Prologue

37.6K 1K 57
                                    

Prologue

Puno ako ng pagsisisi sa lahat ng desisyong ginawa ko sa buhay ko. Ang gusto ko lang ay makaalis sa impyernong buhay na mayroon ako, pero alam ko na ang lahat ng desisyong ginawa ko ay pagsisisihan ko. Ang hirap ng dinanas ko sa kamay nila Peter pero kinaya kong makatakas para hanapin siya at pareho naming takasan ang lahat.

Nahanap ko siya, finally.. Nahanap ko siya, ngunit akala ko patuloy akong ngingiti. Akala ko ay maaayos at magagawan ko pa ng paraan ang lahat.. Akala ko maaari na naming takasan ang lahat at magsama muli. Gusto kong maiyak sa sakit na naramdaman ko. Pinili kong magtago sa madilim na parte para walang makakita na umiiyak ako habang nakatingin sa kanya na nakangiti habang nakatitig sa babaeng inaalalayan niya ng pagmamahal habang kaharap ang mga taong malapit sa kanya.

Wala na, huli na ako. Tingin ko rin ay hindi na niya ako kailangan sa buhay niya. Masaya na siya habang ako ay kay tagal siyang hinanap ngunit kalungkutan at sakit ang sa huli ay mararamdaman ko.

Agad na tumalikod ako para lisanin ang lugar. Hilam ng luha ang mga mata ko habang nakaukit sa aking isip ang paglapat ng kanilang labi.

Umuwi ako sa bahay na maliit, masikip, at walang buhay.. Nakatitig ako sa aking sarili na ngayon ay nagpapahid ng kolorete sa mukha habang walang buhay na nakatingin sa salamin. Wala namang mahalaga sa buhay ko. Balik sa dating gawi matapos kong makita siya at masaya na..

Tila hindi na nga ata ako makakaalis pa sa buhay ko. Ito na ata ang tinadhana sa akin.

"Lucy, bilisan mo! Baka ma-late tayo. Importante na makaabot tayo kasi bigatin ang sasayawan natin sa bachelor party."

Tinignan ko si Megan mula sa salamin. Katulad ko ay gano'n din ang trabaho niya. Siya ang tumulong sa akin para makahanap ng tirahan. Pareho kaming nangungupahan sa isang apartment. Siya rin ang tumutulong sa akin para makahanap ng raket o trabaho.

"Pwede bang bumack-out muna? Medyo masama ang pakiramdam ko."

Umiling siya, "Hindi maaari. Binayaran na tayo ni Boss at baka kay Boss pa magalit ang client niya kung hindi ka sisipot. Ikaw pa naman ang main dancer."

Wala akong magawa kundi ang humugot ng malalim na hininga. Gusto ko sanang tumigil na sa pagsasayaw sa harap ng mga lalake, pero wala naman akong alam na ibang trabaho kundi ang pagsasayaw. Kung sana lang ay nakatungtong ako kahit high school, edi sana ay may marangal na trabahong naghihintay sa akin. Elementary na nga lang ay hindi pa ako nagawang pagtapusin ni Mama. Tapos iiwan din pala ako sa taong mananakit lamang sa akin.

"Uy! Tulaley ka?"

Nagbalik ako sa sarili ng tapikin ako ni Megan.. Niligpit ko na lamang ang mga gamit ko imbes na sagutin siya.. Nakaayos na ako ng isusuot ko sa isang bachelor party. Naka-rabbit lingerie costume ako ngunit nagsuot muna ako ng coat na mahaba hanggang tuhod ko para hindi naman lalabas ako na nakaganito. Sumakay kami sa isang van para dalhin kami doon sa bachelor party.. Bale tatlo kami na sasayaw.

"Narito na tayo. Alam n'yo na ang gagawin n'yo?" tumango kami sa nagsisilbing manager namin, "do your best, girls. Dahil ayokong mapahiya sa inyo."

"Yes, Madame."

Sila Megan lang ang sumagot habang ako ay nakatingin sa bintana at walang gana sa gagawin namin. Nakarating na kami sa isang hotel kung saan gaganapin 'yung bachelor party. Sa secret na daan kami dumaan para hindi din kami maging agaw pansin sa ibang costumer ng hotel. Pagdating sa secret room ay pinaghanda na kami kaya inalis ko ang suot kong coat at inayos ang sarili ko.

Hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Parang feeling ko may mangyayari na hindi ko aasahan. Umiling na lang ako at pinanatag ang loob ko. Pagkatapos nito ay gusto ko nang huminto. Gagawin ko lang ang lahat ng paraan para makahanap ng disenteng trabaho. Hindi ko na rin kaya pang mag sayaw sa iba't-ibang kandungan ng lalake.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon