IDTBP13- Aminin na kasi!

110 5 2
                                    

Chapter 13

"Naaksidente daw si Sir Chris."

"50:50 daw chance niya kung mabubuhay o hindi eh."

"Kasalanan din si Sir Ciann. Pabaya eh."

"Kaya siguro ayaw sakanya ng Daddy niya."

"Paano kasi, tutok lang lagi sa pag-aaral. Di niya alam na meron din siya kailangan atupagin."

"Di nga rin siya bumisita sa Hospital eh."

Ano ba mga pagkukulang ko at naging ganito ang Buhay ko? Nasa Hospital ngayon ang kapatid ko. May 50:50 chance na pwede pa daw siya mabuhay. Sila mama at papa, nandun din sa Hospital. Ako? Nandito sa kwarto ko. Nagmumukmok. Natatakot. Pero di ko kaya yun lahat ilabas dahil hindi ganun ang turo saakin ni Dad.

Bakit nga ba?

Bakit ba di ko kayang ilabas ang lahat ng nararamdaman ko?

Bakit parang may hinihintay ako?

Naghihintay na balang araw, may magbubukas ng pinto ko sa puso ko.

"Chris...Mama...Papa..." Paiyak na sana ako pero pinigilan ko parin ito. Para di na ako umiyak, Kumuha nalang ako ng Libro at nagaral.

*later*

Bababa sana ako para uminom ng tubig nang narinig ko may kausap yung Maid namin sa Telepono....

"P-Po?!" Bakit siya umiiyak at gulat? Ano kaya nangayre?

"Patay na po si Chris?!" Nanglaki ang mga mata ko sa nangyare. Di ko napansin, may tumutulo nang luha sa muhka ko kaya dali-dali ko itong pinunasan sabay dumiretso ng kusina.

Nang...

"Sir Ciann....patay na po si Chris." Sabi ng Maid habang nakatingin ng masama saakin.

Habang ako? Speechless lang. Di ko na sinagot yung Maid. Umakyat nalang ako diretso at nagkulong sa Kwarto.

Nang makauwi na sila mama, ang dami nang nagbago. Si Papa, maslalong nilayo ang pagkakaAma at Anak na closeness namin. At ang Masklap....

*funeral ni Chris*

Daming mga umiiyak. Sila Papa, Mama, mga Maids at mga kaibigan ng Magulang ko nandun. Ang daming mga nakatitig saakin. Alam niyo dahilan? Ako lang ang di umiiyak.

"Ciann...." Sabi saakin ni Mama. Kaya lumapit naman ako.

"Ayaw mo ba talaga sa Kapatid mo?" Mahal na Mahal ko si Chris ma. Isa siya sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Pero bakit pati rin ikaw ma, di mo makita?

"Mahal ko siya ma." Sabi ko.

"Kung ganun, bakit di ko nararamdaman ang Mahal na binibigay mo sa kapatid mo?!" Sigaw saakin ni mama nang.... "Walang kwenta kang anak!! Wala ring kwentang kapatid!! Bwiset ka!!"ang saklap ng mga sinabi ni Mama saakin. Bakit ba di niya makita ang mga ginagawa kong tama para sakanila? Lagi kong pinagsisikapan na maging Proud sila saakin. Bakit di nila Makita yun? Sa loob ko, umiiyak na ako. Pero outside...walang expression akong pinapakita.

"You are just like a Robot...walang Puso." Sabi ni Papa sabay iniwanan ako magisa sa loob ng Funeral. Tumingin naman ako kay Chris na natutulog na ng mahimbing sa kanyang kabao. Di ko ulit namalayan...may tumutulo nang luha sa muhka ko.

"Chris, if only you were here." Sabi ko habang tulo ng tulo ang mga luha ko sa mata ko.

-End of FlashBack-

*At the classroom*

Mika's POV

Nandito ako ngayon sa Classroom. Nagsusulat ng reviewer sa exam namin. Nang...

"Mika, nagaaway parin ba kayo ni Ciann?" Maalalang tanong ni Ciann.

"Bahala siya. Wala akong Pake sakanya!" Sabi ko sabay ibinalik yung tingin sa reviewer ko.

"Mamaya maagawan ka diyan ng mga babae oh! Since this morning pa pinapalibutan ng babae si Ciann eh." Sabi naman ni Shaina.

"Ano naman? Araw-araw diba ganun naman routine nun? Daming mga babae talaga ang kasama nun." Sabi ko in a tone of walang pake.

"Hay nako! Bakit ayaw mo nalang kasi aminin na may Gusto ka sakanya." H-Huh?!?! Ano ba pinagsasabi ng babaeng ito?!

"Ano ba yang pinagsasabi mo Shaina? Tumigil ka nga diyan!!" Sabi ko sabay kinurot siya sa hita.

"Araaay!! Ang sakit nun ah!!" Reklamo niya sabay hinawakan yung hita niya na kinurot ko.

"Yan kasi, kung ano-ano kasi pinagsasabi mo eh!" Sabi ko naman sakanya.

"Eh bakit ka affected?!" Asar niya ulit.

"Di ako Affected noh!!" Sabi ko.

"Ewan ko sayo! By the way, sunday na next,next day dba?" Tanong saakin ni Shaina. Which reminds me, may event nga pala sa Sunday. Birthday ng nanay niya.

"Oo bakit?" Tanong ko.

"Wala, may plano kasi kami ni Daniel sa sunday." By the way, Boyfriend niya yun. Si Daniel Ortiz.

"Saan nanaman destination niyo?" Tanong ko.

"Pinagiisipan ko nga eh! Kung MagPo-Pool kami or Beach." Wow, yaman ah!

"Ahhh! Have a safe trip nalang!" Sabi ko sabay binalik yung attention ko sa reviewer.

"Sige, punta muna ako Canteen ah! Ano gusto mo?" Tanong saakin ni Shaina.

"Juice nalang." Sabi ko sabay bigay sakanya pera.

Nang makaalis na siya, naisipan ko kunin yung cellphone ko. Kaso......

SHUCKSSSSS!!!!!!!!! Wala dito Cellphone ko!!!!!! Naiwanan ko ba sa bahay yun?! Pero di eh!! Pagkauwi ko sa bahay kahapon galing kila Ciann, diretso na ako natulog eh. Di ba kaya... NAIWANAN KO KILA CIANN?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!

I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon