Kabanata 2
KINABUKAS rin ay sinamahan ko si Louis. Nagsimba muna kami kasi alam kong kinakabahan siya. Kumain na rin kami sa mall at pagkatapos ay nagpunta kami sa kilalang manunuli na si Ka Enteng. Malapit lang din sa lugar ang bahay no'n at sikat na sikat ito sa mga nagpapatuli.
Marami na ring mga kabataang lalake na kaedad ni Louis na nasa clinic ni Ka Enteng. Ang ilan na nakatayo lang para hintayin ang pangalan nila na tawagin at ganoon din si Louis. Nakita kong natutulala siya kaya ibig kong matawa dahil halatang kabado siya.
Kapag sa pakikipag-away ay ang tapang-tapang, pero kapag sa ganito ay tila nababahag ang buntot. Tumingin siya sa akin ng maramdaman siguro na pinagtatawanan ko siya. Sumimangot siya kaya natawa ako.
"Louis Angeles!"
Tinawag na ang pangalan niya. Kaya napatayo ako at lumapit sa kanya.
"Mama.."
"Sigurado ka ba? May pasok ka pa sa school. Pwede naman sa susunod na bakasyon na lang."
Dapat pala nung bakasyon pa lang ay pinatuli na siya. Baka umabsent pa tuloy siya dahil ngayon pa siya magpapatuli. Dapat pala inasikaso ko ito. Hay!
"Kaya ko, Mama.. At aalagaan mo naman ako, 'di ba?"
Ngumiti ako at tumango bago guluhin ang buhok niya. Sinamahan ko siya sa loob at pinahiga siya sa parang lamesang stainless. May dala na bimpo si Louis at pinangkagat niya 'yon sa ngipin niya, siguro para doon ibunton ang sakit, habang inaayos na ng nurse ang gagamitin sa pang tuli.
Narito lang ako sa patient guardian seat at hinihintay na matapos ang pagtuli kay Louis. Wala akong narinig na sigaw mula kay Louis, basta nakapikit lang siya pero kita ko na medyo napangiwi siya. May dala kaming palda ko para ipasuot sa kanya. Alam ko kasi na hindi maaaring sumadya sa tela ang bagong tuli niyang putotoy kaya nagdala kami.
"Mama.."
Agad na napatayo ako ng matapos na siya. Nilapitan ko siya na nakahawak sa jersey short niya habang paika-ika maglakad.
"Masakit ba?"
"Sobra.. Pero ayos lang Mama, parang kagat lang ng langgam."
Inismiran ko siya dahil napakayabang pa rin kahit kitang-kita naman sa mukha niya na masakit talaga. Inalalayan ko siya hanggang makalabas kami. Pumara ako ng tricycle at pinauna siyang pinasakay.
"Bagong tuli, Louis."
Napatingin kami sa Mamang Driver na tila kilala pa si Louis.
"Oho. Para maging ganap na binata."
"Tama 'yan. Nakakadagdag sa pagkakalalake 'yan. Maaari ka nang mamunla."
Nagtawanan ang dalawa habang ako ay naiwang naguguluhan sa pinag-uusapan nila. Hinatid kami sa baryo namin ni Manong sa tapat ng kanto. Hindi kasi makakapasok ang sasakyan dahil masikip din dahil squater area.
Inalalayan ko si Louis sa paglalakad dahil alam kong masakit ang nararamdaman niya. Nakita ko na pinagchi-chismisan kami ng mga kapitbahay pero hindi na namin pinansin.
"Totoy! Gagaling agad 'yan, maganda ang mag-aalaga, e! Hahaha!"
Napahinto si Louis sa sinabi ng mga manginginom. Pinigil ko siya at inilingan bago inaya.
"Bwisit na mga 'yon! Binabastos ka nila, Mama."
"Hayaan muna, wala lang magawa sa buhay 'yon... Magpalit ka na ng suot mo para hindi ka mahirapan sa short mo." sabi ko ng makauwi na kami.
Tumango naman siya kaya ngumiti ako at tinungo ang kusina para maghanda ng kakainin namin na pang tanghalian. Kanina pa kami lumakad ng maaga para nga mauna sa pila. Libreng patuli din 'yon, kaya tama rin siguro na ngayon siya magpatuli.
BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Aktuelle LiteraturLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...