Chapter 27
Arian's POV
*Cellphone Ring*
"Hello?" Sabi ko
"Anak, Kamusta?" Tanong ni Dad.
"I did it Dad. I made them break up." Sabi ko
"I am so proud of you my Darling. I'm sure your Mom will be too." Sabi naman ni Dad na tuwang-tuwa sa nangyayare.
"Thanks Daddy." Sabi ko nalang.
"Now make sure na matuloy na Kasal niyo. You will be the next heir of the Buenavista Family, remember?" Paalala saakin ni Dad.
"Okay Daddy." Sabi ko nakang sabay ibinababa na ang line.
I feel so sorry kay Mika. Ayaw ko naman gawin ang lahat ng ito eh. First time kong magkaibigan at yun ay si Mika. Pero may pinangako ako kay Mama at ayaw kong sirain ang pangako ko sakanya.
"Sorry Mika. But I have to do this." Bulong ko sa sarili ko sabay pumasok ng ng classroom.
Arian's Flashback (10 years ago)
Nasa kwarto ako ngayon at naglalaro ng bahay-bahayan ko kasama ang katulong namin sa bahay nang...
"Arian!" Sigaw ni Mommy.
"Yes Mommy?" Tanong ko.
"Imbis na maglaro ka diyan,Mag-aral ka nalang!!" Sigaw saakin ni Mommy habang nakatutok parin sa cellphone niya.
"Pero Mommy kakatapos ko lang po magreview." Paliwanag ko kay Mommy.
"Hindi! Magreview ka ulit. Nagmamadali ka nanaman para makalaro ka eh." Sigaw ulit saakin ni Mommy.
"Okay po." Sabi ko nalang sabay umakyat na ng kwarto.
Ang Mommy ko ay isang strictong business woman. Lagi siyang busy at marami silang Business Partners nila ni Daddy. Our company ay lagi nang nasa Top 10 world's richest company ever. Kaya super busy sila ni Mommy. All I have to do? Mag-aral lang ng Mag-aral.
"Miss Arian, tawag ho kayo ng inyong Mommy." Sabi ng mga katulong namin.
Kaya bumaba na ako ng kwarto ko.
"Arian, Pagdating mo ng 18, Iaarrange kita ng Marriage sa lalaking ito. The first son of Buenavista Company. Si Ciann Aris Buenavista." Ano?! Kasal?! Agad-agad?! Pero di nalang ako nagreact at tinignan ko nalang yung picture.
"Arian, I want a daughter who will make me and our company Proud. Ikaw ang pride ng Viviann Corporation, kaya I want everything's best for the your Future. Because you know anak? This has always been my dream for you ever since na nasa sinapupunan palang kita." Sabi ni Mommy sabay niyakap niya ako, naramdaman ko rin naman siyang lumuha sa sobrang saya.
"Promise me that you'll make my dream for you come true?" Tanong saakin ni Mommy sabay nagPinky swear.
I didn't know Mom love me this much. So I accepted her promise.
"Promise Mommy." Sabi ko sabay nakipagPinky swear din.
After 3 years (I was thirteen Years old)
"Miss Arian, Yung Mommy mo nasa Hospital na. Inatake sa puso." Napatigil ako sa pag-aaral ko at sumama agad sa katulong namin papuntang hospital...
But before I get there... I recieved a Letter from her.
"Arian, I'm sorry kung minsan napakastricto kong Mother. I just want the best for you that's why I did that. I'm writting now this letter dahil di ko alam kung tatagal pa ako sa mundong ito. Bring out the best in you Arian. My
Last word nalang.... "Please make my dream come true..."Napaiyak ako sa sobrang lungkot at depression. Di ko naabutan si mama. At isa pa, I haven't told her yet that I Love her too. Halos mapahiga na ako sa sahig ng hospital habang binabasa ko yung last letter saakin ni Mama.
"I promise Mom. I will make your dream come true."
Mika's POV
Nang matapos kami magusap ni Arian, halos magunaw mundo ko sa mga pangyayare. Kaya didiretso na sana ako ng classroom nang may humarang saakin. Tatlong matataray na babae.
"Sabi na nga na hindi magtatagal ang Prince at ang babaeng yan eh." Sabi ng isa.
"Malamang, Di kasi type ni C.A. Ang mga NERD." Sabi naman ng nasa kaliwa.
"I know right, Ikaw yata ang nangligaw kay Ciann eh." Halos mapaluha nanaman ako sa mga pinagsasabi nila. Kung dati pag nangyayare ang ganito, may Knight and Shining Armor ako lagi sa likod ko. Lagi akong pinoprotectahan sa kahit anong mangyare. Pero ngayon, Isa na akong Prinsesang nakakulong sa pinakamataas ng tore sa mundo.
Nang....
"Di mareresolba ang Insecurity niyo kung ibubully niyo lang siya." May nagsalita sa likod ko. Di ko masyado makita kung sino siya pero pamilyar yung boses.
Nakita ko naman na tumakbo na yung tatlong matataray na babae at sabay inirapan ako.
"Salamat....uhmm...." Pasasalamat ko sa lalaking tumulong saakin nang....
"Mika?" Boses ni Ciann yung nasa likod ko. Kaya dali-dali nalang akong pumasok sa classroom nang di man lang nalaman ang pangalan ng lalaking nagligtas saakin.

BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Genç KurguBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...