wait, C.A.?! Nandito si Ciann?! PATAY! Kelangan niya umalis dito!

"Ciann!!! Umalis ka dito!! Wag mo na ako alahanin!!" Sigaw ko habang humahanap ng paraan para makatakas din ako.

"Mika?! Asan ka? Pakawalan niyo si Mika! Diba ako lang naman ang gusto niyo?" Sabi ni Ciann. Ano ba sinasabi nung baliw na lalaking yun?! Pinapahamak niya lang sarili niya eh!!

Then, after nun biglang nagcomplete silence.... Nagalala ako, kasi baka nasaksak o baka nabaril na si Ciann kaya kumuha ako ng metal at ipinukpok ko sa pintuan. Buti naman at nagbukas yung pinto...pero pagkalabas na pagkalabas ko ng bodega....

"C-Ciann?" Nakita ko yung mga lalaki na nagkulong saakin ay nakaluhod at halatang takot na takot. Tinignan ko naman si Ciann...nakakatakot yung expression niya. BLACK PRINCE na BLACK PRINCE yung look niya ngayon.

"Hoy Babae, ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan? Tara na." N-Nakakatakot talaga yung muhka niya. Bigla naman niyang hinila yung kanang kamay ko at hinila ako palabas na ng lugar na yun nang....

"C-C.A.!!" Narinig naman naming sumigaw ang lalaking sinabihan ako ng panget.

"Ano yon?!" Sigaw ni Ciann. Ang Aura niya....nakakatakot. Oo alam ko daming beses ko na sinabi...pero ibang-iba sa expression na pinapakita niya saakin lagi eh.

"Tulungan mo ako Mr. C.A.!" Sabi nung lalaki habang nakaluhod at nagmamakaawa sa harap ni Ciann. "Lagi kang binabanggit ng Girlfriend ko. Gwapo ka daw, perpekto, lahat nasayo na. Ayaw kong mawala siya tuluyan saakin. Please C.A. tulungan mo rin ako maging gwapo tulad mo! Gagawin ko lahat para lang sa kasayahan ng Girlfriend ko." Ahh! Kaya niya pala ito ginawa... Mahal na Mahal niya siguro yung Girlfriend niya kaya niya ito nagawa. PERO DI KO PARIN SIYA MAPAPATAWAD SA PAGSABI NIYA SAAKIN NG PANGET NOH!

"Kasalanan mo yun, kung good-looking ka kasi like me, di sana ako pupuriin ng Girlfriend mo." Masungit niyang sinabi sa lalaki.

"Kaya nga nagpapatulong ako Mr C.A." Sabi naman ng lalaki.

"Sa tingin mo matutulungan parin kita? Eh kinulong mo nga yung Girlfriend ko eh. Sa tingin mo madali na kitang matutulungan don?" Naramdaman ko ulit ang mabilis na pagtibok ng puso ko at sabay na paginit ng muhka ko. Minsan talaga di ko maintindihan ang totoong ugali nito ni Ciann eh. Ang Sama niya pero mabait naman din siya.

Hinila na ako palabas ni Ciann at papunta sa kotse nila.

*nang makapasok na kami sa kotse*

Di ko mapigilang mapaluha sa sobrang kabaitan ng lalaking ito ngayon.

"B-Bakit ka umiiyak?" Tanong saakin ni Ciann.

"Thank you Ciann!!" Sabi ko sabay out of reflex ko siyang niyakap.

"H-Hoy Bettina!" Sabi ni Ciann. Bigla ko naman narealized na yakap-yakap ko na si Ciann.

"Uh... S-Sorry" naglingunan kami sa ibang direksyon. Then sumulyap naman ako kay Ciann. Nakikita ko siyang namumula at nakita ko rin ang wrist niya. May sugat yung kamay niya. Dahil ba kaya nung nangyare kanina?

Kahit ang Sama saakin ni Ciann....Bakit sinasabi ng puso ko na di ganun ang siya ngayon.

I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon