Kabanata 11

20.5K 799 216
                                    

Kabanata 11

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Wala akong imik na sumunod dahil nais ko rin siyang makausap at makaalis sa letseng bar na 'yon. Sana gano'n din si Megan.

Nakatingin ako sa likod niya habang naglalakad siya. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito sa parang hotel. Dito niya ako dinala at hindi ako makapagtanong dahil wala siyang imik.

Nang huminto siya sa tapat ng isang pinto ay binuksan niya ito at pumasok siya. Napahinga ako ng malalim dahil kinakabahan ako pero mas nanaig ang kagustuhan ko na samantalin ito para matanong ko sa kanya lahat ng gusto kong itanong.

Pumasok na rin ako at napatingin ako sa paligid dahil parang isa itong expensive na buong bahay. Magaganda ang gamit at maluwang. Kita ko din ang view dito na mga ilaw na nagmumula sa mga karatig na building.

Napatingin ako sa kanya na tumayo sa harap ng salamin na pinakapader nitong room o bahay na ito. Marahan kong sinara ang pinto at katahimikan ang namayani.

Nag-aalangan ako at hindi ko alam ang una kong sasabihin, pero naglakas-loob akong humakbang ng kaunti.

"Kumusta ka na? At bakit dinala mo ako rito?"

Napakahawak ako ng kamay dahil kinakabahan pala ako habang tinatanong siya. Gusto ko siyang yakapin dahil inaamin ko na na-miss ko siya.

"I'm okay." humarap siya at lumakad palapit sa akin kaya napaayos ako ng tayo at napalunok, "Dinala kita rito dahil hindi ko alam saan ang bahay mo. Umalis ka kung gusto mo."

Ambang aalis na siya ay pinigilan ko siya agad sa braso at yumakap ako sa likod niya.

"Louis, na-miss kita.. A-ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito para makasama ka. Ang tagal kitang hinanap."

Humigpit ang yakap ko sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko at alisin. Tumingin ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapaiyak.

"Good to hear that. . "

"Louis, saan ka nagpunta at ngayon ka lang bumalik? At gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat ng nangyari sa akin."

"Hindi ko na kailangang marinig, dahil wala naman akong pakialam."

Para akong nasapul ng matalim na pana sa puso sa klase ng sinabi at tono niya.

"Kung wala kang pakialam, bakit niligtas mo ako sa bar kanina? Bakit mo ako binili?"

Natawa siya at humarap sa akin. Para siyang nainsulto sa sinabi ko.

"Nagkataon lang na nandoon ako. Nakita kong naiipit ka na naman kaya sino ba naman ako para hindi ka tulungan, tutal naging parte ka na lang ng buhay ko."

Imbes na pakinggan ang masakit niyang sinabi ay binalewala ko.

"Louis, alam kong galit ka sa akin dahil pinili kong sumama kay Peter noon, pero bigyan mo naman ako ng pagkakataong magpaliwanag."

Umiling siya tila ba wala siyang interes na pakinggan man lang ako.

"I have no time for that. I have to go."

Tumalikod na siya kaya natakot ako. Hindi ko alam basta natatakot akong mawala na naman siya. Niyakap ko muli siya sa likod at napaiyak muli ako.

"Louis, huwag kang umalis, pakiusap. Marami akong gustong sabihin sa 'yo. Marami akong gustong itanong. Pakiusap, gusto kong bumalik sa buhay mo. Gusto kong makasama ka."

Wala akong pakialam kung desperada na ang tono ko, pero ayokong umalis si Louis. Miss na miss ko na siya.

"Gusto mong bumalik sa buhay ko? Gusto mong makasama ako?"

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon