Kabanata 21
"Pasok ka." aya ni Josh.
Sumama ako sa kanya pagkatapos namin kumain. Kahit na nakakahiya na makituloy sandali ay wala akong choice dahil gabi na at wala na akong pera. At pagkakita ko sa bahay nila Josh ay wala silang masyadong kapitbahay dahil sa ilalim ng tulay nakatayo ang bahay nila. Gawa sa wood ang pader at maayos naman ang bubong.
"Pasensya na sa bahay namin. Wala naman kasi kaming sariling lupa kaya dito ko naisip magtayo ng bahay para sa amin ng kapatid ko." aniya at agad na pinagkukuha ang mga nakakalat, "Bekya! Hindi ka man lang naglinis! Nakakahiya ka!"
May lumabas sa isang kwarto na natatakpan ng kurtina.. Lumabas ang isang batang babae na tadtad ng make-up sa mukha.
"Kuya, huwag kang sumigaw at baka magiba ang bahay natin. Saka ano ba lilinisin ko sa bahay natin? Kay liit-liit lang naman. At busy ako sa pagpapaganda kaya wala na akong time maglinis."
Rumampa pa ito pero nagulat ito ng mapatingin sa akin. Agad na napahawak siya sa kuya niya bago napaturo sa akin.
"Sino siya, Kuya?"
"Si Lucy." tumingin sa akin si Josh, "Lucy, si Bekya, kapatid ko."
Ngumiti ako at tumingin kay Bekya na tinitignan ako tila ba namamangha.
"Hi, Bekya." bati ko.
"Totoo ka ba? Ang ganda mo."
Napangiti ako at tumango. Nagtaka naman ako ng hatakin niya si Josh sa kwartong pinaglabasan niya kanina, kaya naiwan akong mag-isa. Nilibot ko ang tingin sa munti nilang bahay. Kahit maliit ay maayos naman. May mga larawan nilang magkapatid na nakadikit sa pader. May medalya din at ilang trophy na nakapatong sa t.v na maliit. Napatingin ako sa labas at lumabas muli. May sapa sa tapat pero mataas ang pwesto ng bahay nila kaya hindi aabutin. Kanina ay nadaanan namin ito pero sa gilid lang dahil deretso naman daan ng ilalim ng tulay na walang tubig.
"Pasensya na. 'Yung kapatid ko ay nakiki-chika tungkol sa 'yo."
Napalingon ako kay Josh na nahiyang ngumiti. Ngumiti ako at muling tumingin sa sapa bago napahinga ng malalim.
"Ayos lang 'yon.. Oo nga pala, Josh." tumingin ako sa kanya ng tumabi siya sa akin na tumingin sa sapa, "bukas ay aalis na ako. Kailangan ko kasi talagang bumalik sa maynila para maghanap din ng trabaho. Kailangan kong gawin iyon dahil hindi lang sarili ko ang bubuhayin ko ngayon."
Napatingin siya sa akin, napatingin sa tiyan ko, at binalik din naman agad sa mukha ko ang tingin niya.
"Buntis ka?" gulat niyang tanong.
Tumango ako at napahinga muli ng malalim, "Oo. . Nahihirapan nga ako kung paano ko ba siya palalakihin kapag nakalabas na siya."
Hindi mangyayari 'yung sinabi ko kanina na hindi ko ipapadanas sa anak ko ang buhay na mayroon ako. Ngayon ay mas mahirap pa kami sa daga at natatakot ako na kamulatan niya ang buhay na 'yon.
"Sigurado ka bang may makikita ka kaagad na trabaho?" tanong niya.
Umiling ako, "Hindi ko alam. Pero siguro sisikapin ko na lang maghanap ng desenteng trabaho."
"Anong ibig mong sabihin na desente?"
Tumingin muli ako sa sapa at mapait na ngumiti.
"Dati kasi akong dancer sa isang bar. Taga aliw sa mga kalalakihan. Pero ni minsan hindi ako sumama dahil ayoko na mas bumaba pa ang pagkatao ko."
"Isa ba sa mga costumer sa bar ang nakabuntis sa 'yo? Pasensya na sa tanong, hindi ko sinasadya."
Umiling ako, "Ayos lang. . Tungkol sa tanong mo, hindi costumer sa bar ang ama ng baby ko. Matagal ko siya na kakilala, kaso nagkahiwalay kami dahil sa isang pangyayari. Makalipas ang ilang taon, muli kaming nagtagpo at gaya ng inaasahan ay may nangyari muli sa amin. Pero bago 'yon ay alam kong ikakasal na siya sa iba. Tatanggapin ko kung huhusgahan mo ako, pero iyon talaga ang totoong ginawa ko. Nakiapid ako at naging dahilan kaya hindi matutuloy ang kasal nila."

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
General FictionLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...