Kabanata 29

23.9K 952 177
                                    

Kabanata 29

Hindi ko akalain na matutuklasan ko ang bagay na mahalaga sa buhay ko. Hindi ko akalain na meron pa akong kapatid at iba ang mga magulang ko. Dapat akong magsaya dahil hindi si Mama ang magulang ko. Hindi dumadaloy sa dugo ko ang dugo niya. Maaari kong sabihin kela Mum Nicole na hindi ako anak ni Mama.

Maaari na sana kami magsama ni Tiago. Maaari na sana kami ngunit ang pamilya na kinabibilangan ko pala ay galit sa mga Esteban. Sobrang komplikado ng lahat. Para bang tuwina makakalusot ako sa isang problema ay mapapalitan muli ng panibago. Parang hindi na matapos-matapos itong problema ko.

Napatingin ako kay Aliásar na kapatid ko pala at Kuya. Nalaman ko ang lahat ng katotohanan dahil hindi naman pwedeng magkamali na magkamukha kami pati ang magulang namin at magkadugo kami. Lumapit siya habang buhat si Iron.

"I want to train my Nephew in the future, but he needs a prosthetic arm."

Napahawak ako sa braso ko dahil medyo sumasakit ito pero humihilom na tagal na pananaliti ko rito. Para nga akong prinsesa kung ituring ng mga tauhan ni Kuya. Kaya nakakabawi talaga ako ng lakas ngayon.

"Huwag, ayokong kalakihan ni Iron iyon. At sinabi na rin nila Tiago na sila ang magpapalagay ng prosthetic kay Iron."

Nakita kong natigilan siya at dumilim ang mukha.

"I told you na kalimutan mo na ang lalakeng iyon. Kaaway siya at ang pamilya niya ng pamilya natin. Sila ang dahilan kaya nawala ang mga magulang natin." galit niyang sabi.

Napahinga ako ng malalim, "Alam ko 'yon.. Pero hindi mo maiaalis sa akin na alalahanin siya. Hindi rin naman nila kasalanan ang kasalanan ng ninuno nila Tiago sa magulang natin."

"Nagagawa mo lang sabihin 'yan dahil hindi ikaw mismo ang nakasaksi kung paano pinahirapan ng mga Esteban ang mga magulang natin. Kaya kung balak mo pang balikan ang Esteban na 'yon, kalimutan mo rin na may kapatid ka."

Hiniga niya sa tabi ko si Iron at umalis siya na masama ang loob sa akin. Napahawak ako sa noo ko dahil nahihirapan ako. Gusto kong umalis at puntahan si Tiago para malaman din nito ang lagay ko at malaman ko ang lagay na niya, ngunit si Aliásar, magagalit siya oras na umalis ako at bumalik kay Tiago.

Ngayong nalaman ko na kung sino ang kapatid ko ay hindi ko naman gusto na magkagalit kami. Ang sarap sa pakiramdam na may kapatid pa pala ako at malalapitan kapag may dinadaing ako. Na may pamilya pa pala akong maituturing.

Umalis si Aliásar, mga hapon ko na sinubukan na lumabas dahil medyo nagkakalakas na ako. Buhat-buhat ko si Iron habang bumababa kami sa mahaba at malaking hagdanan na may black carpet para iwas makadulas.

Napakalaki ng bahay at tila ito isang mansyon. Hindi ko akalain na may mayaman akong magulang at kapatid. Napakasakit lamang na matuklasan lahat ng ito. Kung sana, kung sana noon ko pa nalaman, baka hindi nangyari sa akin ang lahat na mapait na sinapit ko. Pero siguro iyon talaga ang nakatadhana sa akin.. Hindi ko rin naman mamahalin si Tiago at magkakaroon ng Iron kung hindi ko sinapit lahat ng hirap na dinanas ko. At least ngayon ay buong-buo na ang loob ko. Masasabi ko na matatag na ako at kaya ko nang harapin lahat dahil nagkaroon na ng kasagutan ang lahat ng patlang sa buhay ko.

Pagbaba ko ay nakita ko si Brix na kausap ang ilang tauhan ni Aliásar. Napatingin sa akin si Brix. Hindi ko pa rin siya mapapatawad, dahil sa kanila ni Peter kaya halos mamatay na ako. Hindi ko alam kung nasaan si Peter parang tinanggal na ata siya ni Aliásar matapos ng ginawa niya sa akin..

"Lucy.." bungad ni Brix.

"Saan nagpunta si Aliásar?" tanong ko. Ayoko man siyang kausapin pero kailangan. Gusto kong makausap si Aliásar.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon