Kabanata 19
Hindi na bumalik sa opisina si Tiago at Katarina. At nag-text sa akin si Tiago na hindi siya pupunta sa penthouse. Sobra akong tumamlay sa nalaman ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin na makihati sa oras at puso ni Tiago.
Umuwi ako sa bahay nila Nanay Maria. Hindi na nila napuna ang pagkatamlay ko dahil hindi ko naman pinahalata at busy sila sa pananahi kaya nagpaalam ako na papasok na sa kwarto para magpahinga.
Pagpasok ko sa kwarto ay madilim at kakaunting liwanag mula sa buwan lamang ang tanging liwanag dahil sa bukas na bintana. At dahil din sa senaryong ito ay mas lalo kong naramdaman ang pagiging mag-isa at dilim ng buhay ko. Inisip ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko at isa lamang ang alaalang lumabas sa isip ko na naging masaya ako, at 'yon ay nung makilala at makasama ko si Tiago hanggang sa mag-binata at dalaga kami pareho. 'Yung alaala na kahit napakahirap namin noon ay ayos lang basta masaya kaming pareho kahit simpleng bagay lamang ang nangyayari sa buhay namin noon. Pero ngayon ay hindi ko maisip kung sumaya na ba ako. Oo, sumaya ako dahil nakakasama ko si Tiago at nakilala ko sila Nay Maria, pero pakiramdam ko hindi buo ang kasiyahan na nakakamit ko. Mayroong kulang. At kahit na gusto kong punuin iyon ay hindi mangyayari dahil ang gusto kong pumuno no'n ay ikakasal sa ibang babae at magiging ama ng pinagbubuntis ng babaeng iyon.
Gusto kong isipin tuloy na kung pinanganak ba ako ni Mama na magiging role lang sa mundo ay makamit ang lahat ng hirap at sakit. Iniisip ko kung may nagawa bang kasalanan sa mundo si Mama kaya ako ang nagdudusa ngayon.
Tumingala ako habang umaagos ang luha sa mga mata ko. Hirap na hirap na ako pero paano ang baby sa tiyan ko? Ayokong madamay siya sa kamalasan ko. Ayokong lumabas siya at malaman niya na bunga siya ng maling gawain ko. Kapag kinasal na sina Tiago at Katarina, magiging anak siya sa labas. Ayokong mangyari 'yon, pero anong gagawin ko kung wala akong laban.
Napatingin ako sa paper bag na laman ay ang dress na bigay ni Katarina. Lumapit ako sa kama at naupo. Nilapag ko sa kama ang paper bag at binuksan. Kinuha ko doon ang dress at hindi ko mapigilan na matawa habang umiiyak.
Ang ineexpect ko 'yung dress na pula, pero ang pinalit pala ni Katarina ay 'yung black na dress na huli niyang sinukat. Alam kong sinadya niyang pagpalitin. Hindi ko alam ang rason niya pero siguro ng makita niya na gustong-gusto ko ang dress ay saka niya inangkin at sa akin binigay ang dress na ayaw na niya. Ang sakit lang isipin dahil parang kay Tiago lang, mahal na mahal ko si Tiago nung una pa lang pero inangkin niya at ayaw na ibigay sa akin.
Pati sa dress ay maitim ang nauwi sa akin. Walang kasiyahan ang makikita sa kulay. Madilim gaya ng mundo ko.
"Lucy! Tulog ka na ba?"
Nagpahid ako ng luha at huminga ng malalim para maayos ko masagot ni Nay Mary.
"Hindi pa po, bakit po?" tugon ko at tumayo para lumapit sa pinto.
"Kakain na kasi tayo. Lumabas ka muna at kumain bago matulog para hindi ka malipasan."
"Ayos lang po, nakakain naman po ako sa trabaho. Pasensya na po at hindi ko muna kayo masasabayan."
Sandali natahimik si Nay Mary, "Okay. Kapag nagutom ka ay lumabas ka at bumaba, ha?"
"Opo."
Nang marinig ko ang palayo nitong yabag ay nanghihina na lumapit muli ako sa kama. Gusto ko na lamang itulog muna lahat ng ito. Gusto ko na lamang ipahinga muna ang isip ko para makapag-isip ako ng tama kinabukasan.
-
Nakatulog ako at nagising lang ng may tumamang araw sa akin. Napahawak ako sa bibig ko dahil sumasama ang pakiramdam ko, para akong masusuka. Nanlalata na bumangon ako at napatingin ako sa orasan. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko na alas otso na! Dali-dali akong bumangon at hindi ko na nga binisita muna ang cellphone ko dahil kailangan kong magmadali na gumayak para kahit papaano ay makahabol pa ako.

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Fiction généraleLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...