Kabanata 6

22.2K 674 68
                                    

Kabanata 6

NATAGALAN si Louis sa pakikipag-usap sa tao sa labas kaya bumangon ako sa higaan at kinuha ang tuwalya. Lumabas ako at pumunta sa banyo para maligo. Habang nasa banyo ay hindi ko mapigilang alalanin lahat ng bakas ng halik at paghaplos ni Louis sa katawan ko. Para akong kinikiliti pa rin at pakiramdam ko ay ramdam ko pa rin siya sa pagitan ng hita ko.

Nang matapos ako sa paliligo ay nagtapis lang muli ako ng tuwalya at lumabas na. Nagtungo ako sa kwarto at napahinto ako ng makita si Louis na tulala habang nakaupo sa kama. Nang pumasok ako ay napatingin siya sa akin.

"Oh, bakit ganyan ang reaksyon mo? May problema ba?"

Lumapit ako sa closet namin at kumuha ng isusuot ko. Kailangan ko ring magluto para makakain na kami. Habang kumukuha ng damit ko ay napaidtad ako ng yumakap siya sa akin.

"Aalis lang ako sandali mamaya, Mama.. At pagkauwi ko ay mababayaran na natin ang utang mo sa kanila. Magiging malaya ka na at pwede na tayong magpakalayo-layo."

Naguluhan naman ako kaya humarap ako sa kanya kaya napabitaw siya ng yakap.

"Anong ibig mong sabihin? Saan ka naman kukuha ng pera? Naku Louis! Huwag mong sabihin na may gagawin kang hindi maganda para makakuha agad ng malaking pera?"

Umiling siya at ngumiti, "Hindi ako gagawa ng masama, Mama. Magkakapera ako dahil may nag-alok sa akin na kung pwede ay makahingi ng laway ko. Laway ko na kapalit ay isang daang libong piso. Kaya pumayag agad ako dahil sobra-sobra 'yon para makabayad ka at makaalis tayo. Makakapagsimula na tayo ng bagong buhay na magkasama at malayo sa mga taong nagpapalayo sa 'yo sa akin."

"Sure ka ba sa sinabi mo? Baka niloloko ka lang. Baka peperahan ka lang."

Natawa siya at hinawakan ako sa kamay bago inaya sa kama. Naupo siya at pinaupo ako sa hita niya kaya napahawak ako sa balikat niya habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Kung niloloko ako ng tao, bakit laway ko lang ang hinihingi niya? Bakit naman ako peperahan no'n, e, ako nga ang bibigyan niya? Saka kung sakali na niloloko lang ako no'n, wala naman mawawala sa akin, sarili lang niya lolokohin niya. Kaya 'wag ka nang mag-alala.. Ang mahalaga ay may pag-asa tayong makawala na sa lahat ng sumasakal sa atin."

Napahinga ako ng malalim at tumango sa kanya. Sana nga ay totoo na bibigyan siya ng isang daang libo para lang sa laway. Para makaalis na ako sa impyernong kamay ni Peter.

"Kailan daw ibibigay ang pera?"

Humawak siya sa hita ko at hinaplos 'yon, "Mamaya pang tanghalin. Magwi-withdraw lang daw siya at tatawagan ako para magkita kami kapag dala na niya ang bayad."

"Kung gano'n ay magluluto na ako para makakain na tayo at makapaghanda."

Tumayo ako pero agad na pinigil niya ako, "Saan ka pupunta?" tanong niya at hinalikan ang braso ko.

"Magbibihis para makapagluto na ako."

Ngumisi siya, "Kung magluto ka kaya na naka-towel lang?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay at kinurot sa pisngi na kinangiwi niya.

"Puro ka kapilyuhan, Louis. Alam ko tumatakbo d'yan sa utak mo. Tigilan mo ako at pagod na ang katawan ko sa palagi mong pangangalabit."

Tumayo na talaga ako at lumapit sa closet. Kinuha ko ang damit ko at nagbihis kahit nakaharap si Louis na titig na titig. Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako para magtungo sa kusina.

Nagsaing ako at nagbate ng itlog. Nagugutom na ako kaya 'yun muna ang lulutuin ko para makakain na agad kami.

"Hmm, mukhang masarap 'yan.." nilingon ko si Louis na yumakap sa akin.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon