Kabanata 24

26.4K 925 328
                                    

Kabanata 24

Kung gaano ka ba naging kasama ay gano'n din ba kabilis ang karma? Pero hindi naman sa ganoong paraan ko nais na magdusa si Tiago sa lahat ng sakit ng binigay niya sa akin. Hindi ko nais na umabot sa puntong mag-agaw buhay siya. Hindi ko ninanais na ito ang magiging karma niya.

Araw-araw siyang sumasailalim sa operasyon o sa treatment para agad na gumaling siya. Ngunit may isang bagay na lubos na masakit dahil hindi na daw maibabalik pa.

Nakatingin ako rito sa salamin habang tini-treatment pa rin siya. Hindi ko tinanggap ang offer ni Sir Jace pero hindi ko alam bakit bumabalik ako rito para tignan siya. Hindi ako nakakatulog sa gabi dahil iniisip ko siya. Tuwing naiisip ko ang kalagayan niya ay nakokonsensya ako.

"Lucy.."

Napalingon ako at agad na napapunas ako ng luha ng makita si Miss Nicole. Hindi ko alam na makikita niya ako. Pinili kong patagong pumunta dahil ayoko sana na makita pa ang pamilya niya.

"K-Kayo po pala." yumuko ako dahil ngayon lamang ulit kami magkakausap ni Miss Nicole ng sarilinan.

"Kumusta ka na at pinagbubuntis mo?" tanong nito at tumingin kay Tiago. Napatingin ako kay Miss Nicole at kahit na maaliwalas ang kanyang mukha ay bakas doon ang lungkot at sakit sa dinanas ng kanyang anak. Para din siyang hindi nakakatulog at pumayat.

"Ayos naman po. Malapit na rin po ang kabuwanan ko." tugon ko at tumingin kay Tiago.

"Hindi ka ba nahihirapan? Kung gusto mo ay sa amin ka na tumuloy para mas matignan ka namin dahil malapit na pala ang kabuwanan mo."

Umiling ako, "Ayos lang po ako. Nasa tabi ko naman po sila Josh kaya wala po kayong dapat na ipag-alala."

Natahimik siya pero maya-maya ay narinig ko ang pag-iyak niya kaya napatingin ako sa kanya. Napatakip siya ng bibig at tuluyan nang umiyak.

"I'm sorry, Lucy. May nasabi ako sa 'yo noon ng hindi mo alam. Sinabi ko kay Tiago na kung may iba ka naman ay huwag ka nang habulin o lapitan dahil nga ay ikakasal na rin sila ni Katarina noon. Saksi kasi ako kung gaano nasasaktan ang anak ko nung panahon na natagpuan namin siya. Kinuwento niya na sumama ka daw sa iba. Kaya naman ay kahit na hindi kita nakilala noon ay nagkaroon ako ng inis dahil bakit iniwanan mo ang anak ko at sumama ka sa iba. Mahal ka ng anak ko noon pa lang. At dahil sa kagustuhan na tulungan ko rin siya at makabawi sa tagal na nawalay siya sa amin ay pinadala namin siya sa ibang bansa para buuin ang sarili niya. Siya na rin kasi ang hahawak ng Jara kaya pinag-aral namin siya, at salamat sa diyos at nakatapos siya at nagampanan ang posisyon niya sa Jara. Kaya naman natutuwa ako ng umuwi siya na kasama si Katarina. Sinabi nila sa amin ang balita na magpapakasal sila. Inisip ko nga noon na nakabuti pala ang pagpunta niya sa England para makalimutan ka niya at makahanap ng ibang magpapasaya sa kanya. Pero hindi ko talaga naalala na ikaw ang Lucy na sinasabi niya. Hindi ko din akalain na magkakaroon pa kayo ng relasyon. Kaya hindi mo rin maaalis sa akin na magalit dahil kung ako ang nasa posisyon ni Katarina ay sobra din akong masasaktan."

"Alam ko po na iyon. Narinig ko po kayo na nag-uusap ni Tiago." sabi ko at umiwas ng tingin.

"Sorry."

Umiling ako at mapait na ngumiti, "Ayos lang po iyon, dahil doon kaya ako nag-desisyon na umalis."

"L-Lucy, dahil ba doon kaya ayaw mong tanggapin ang alok ng asawa ko? Hindi mo na ba mahal ang anak ko?"

Napahinga ako ng malalim, "Miss Nicole, mabuti po siguro na si Katarina ang mag-alaga sa kanya hindi ako. Siya po ang dapat na nasa tabi ni Tiago at hindi ako."

Napahawak sa akin si Miss Nicole kaya nagulat ako at napaharap sa kanya. Umiiyak na bigla siyang lumuhod kaya nagulat ako.

"Lucy, alam ko na kalabisan ang hinihingi ko sa 'yo na ito pagkatapos ng nagawa ng anak ko sa 'yo, pero ako na ang nakikiusap na sana ay tanggapin mo ang alok ng asawa ko. Pangako ko na tutulungan kita at pati sa pag-aalaga sa anak mo. Alam namin na ikaw ang kailangan ni Tiago."

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon