Kabanata 22
Tumingala ako sa diyos. Tinanong ko siya kung kagustuhan ba niya ang lahat ng nangyayari sa akin. Hindi naman ako nagsisisi ngayon sa buhay ko. Masaya ako dahil sa kabila ng lahat ng sakit ay nagamot naman ito ng unti-unti.
Gaya ng sabi ng iba na may purpose daw ang lahat ng bagay. At lahat ng nangyayari ay may dahilan.. At kung ano man iyon ay kailangan na matatag pa rin sa ano mang bagay.
Masasabi ko na hindi talaga perpekto ang buhay. Walang makakapagsabi kung ano ang tunay na mangyayari. Basta nasa pagitan ang diyos ay walang magiging pagkakamali.
Nag-sign of the cross ako matapos kong ipagdasal ang lahat sa kanya. Tumayo ako habang hawak ang rosaryo at hinalikan ito. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti.
"Lucy…"
Napahinto ako at napalingon sa likod ko. Nagulat ako habang nagkatinginan kami sa mata. Humarap ako ng marahan siyang lumapit.
"Lucy, nandito ka lang pala." aniya at huminto siya sa harap ko. Umatras ako kaya napahinto siya ng ambang hahawakan ako.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang tinatatagan ang loob ko. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Ngayon na lang ulit mag buhat sa hospital.
"I missed you." lumamlam ang mga mata niya at pilit akong hinahawakan.
"Tiago, huwag mo akong hawakan. Bakit ka narito?"
"Hinanap kita pero hindi ko alam narito ka lang pala. Miss na miss kita, Lucy."
Tinulak ko siya ng yakapin niya ako. Napaiyak ako at sinampal siya kaya napatigil siya.
"Huwag muna akong guluhin, Tiago. Masaya na ako sa buhay ko. Lumayo na nga ako, ano pa bang gusto mo?! Ayoko na ng gulo. Kaya tigilan mo na ako."
"Please, Lucy, listen to me. I still love you, please come back to me."
Hinawakan niya ako sa braso at pilit na nilalapit sa kanya. Umiling ako at tinulak siya kaya napaatras muli siya.
"Hindi na ako babalik sa 'yo, Tiago." sabi ko habang nakatingin sa kanya at pilit kong maging normal sa harap niya para hindi muling bumigay.
"Bakit? Bakit ka umalis? Bakit ka umalis ng walang paalam?!" sigaw niya habang namumula na ang mukha niya.
"Hindi ko kayang magpaalam sa iyo ng hindi umiiyak. Umalis ako dahil iyon ang tama. Alam ko na mahal mo si Katarina kaysa sa akin.. Alam ko na kaya ka lang lumapit at pinatulan ako ay dahil galit ka sa akin. Tiago, alam mo ba ng makita kita na kasama si Katarina at inanusyon ninyo ang kasal niyo ay sobra-sobrang sakit ang naramdaman nito," tinuro ko ang dibdib ko habang umiiyak na nakatingin sa kanya, "alam mo ba na mula ng pumayag ako sa kasunduan mo ay halos puro sakit na lang ang naramdaman ko. Hindi ko maramdaman sa 'yo ang pagmamahal mo. Hindi ko maramdaman kahit na nakakasama naman kita buong gabi at kay Katarina ka sa umaga. Alam mo ba na hinanap kita ng matagal na panahon at umaasa na kapag nakita kita ay magkakasama tayo at tutuparin ang mga pangarap natin noon. Pero anong nangyari sa 'yo? Imbes na ang Louis na inaasahan kong babalik sa akin ay hindi bumalik. Pinaliwanag ko naman sa 'yo ang lahat. Bakit pinili mo pa rin na saktan ako? Hindi ko gusto na sumama kay Peter noon, pero natakot ako na patayin ka nila kaya wala akong choice. Ayoko sana isumbat sa 'yo ito, pero hindi mo alam ang sakripisyong naranasan ko dahil sa 'yo. Sinubukan kong makatakas kay Peter, pero ano? Kinulong at minsan sinasaktan ako. At nang malaman kong buntis ako sa 'yo ay sobrang saya ko kasi alam ko na may pag-asa pa. Na makakasama pa tayo at 'pag nangyari 'yon ay tatlo na tayo. Pero alam mo ba na hindi ko pa nga nahahawakan o lumalaki ang baby sa tiyan ko ay nawala siya. Halos durugin na ako sa sobrang sakit. Akala ko nga kapag nasabi ko sa iyo iyon ay may magbabago. Pero hindi, kasi gano'n pa din, si Katarina pa rin ang mahal mo. Habang ako ay kahit na anong pinagsasabi mo ay tiniis ko kasi mahal na mahal kita, pero may hangganan din lahat, Tiago. Sukong-suko na ako. Ako na lang ang lumayo kasi ayoko din masira ka pa sa pamilya mo. Ayos lang na ako ang masira huwag lang ikaw. Katunayan, ikaw ang unang nang iwan sa akin. Ikaw ang dahilan kaya ganito ang kapalaran natin…. Pinapalaya na nga kita, e. Kaya pakiusap lang huwag muna akong guluhin. Sinusubukan ko na makalimot. Sinubukan ko kahit na sobrang hirap. Asikasuhin mo na lang si Katarina… Hanggang dito na lang tayo, Tiago." humihikbi na nagpunas ako ng luha habang nakatingin sa kanya na umiiyak.

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Ficção GeralLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...