A/N: Guys! Sa mga nagbabasa nito ngayon, meron pa pong Part 3, 4, and 5 yung special chapter ng IDTBP ah! Sa ngayon, continue tayo with the story! :D Enjoy!
Chapter 18
*Next Day*
*Alarm* tunong ng Alarm Clock
"*yawn*" sabi ko sabay bumangon na ng kama nang napansin ko yung SM bag. Pagkatingin ko, mga Damit na binigay saakin ni Arian yung nasa loob. "Ibig sabihin pala, DI AKO NANANAGINIP NUN?!" Kyaah! Ang saya ko!! idol ko nakausap at naging Kaibigan ko pa!! Sino banaman di sasaya dun noh?
Kaya bumaba na ako ng kwarto nang...
"Goodmorning Betty." Pagkababa ko, nasilayan ko si Ciann na nakaupo sa sofa namin at umiinom ng kape habang nanonood ng TV. ANONG GINAGAWA NG LALAKING ITO DITO?!
"Hoy! Ang aga-aga, bakit ka nandito?" Tanong ko kay Ciann. Ano nanaman kaya balak nito?
"Nakalimutan mo na ata. Tignan mo kaya kalendaryo mo. Oh, and tumingin ka rin muna sa salamin." Sabi niya sabay humigop ng kape. Kaya ako naman tumingin agad sa salamin. SHIETE!! May ang gulo ng buhok ko tapos may panis na laway pang natuyo!! NAKAKAHIYAAA! Kaya naman dumiretso muna akong banyo at pagkatingin ko sa kalendaryo...
Sunday, October 14, 2014
"Ngayon na ang araw na magpapakitang gilas ka sa Pamilya ko." HALA!! Oo nga. Sunday na pala ngayonnn!!! BAKIT KO NAKALIMUTAN YUNG ARAW NA YUN?! SHIET! "Anyway, I rent a Salon downtown. Pupunta tayo ngayon dun. Kaya magbihis ka na and let's go." Sabi niya sabay inilipat yung chanel ng TV na parang bahay niya ito. Di niya ba natatandaan? PANGGAP lang kami noh? -_-
Kaya naman naligo at nagbihis na ako. Nang natapos na ako maligo, ito nanaman problema ko. Kung ano isosoot ko. Kaya naisipan ko na isoot nalang yung binili saakin ni Arian na damit. "H-Hindi ito para kay Ciann ok? Para ito sa kaibigan mo?" Sabi ko sa salamin habang inaayos yung damit ko. Nang...
"Anong hindi para saakin?" sabi ni Ciann na nakatayo sa may pintuan ko. Buti nalang at nakabihis na ako.
"A-A-Ano ginagawa mo dito?!" Sabi ko sakanya habang di makatingin ng diretso....narinig niya yung mga baliw na pinagsasabi ko sa Salamin.
"Di nakasarado Pinto oh. Talagang may maninilip sayo nun." GRRR!! So kailangan talaga, SUMILIP?!
"C-Che! Tara na nga. Sabi ko sabay umalis na kami ng bahay nang...
"Napansin ko na nahilig ka na sa mga dress ah." Sabi ni Ciann habang nasa likod ko siya. Naglalakad akong mabilis para di niya makita kung gaano ako kapula ngayon.
"B-Bakit? M-Masama ba? Galing ito kay Arian, noh. Di naman ito p-para sayo." BAKIT BA AKO KINAKABAHAN?! Para kay Arian ito okay? NOT FOR THIS PRINCE! Sabi ko nang bigla siyang nanahimik sa likod kaya naman nilingon ko...
"Oh, ano problema mo? Nanahimik ka diyan?" Tanong ko sakanya.
"Huh? Ah wala... Just keep on walking." Sabi niya sabay nilagpasan na ako sa lakad. Ngayon nasa harap ko na siya at ako nasa likod na niya. Ano problema nun?
Nang makapunta na kami ng Salon
"Welcome po, Sir Ciann." Sabi ng mga stylist sa loob.
"Andito na ang inyong kelangan ayusan. I'll be back after mag 1 hour." Sabi niya sabay umalis na ng Salon.
"Miss Mika, upo na po kayo dito." Huh? Paano nila nalaman pangalan ko?
"Ang ganda nga ng Girlfriend ni Sir Ciann. Just like he describes her." Eh? Dinescribe ako ni Ciann sakanila. Naramdaman ko nanaman ang sunod-sunod na pagtibok ng puso ko. Sabay nun ay paginit ng muhka ko. Ito na ba kaya ang sinasabi nilang Kilig?
Ba-thump
Ba-thump
Ba-thump
Ba-thump
Tumigil ka nang puso ka!! NAKAKABWISET KA NA! Ayan ka nanaman sa Ba-thump, Ba-thump mo eh.
Kinikilig ba talaga ako? Kung hindi, eh bakit ang Saya-saya ko sa sinabi ni Ciann sakanila?! GRRRR!!
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
TeenfikceBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...