Kabanata 26

20.2K 718 79
                                    

Kabanata 26

"Ayos na po ba ang pakiramdam ninyo?" tanong ko sa marias na mga nakahiga sa kanilang kama. Sa isang malaking kwarto ay sama-sama sila at may kanya-kanyang higaan.

"Lucy.." mangiyak-ngiyak na nakayakap sa akin si Nay Maria ng makita nila ako. Halos matunaw ako sa pag-iyak nila.

"Bakit ka umalis, Lucy? Bakit mo kami iniwan?" tanong ni Nay Rosas.

"Hindi ko po gusto na iwan kayo. Kusa lang ako na umalis dahil nahihiya na po ako sa dinadala kong problema sa inyo."

"Pero kahit na. Kahit na nagalit kami ng malaman namin na si Tiago pala ang sinasabi mong karelasyon mo ay hinanap ka namin kung saan. Halos bente kwatro oras ka nang nawawala, kaya agad na hinanap ka namin lalo na ng malaman namin na wala ka na pala sa Jara at hindi kasama ni Tiago. Sobra kaming nag-alala sa 'yo. Kaya dahil sa sobrang pag-aalala pa rin namin sa 'yo hanggang ngayon kaya halos madalas kami magkaroon ng sakit. Ngayon na nagpakita ka ay parang sumigla ang katawan ko."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Nay Rosas. Akala ko nga ay ipagtatabuyan nila ako oras na magpakita sa kanila, pero kabaliktaran sa totoong nangyari.

"Salamat po at tinanggap niyo pa rin po ako sa kabila ng lahat."

"Galit man kami pero hindi namin kaya na magalit sa 'yo ng lubos. Gaya ng sinabi namin ay tinatanggap ka na naming anak. May kasabihan nga na kayang tiisin ng anak ang ina pero ang ina ay hindi kayang tiisin ang anak ano man ang nagawa nitong kasalanan. Hindi ka namin kayang tiisin, Lucy."

Mas lalong humigpit ang yakap ko kay Nanay Maria dahil sa sinabi niya.

"Salamat po, salamat po." mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Walang anuman iyon, Anak. Basta kung may problema ka man ay sabihin mo sa amin, ayaw na namin na maglihim ka ulit, ha?"

Marahan na bumitaw ako ng yakap kay Nanay Maria at napatingin sa kanila. Humawak ako sa kamay ni Nanay Maria at napayuko.

"Mga Nay, nasa bahay po si Katarina." sumbong ko.

Pare-pareho silang napasinghap. Sino ba naman hindi magugulat? Pati ako ay nagulat ng magawa pang magpakita ni Katarina.

"Ano? Bakit nasa bahay nina Nicole si Katarina? Kaya ka ba umalis doon at pinuntahan kami?"

Umiling ako, "Balak ko na pong puntahan kayo ng dumating si Katarina. Sasama nga po sana si Tiago, pero nang dumating si Katarina ay hindi na siya natuloy."

Ang bigat-bigat ng loob ko hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nila. Kung tinanggap pa rin ba nila Mum si Katarina.

"Aba! Hindi pwede ang ganyan. Ano ba ang iniisip ni Tiago at mas sinamahan si Katarina? Akala ko ba ay ikaw ang mahal niya? Hindi na nga natuloy ang kasal nila at sinabi ni Nicole na ikaw daw ang pinili ni Tiago."

Tumingin ako kay Nanay Mary at umiling na umiyak ako.

"Hindi ko nga rin po maintindihan si Tiago. Sabi nga niya po mahal niya ako at kung dumating man si Katarina ay ang anak lang nila ang tatanggapin niya."

Napasinghap si Nay Mary, "Ibig sabihin nanganak na din si Katarina at dala-dala doon ang bata?" tumango ako, "patay na! Anong gustong palabasin ng apo natin? Gusto ba niya na ibahay kayo pareho?"

Wala akong masabi dahil nasaktan ako sa maaaring mangyari.

"Tara! Pumunta tayo ngayon din sa bahay nila Nicole. Iyang anak mo din, Maria, bakit hinayaan?"

Bumangon si Nay Rosas kaya agad na napatayo ako para pigilan sila.

"Wala pong alam si Mum kasi inaalagaan po niya sa loob si Baby Iron. Hindi ko lang po alam ngayon pero tiyak na ngayon lang din po niya nalaman. Saka huwag na po kayong bumangon at mabingat kayo. Kayo ko pong tiisin at harapin sila."

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon